10 parenting mistakes kung bakit lumalaking hindi close ang bata sa magulang

Narito rin ang mga dapat mong gawin para mas mapalapit o close kayo sa isa’t isa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Malayo ang loob sa magulang ng isang bata? Ito ang mga posibleng dahilan.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Ang mga dahilan kung bakit lumalaking malayo ang loob sa magulang ng isang bata.
  • Mga dapat isaisip at gawin para maging close ang relasyon mo ng inyong anak.

Nagtataka ka ba kung bakit tila malayo ang loob ng iyong anak sayo? Ayon sa child psychologist na si Laura Markham ikaw rin ang dahilan o may gawa nito at ikaw lang din ang makakagawa ng paraan para mapalapit o maging close na kayo.

Para mas malinawagan, narito ang mga hindi mo dapat gawin para hindi lumaking malayo ang loob ng anak mo sayo.

Mga dahilan kung bakit malayo ang loob sa magulang ng isang bata

1. Hindi mo niyayakap ang iyong anak.

People photo created by pch.vector – www.freepik.com 

Napalaking bagay umano ang nagagawa ng pagyakap sa isang tao. Sa katunayan, ayon sa family therapist na si Virginia Satir, kada isa sa atin ay kailangan ng 4 hugs a day para mag-survive. Mas maraming hugs sa isang araw ay mas makakatulong umano para tayo ay mag-improve at mag-grow bilang isang tao.

Ganito ang epekto ng mga yakap nating mga magulang sa ating mga anak. Kahit nga ang mga simpleng physical connections sa kanila tulad ng pagtapik sa kanilang balikat ay napakalaking bagay na.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kaya naman sa araw-araw, yakapin ang iyong anak. Gawin ito sa tuwing gigising siya sa umaga o bago siya matulog sa gabi. Kahit sa tuwing ikaw ay aalis o malalayo sa kaniya.

Makakatulong din kahit ang mga simpleng eye contact at pag-ngiti lang sa kaniya. Ganoon din ang pag-aayos o pagsusuklay ng kaniyang buhok.

2. Hindi ka nakikipaglaro o sa iyong anak.

Para sa mga bata, ang laro ang isa sa pangunahing bagay na nakakapagpasaya sa kanila. Dito sila madalas na tumatawa na ayon sa mga eksperto ay nakakatulong na mag-stimulate ng mga hormones na endorphins at oxytocin.

Ang mga hormones na ito ang nagpo-promote ng trust, empathy, at bonding sa mga relasyon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kaya naman para hindi maging malayo ang loob sa magulang ng isang bata ay mahalagang mag-spend ng oras sa kanila sa pamamagitan ng paglalaro.

Kahit na sa mga simpleng bagay na kung saan makakasama mo ang iyong anak na siya ay tatawa at magiging masaya. Tulad ng pagbibiro sa kaniya o panonood ng mga movies na nakakatawa na kayo ay magkasama.

3. Laging cellphone ang hawak mo kapag kasama mo ang iyong anak.

Maaaring busy ka sa cellphone mo dahil sa trabaho o kaya naman dahil sa online mong negosyo. Anuman ang dahilan mo kung bakit lagi mong hawak ang cellphone mo hangga’t maaari sa harap ng iyong anak ay dapat bawasan mo ito.

Sapagkat ayon kay  Markham, ang eksena kung saan mas pinipili mong humarap sa cellphone kaysa makinig sa iyong anak ay tatatak sa kaniyang isipan. Para sa kaniya, nangangahulugan na mas importante ang iyong ginagawa kaysa sa kaniya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

4. Gusto mo ay lagi lang siyang agad na susunod sa iyo.

Paliwanag ni Markham ang mga bata ay hirap pa sa konsepto ng transitioning. Ibig sabihin hindi madaling ibaling ang atensyon nila mula sa isang bagay papunta sa panibagong bagay ng basta-basta.

Kaya naman huwag ka ng magulat kung minsan ay hindi agad siya sumusunod o sumasagot sa tuwing tinatawag mo.

Makakatulong para mas magkaroon kayo ng koneksyon o pagkakaintindihan ang pag-tingin sa kaniyang mga mata. O kaya naman ay lumapit sa kaniya, tabihan siya at yakapin kung may gusto ka sa kaniyang ipagawa o sabihin.

Food photo created by tirachardz – www.freepik.com 

5. Hindi ka naglalaan ng one on one time sa iyong mga anak.

Mahalaga na ang bawat bata ay mabigyan ng exclusive time ng kaniyang magulang kahit na 15 minuto lang sa isang araw. Kung higit sa isa ang anak, kailangang gawin ito sa kada isa sa kanila. Ito’y para mabuhos mo ang oras mo at pagmamahal sa kanila ng pantay.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa loob ng 15 minutes ay maaaring mag-spend ng oras sa kanila sa pamamagitan ng paglalaro. O kaya naman, kahit ang simpleng kilitian kung saan tatawa ang iyong anak.

BASAHIN:

Ayon sa isang psychologist, narito ang maaaring gawin para maging close ang magkapatid

7 rason kung bakit hindi sumusunod ang bata kahit paulit-ulit ng pinagsabihan

Ideas for quality bonding time with kids

6. Hindi mo binibigyang pansin ang feelings ng iyong anak.

Tandaan mo na dahil sa napakabata niya pang edad ay ikaw ang mundo ng iyong anak. Ikaw lang ang pinagkakatiwalaan niya. Kaya naman napakahalaga sa iyong anak na maramdaman niyang lagi ka niyang masasandalan. Kahit na ba minsan ay makulit at matigas ang ulo niya.

Sa oras na nagwawala siya, manatiling kalmado. Imbis na pagalitan siya’y alamin ang dahilan ng kaniyang pagwawala. Saka siya kausapin upang pagaanin ang loob niya.

Ganoon din kung siya’y umiiyak o nagtatampo. Sapagkat sa pamamagitan nito ay nakikita niyang pinahahalagahan mo ang feelings niya at tinutulungan mo siyang maintindihan ang mga bagay na sa bata niyang edad ay komplikado pa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa iStock

7. Hindi mo pinapakinggan ang sinasabi ng iyong anak.

Para mabigyang pansin o maki-empathize sa feelings ng iyong anak, mahalaga siyempre ang matutong makinig sa mga sinasabi niya. Oo, ikaw ang mas matanda at may alam, kaya naman dapat ikaw ang mag-a-adjust at hindi siya.

Bago siya pagalitan ay pakinggan muna ang side niya. Sa ganitong paraan ay nararamdaman niyang nirerespeto mo siya. Ang resulta mas gumagaan ang loob niya sayo at mas magiging close kayo sa isa’t isa.

8. Lagi kang nagmamadali.

Technology photo created by freepik – www.freepik.com 

Para mas magkaroon ng koneksyon sa iyong anak, hangga’t maaari ay dapat sinusulit mo ang bawat minuto o oras na kayo ay magkasama.

Huwag iparamdam sa iyong anak na abala o istorbo siya sa iyong ginagawa. Kahit sa maliliit na bagay ay maging dahan-dahan o maglaan ng extra time sa kaniya.

Kahit na sa pamamagitan ng paghuhugas ng kaniyang kamay sa tulong ng iyong kamay. O kaya naman ang pag-aayos ng buhok niya bago siya pumasok ng eskwela.

9. Hindi ka nakikipag-usap sa iyong anak bago matulog sa gabi.

Maliban sa pagbibigay ng goodnight hug at kiss sa iyong anak, makakatulong din na kausapin siya sa gabi kahit sandali. Tanungin o kumustahin kung paano ang naging araw niya.

Kung may naging problema ba siya o bagay na gumugulo sa isip niya. Tulungan siya kung paano niya ito masosolusyonan. Sa ganitong paraan, naipaparamdam mo sa kaniya na hindi siya nag-iisa at sa lahat ng oras ay maasahan ka niya.

10. Hindi mo ipinapakita sa iyong anak ang 100% ng iyong pagmamahal.

Para maibigay ang 100% ng iyong pagmamahal ay iwasan ng gawin ang mga bagay na nakakapagpalayo ng loob niya sa iyo. Iparamdam sa kaniya anumang oras o saan man ang iyong pagmamahal.

Kausapin siya, yakapin, halikan at sabihin mo sa kaniyang mahal mo siya. Lagi mong tatandaan ikaw ang mundo niya. Bilang mundo niya, lagi mong iparamdam sa kaniya na hindi mo siya pababayaan. Lagi mo siyang iintindihin, pakikinggan at pagkamamahalin ng higit sa sinumang tao sa paligid niya.

Source:

Psychology Today