Narito ang mga sintomas ng COVID-19 na dapat bantayan at mga paraan kung paano ito maiiwasan.
COVID-19 (2019 novel coronavirus or 2019-nCoV)
Usap-usapan ngayon ang mabilis na pagkalat ng coronavirus o COVID-19 sa China at sa iba’t ibang parte ng mundo kabilang na ang Pilipinas. Ano nga ba ang coronavirus at dapat bang mabahala ang mga tao dahil dito? Bilang magulang, ano ang iyong dapat bantayan na sintomas sa iyong anak?
Uri at sintomas ng COVID-19
Ang COVID-19 ay isang malaking pamilya ng mga viruses na common sa mga mammals, mapa-hayop man o tao. Tinatawag ng mga scientist na “zoonotic” ang virus na ito. Dahil sa maari itong ma-transmit o maihawa mula sa hayop papunta sa tao.
Noong una ay may anim lang na uri ang coronavirus. Ang apat sa mga ito ay nagdudulot ng mild to moderate effect sa katawan ng tao. Ito ay ang 229E, NL63, OC43, at HKU1. Ang mga uri ng coronavirus na ito ang nagiging sanhi ng common colds o sipon na sinasabayan ng mga sumusunod pang sintomas ng coronavirus:
- runny nose
- sakit ng ulo
- ubo
- sore throat
- lagnat
- masamang pakiramdam
Kung mapabayaan ang mga sintomas na ito ay maaring lumala at maaring mauwi sa pneumonia at bronchitis.
Samantala, ang dalawa pang uri ng COVID-19 ay ang itinuturing na pinaka-seryoso at delikadong uri nito. Dahil sa mabilis nitong pagkalat at sa dami ng taong nasawi ng magkaroon nito. Ito ay ang MERS-Cov o MERS at SARS-Cov o SARS.
MERS o Middle East Respiratory Syndrome
Ang MERS o Middle East Respiratory Syndrome ang ang uri ng coronavirus na unang naiulat na kumalat sa Middle East noong 2012. Nagpapakita rin ito ng sintomas ng COVID-19 ng tulad sa mga naunang uri ng sakit. Ngunit, mas severe o nagiging malala ang sintomas nito. Dahil ang lagnat at ubo ay sasabayan ng hirap sa paghinga na mabilis na nauuwi sa pneumonia.
Ayon sa CDC, may tatlo hanggang apat sa kada sampung pasyente ng MERS ang namamatay dahil sa lala ng sakit na ito. Tinatayang mula nang matuklasan ang sakit noong 2012 ay kumitil na ito ng buhay ng higit sa 475 na tao.
SARS o Severe Acute Respiratory Syndrome
Ang SARS o Severe Acute Respiratory Syndrome naman ay isa pang nakakatakot na uri ng coronavirus. Dahil tulad ng MERS ay nagdudulot rin ito ng severe o malalang sintomas ng COVID-19. Maliban sa mga naunang nabanggit na sintomas ng sakit, ang SARS ay nagdudulot rin ng pangangatog at sakit ng katawan sa taong apektado nito. Maari rin itong sabayan ng diarrhea, fatigue, hirap sa paghinga na maaring mauwi sa respiratory distress, kidney failure at pneumonia.
Unang natuklasan ang sakit na SARS sa Guangdong province sa China noong 2002. Ngunit mabilis itong kumalat sa halos 37 bansa sa buong mundo. Ayon sa mga report ay kumitil ng higit sa 750 na buhay ng tao noong 2003.
COVID-19 o Novel Coronavirus
Ang pang-pito at pinakabagong uri naman ng coronavirus ay ang COVID-19 o 2019 novel coronavirus.
Ang COVID-19 ay nagsimula sa Wuhan, China at unang nadiskubre noong Disyembre, nakaraang 2019. Tulad ng mga naunang uri ng coronavirus ay pareho rin ang ipinapakitang sintomas ng sakit na ito. Ngunit mabilis itong kumakalat na sa loob lamang ng ilang linggo ay nakaapekto na ng halos 440 na tao. Karamihan sa mga biktima ng sakit ay nagmula sa Wuhan, China. Pero may kumpirmadong biktima na rin nito sa Beijing, Shanghai, Shenzhen, Chongqing at Tianjin, China. May mga kaso na rin nito sa Japan, Thailand, Taiwan, South Korea at marami pang iba.
Sa ngayon ay mayroon ng 3,802 na tao ang naiulat na nasawi dahil sa sakit at patuloy pa ring pinag-aaralan ang lunas para rito.
Sanhi ng COVID-19
Ayon sa mga scientist, ang coronavirus ay nagmula sa mga hayop. Tulad ng MERS na pinaniniwalaang nagmula sa mga camels at SARS na pinaniniwalaan namang nanggaling sa civet cats. Ang COVID-19 naman ay pinaniniwalaang nagmula sa ant-eating pangolin, isang klase ng ibon na buhay na ibinebenta sa isang palengke sa Wuhan, China.
Ang virus ay naipapasa sa mga tao sa oras na magkaroon ng close contact sa mga hayop na nagtataglay nito. Naikakalat naman ito ng tao at naihahawa sa mga sumusunod na paraan:
- Pag-ubo o pag-bahing na walang takip ang bibig na kung saan kumakalat ang droplets na may virus sa hangin.
- Paghawak o pagkamay sa taong may taglay ng virus.
- Paghawak sa bagay na taglay ang virus na mapapasok sa katawan kapag agad na hinawak ang kamay sa ilong, bibig at mata.
- Maari rin itong maihawa sa pamamagitan ng pagkakaroon ng contact sa duming may taglay ng virus.
Image from Freepik
Lunas sa sakit na dulot ng COVID-19
Ang sakit na dulot ng COVID-19 sa ngayon ay walang specific na lunas. Dahil sa ito ay isang virus ay hindi ito malulunasan ng antibiotics o antiviral drug. Ang tanging paraan lang para malunasan ang sakit ay maibsan ang mga sintomas ng coronavirus at iwasan itong lumala. Ilan sa mga paraan upang gawin ito ay ang sumusunod:
- Pag-inom ng maraming tubig.
- Umiwas sa paninigarilyo at sa mga mauusok na lugar.
- Pag-inom ng acetaminophen, ibuprofen o naproxen para sa lagnat at sakit.
- Paggamit ng humidifier o cool most vaporizer pati ang pagligo sa maligamgam na tubig para makatulong maibsan ang ubo at sore throat.
Pero para makasiguradong maiiwasang lumala ang mga sintomas ng COVID-19 ay mabuting magpa-konsulta agad sa doktor. Lalo pa’t matutukoy lang kung positibong infected ng virus ang isang tao sa pamamagitan ng pagsusuri sa respiratory fluids ng katawan tulad ng plema at dugo.
Paano makakaiwas sa COVID-19
Sa ngayon ay wala pang vaccine o bakuna bilang proteksyon laban sa coronavirus. Pero may mga paraang maaaring gawin para maiwasan ang pagkakaroon nito. Lalo na ng mga may mahinang immune system tulad ng mga bata at matatanda na mas mabilis madapuan ng sakit.
Ayon sa DOH at WHO, ito ang mga paraan upang maiwasang maihawa at maikalat ang coronavirus:
- Pag-praktis ng proper hygiene tulad ng palaging paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at tubig na hindi bababa sa 20 segundo.
- Pagtakip sa ilong at bibig kapag umuubo.
- Pag-disinfect sa mga gamit o lugar sa bahay na nahawakan ng taong may sakit.
- Pagsusuot ng N95 mask kung lalabas sa matataong lugar.
- Pagluluto ng pagkain ng maayos lalo na ng mga karne ng hayop na pinaniniwalaang pinagmulan ng sakit.
- Pag-iwas sa unprotected contact sa mga farm o wild animals.
- Hindi muna pagpunta o pagbisita sa mga lugar na may kumpirmadong kaso ng sakit.
- Pagpapanatili ng malusog na katawan sa pamamagitan ng pagkain ng masustansya at pagtulog ng tama.
Maliban sa mga nabanggit na paraan ng pag-iwas, mahalagang sa oras na makaramdam ng sintomas ng COVID-19 ay magpakonsulta na agad sa iyong doktor. Upang ito ay agad na matukoy at maibsan ang mga sintomas na maaaring lumala. Magiging sanhi pa ito ng mas malalang sakit at pagkasawi kung hindi maagapan.
https://www.facebook.com/whophilippines/posts/2736404669806121
Sources: CDC, CNN Edition, The Guardian, Medical News Today, WebMD
Photo: Freepik
Basahin: Coronavirus: Kumpirmadong maaaring mahawa sa taong may sakit na ito
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!