UPDATE: 2019 novel coronavirus update as of February 10, 2020. Unang kaso na na-gamot sa coronavirus, nadischarged na.
Kinumpira ng Department of Health na ang unang kaso ng coronavirus sa Pilipinas ay na-discharge na sa kadahilanang ito ay nag negatibo sa nasabing virus.
Ayon kay Health Undersecretary Eric Domingo, ang pasyenteng unang nagpositibo sa 2019-nCoV dito sa Pilipinas na galing Wuhan, China ay nag negatibo na sa coronavirus. Ito ay nang dalawang beses siyang isailalim sa pagsusuri. Siya rin ay napag-alamang na-discharge na mula sa San Lazaro Hospital.
“The first case has already tested negative twice, and has in fact, been discharged.”
-Health Undersecretary Eric Domingo
Image from Bret Kavanaugh on Unsplash
Ang Chinese national na ito ay tumungo dito sa Pilipinas noong Jan 21 kasama ang kanyang 44-year old na asawa na nagpositibo rin sa novel coronavirus. Siya rin ang unang kaso ng pagkamatay sa naturang virus dito sa bansa.
Ngunit hindi pa nalalaman kung ang babaeng chinese na na-discharge ay bumalik na ng China.
Sa ibang balita naman tungkol sa nakamamatay na coronavirus, ang mga taong napag-alamang nakasalamuha ng mga nagpositibo na Chinese national ay nasa ilalim pa rin ng pagsusuri. Dahil ang 314 katao na ito ay nakitaan ng mga sintomas ng nasabing virus. At karamihan sa kanila ay mga Pilipino.
Image from Unsplash
Narito ang bilang ng mga pasyenteng inooberbahan sa Pilipinas:
- Ilocos Region – 3
- Cagayan Valley – 13
- Cordillera Administrative Region – 7
- Central Luzon – 41
- Metro Manila – 115
- Calabarzon – 33
- Mimaropa – 9
- Bicol – 2
- Western Visayas – 23
- Central Visayas – 20
- Eastern Visayas – 14
- Northern Mindanao – 11
- Caraga – 2
- Davao Region – 20
- Soccsksargen – 1
Narito ang mga sintomas ng coronavirus:
- runny nose
- sakit ng ulo
- ubo
- sore throat
- lagnat
- masamang pakiramdam
Ang sakit na dulot ng coronavirus sa ngayon ay walang specific na lunas. Dahil sa ito ay isang virus ay hindi ito malulunasan ng antibiotics o antiviral drug. Ang tanging paraan lang para malunasan ang sakit ay maibsan ang mga sintomas ng coronavirus at iwasan itong lumala.
Ilan sa mga paraan upang gawin ito ay ang sumusunod:
- Pag-inom ng maraming tubig.
- Umiwas sa paninigarilyo at sa mga mauusok na lugar.
- Pag-inom ng acetaminophen, ibuprofen o naproxen para sa lagnat at sakit.
- Paggamit ng humidifier o cool most vaporizer pati ang pagligo sa maligamgam na tubig para makatulong maibsan ang ubo at sore throat.
Maliban sa mga nabanggit na paraan ng pag-iwas, mahalagang sa oras na makaramdam ng sintomas ng coronavirus ay magpakonsulta na agad sa iyong doktor. Upang ito ay agad na matukoy at maibsan ang mga sintomas na maaring lumala. At maging sanhi ng mas malalang sakit at pagkasawi kung hindi maagapan.
Basahin ang kumpletong detalye dito: Coronavirus: Sanhi, sintomas at paano ito iiwasan
Maaari mo dito na ma-track ang mga bansang may positive sa coronavirus: Coronavirus 2019-nCoV Global Cases by Johns Hopkins CSSE
SOURCE: CNN Philippines
BASAHIN: Coronavirus update: Pangatlong kaso kinumpirma na ng DOH! , China, kinumpirma na airborne ang sakit na coronavirus
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!