Malaysian man washes playground: Kapag may unos na dumarating sa ating buhay, ang tanging nasa isip lang natin ay makatakas sa negatibong epekto nito at tuluyang makaligtas. Ngunit hindi natin namamalayan na nagiging makasarili tayo.
Sa mga hindi inaasahang pangyayari katulad ng trahedya dito mo malalaman ang totoong ugali ng isang tao. Dalawa lang ang variety ng ugali na ito. Pwedeng tutulong sa’yo o kaya naman hihila sa’yo pababa.
Ang kwento ng isang lalaki sa Malaysia ang magpapatunay na hindi hadlang ang sinasabi ng iba para tumigil ito sa pagtulong.
Lalaki, naglinis ng playground para safe ang mga bata sa Coronavirus
Ang 42-year-old na si Mustaqim Kumar Abdullah Sooria, isang Malaysian national, ay isang patunay na may mabubuti pa ring tao na handang tumulong sa gitna ng trahedya sa buhay.
Halos isang buwan na nang kumalat sa buong mundo ang nakakamatay na virus na COVID-19 (former name: 2019-nCoV) na nagmula sa China. Nasa 25 na bansa ang apektado ng naturang virus at kasalukuyan pa ring naghahanap ng lunas para rito. Sa Malaysia, 19 na katao ang naitalang may confirmed case ng COVID-19.
Gamit ang timba at pamunas na may sabon, marahang nilinis ng Malaysian national na si Mustaqim ang playground ng mga bata. Ito ay para ligtas na malaro ang mga bata sa playground at masigurong malinis ito sa virus.
Image from Mustaqim
Ngunit bukod sa kanyang pinakitang magandang asal, may ilan pa rin na nakakita sa kanya na pinagtawanan ito at kinutya habang sinasabi ang salitang “Bodoh” (means stupid or fool)
“My only intention was to clean the playgrounds near my house so that it becomes safer for children, especially with the recent coronavirus outbreak,”
Ito ang mga bibitawang salita ni Mustaqim sa isang interview ng Rojak Daily.
Lalaki, naglinis ng playground para safe ang mga bata sa Coronavirus | Screenshot from Mustaqim Facebook post
Post Translation:
“Peace be upon you… Today many people laughed at me because I washed the playground around the Bukit Jelutong U8 area. Do you know why I washed the children’s playground? The coronavirus has attacked thousands of people in so many countries including ours and taken hundreds of lives. In order to prevent our children from being infected by the coronavirus, I washed the playground. I became a volunteer with the intention to help the community in the Bukit Jelutong area so we should not lower our guard against the coronavirus.”
Malaysian man washes playground
Ayon kay Mustaqim, umabot siya ng ilang oras sa paglilinis ng nasabing playground malapit sa kanyang bahay sa Bukit Jelutong, Shah Alam.
Para rin ito sa kapakanan ng mga bata nang sa gayon ay malinis ang kanilang pinaglalaruan.
Sa likod ng mga panghuhusga at pangungutya ng ilan, may mga lumapit rin sa kanyang mga bata at nag-alok kung pwede ba silang tumulong.
Image from Mustaqim
Dagdag nito,
“They were so sweet to come and help and eventually a few parents also joined them,”
Kalaunan, nag-post ito sa kanyang Facebook account tungkol sa kanyang paglilinis. Marami ang natuwa at natouch sa pinakita nitong pagmamalasakit sa mga bata.
Narito ang ilang komento:
“Why are they laughing at him? If it’s something they won’t do, shouldn’t they respect others?”
Source
“Playgrounds are a hotbed for illnesses. I salute this brother!”
Source
“The people that laugh do not understand and will not understand until the coronavirus comes.”
Source
Maaari mong ma-track ang mga bansang kumpirmado sa coronavirus dito: Coronavirus COVID-19 Global Cases by Johns Hopkins CSSE
Source: Must Share News
BASAHIN: Unang pasyente na may coronavirus, magaling na ayon sa DOH
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!