Malaki ang itinaas ng mga kaso ng malaria sa bansa noong 2023. Umabot nga sa 90% ang itinaas ng malaria cases sa Pilipinas kompara sa datos noong 2022. Ito ang pahayag ng Department of Health nitong Biyernes, April 12, 2024.
Kaso ng malaria sa Pilipinas sumipa ng 90%
Ayon sa latest data na inilabas ng DOH Research Institute for Tropical Medicine (RITM), umabot ng 6,248 ang naitalang kaso ng malaria sa bansa noong 2023. Malaking bilang ito kung ikokompara sa 2,345 na naitala noong 2022.
Larawan mula sa Freepik
Mayroon pa umanong mga kaso na humantong sa kamatayan ng pasyente at sa ngayon ay under investigation pa ang mga ito.
Ayon sa DOH-RITM, sa 82 probinsya, ang Palawan lamang ang nanatiling mayroong active cases. Noong nakaraang taon ay naitala ang 6,188 kaso sa nasabing lalawigan.
“Itong probinsya na lamang ang siyang inaantabayanan natin dahil dito po nanggagaling ang halos lahat ng ating malaria cases,” pahayag ni RITM Technical Supervisor Jhobert Bernal.
Ayon sa DOH, isa umano sa mga posibleng rason kung bakit tumaas ang kaso ng nasabing sakit sa Pilipinas ay dahil sa climate change. Gayundin ang restrictions na dulot ng pandemya.
Ano nga ba ang sakit na ito?
Ayon sa World Health Organization, ang malaria ay isang uri ng nakamamatay na sakit dulot ng lamok. Karaniwan ang sakit na ito sa mga bansang tropikal tulad ng Pilipinas.
Life-threatening man ay preventable at curable naman ito. Ibig sabihin, may mga hakbang para magamot at maiwasan ang sakit na ito.
Ilan sa mga sintomas ng malaria ay ang mga sumusunod:
- Lagnat
- Pananakit ng ulo
- Masakit na katawan o muscle
- Fatigue
- Pagpapawis
- Chills o panlalamig
- Pagsusuka
Ang mga ito ay mga early signs lang. Posibleng makaranas ng mas malalang sintomas kung severe na ang sakit.
Ilan sa mga sintomas ng severe malaria ay kidney failure, mental confusion, seizure, at coma.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!