Limited na male birth control? Narito ang explanation ng experts

Nagtataka ka ba kung bakit kaunti lang ang male birth control methods? Ito ang sagot ng mga eksperto kung bakit ito limitado.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Napapatanong ka rin ba kung bakit hindi gaanong marami ang male birth control na available? Heto ang explanation ng experts.

Mga mababasa sa artikulong ito:

  • Limited na male birth control? Narito ang explanation ng experts

Limited na male birth control? Narito ang explanation ng experts

Narito ang sagot ng experts kung bakit kaunti lamang ang male birth control. | Larawan mula sa Shutterstock

Hindi maitatanggi ang importansya ng family planning. Parati itong suggestion ng experts para magkaroon ng tamang pagpaplano sa pagpapamilya. Maaari kasing makaapekto sa pinansya at iba pang factor ang hindi maayos na planning sa pagkakaroon ng anak.

Female birth controls

Sa usapin nito, narito ang ilan sa nalamang effective na methods for birth control:

Nagsisilbing maintenance kung saan kinakailangan na araw-araw itong inumin. Kadalasan sa nakikitang side effects ay pagdagdag ng timbang, irregular menstruation, at hormonal changes.

Ibinibigay ang shot na ito kada 3 buwan ng mga doctor. Pinahihinto kasi nito ang kakayahan ng babae na mag-release ng egg cells.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang implant ay isang rod na mayroong core ng progestin na inilalagay sa ilalim ng balat sa arm ng babae.

  • Transdermal patch

Ang method na ito ay nagre-release ng synthetic na estrogen at progestin hormones na ina-apply sa balat. Sinusuot ito kada 3 linggo kadalasan sa lower abdomen o buttocks. Kinakailangan na hindi magsuot ng patch sa pang-apat na linggo dahil ito ay para sa menstrual period.

Ito naman ay isang maliit na coil at flexible na T-shaped at inilalagay sa uterus ng isang physician. Ito ay tumatagal nang halos tatlo hanggang sampung taon hangga’t hindi pa gusto ng babae na mabuntis.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hindi nappopondohan nang sapat ang paggawa ng male birth controls kaya kadalasang limitadi ito. | Larawan mula sa Pexels

Male birth controls

Pero sa dami ng options na ito, alam mo bang limited lamang ang para sa male birth control? Kadalasan kasi ng mga nabanggit sa taas ay para lamang sa mga kababaihan.

Habang narito naman ang common ne method para sa mga lalaki:

Ginagawa ito sa paraang hinuhugot mula sa ari ng babae ang ari ng lalaki kapag magre-release na siya ng sperm after sex. Tinatayang nasa 20 percent ang tiyansang mag-fail ang ganitong method.

Ito naman ay isang elastic na bagay na isinusuot sa ari ng lalaki. Nakita sa pag-aaral na 2 percent lamang ang chance na maaaring mabuntis ang babae dito. Nagiging 13 percent lamang ito dahil sa maling paggamit ng tao.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ito naman ang operasyong ginagawa sa lalaki para hindi makabuntis. Nasa 1 percent lamang ang nakitang chance ng failure nito.

Noong 80’s pa lamang daw ay tanong na ng karamihan kung bakit nga ba hindi masyadong marami ang options ng mga lalaki para sa birth control.

Isang relevant na pag-aaral ang ginawa noong 2017. Sa research, mula sa 1,500 mga kalalakihan na may edad 18 hanggang 44 nakita na karamihan sa kanila ay gustong tulungan ang kanilang partner na huwag mabuntis.

Naitala ang 80% na bilang nito ang nakaramdam na mayroon silang responsibilidad sa birth control sa oras na magtalik.

Kadalasan daw ang paggamit ng condoms ng mga lalaki ay nauuwi sa ‘dissatisfaction’ o kawalan ng gana sa sex. Kaya tuloy ang nangyayari ay gumagamit na lamang ng withdrawal method o kaya naman hindi na talaga gagamit ng kahit anong contraception.

Ayon sa mga eksperto, sinuportahan naman daw ng government maging ng non-governmental organizations ito. Sa katunayan pa nga, nakipagtulungan pa nga raw ang World Health Organization (WHO) sa mga academical medical center para dito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dahilan kung bakit limitado lang ang male birth control options

Pagpapaliwanag nila, ito ang mga dahilan kung bakit ito hanggang ngayon ay nagkukulang:

Malaki pa rin daw ang bilang ng mga lalaking nais magkaroon ng malawak na options sa male birth control. | Larawan mula sa Pexels

  • Hindi sapat ang mga infrastracture ng mga ahensyang sumusuporta dito.
  • Kawalan ng resources upang makabuo ng panibagong male birth control kay lalong bumabagal ang development nito.
  • Pagkakaroon ng “uncertainties” para sa potential market ng mga pharmaceutical companies.
  • Kakulangan sa kaalaman kung sino ang magdidispense ng gamot at hindi malinaw na regulatory requirements mula sa Food and Druv Administration (FDA)
  • Nababahala ang mga kumpanya na magkaroon ng liability kung sakaling mayroong mabuntis dahil dito.

Base naman sa pag-aaral, malaking bilang pa rin ng kalalakihan ang naghahanap sa bagong methods. Gusto rin kasi nilang maiwasan ang unwanted pregnancies.

Katulad na lamang sa isang survey noong 2002 kung saan nalaman sa 9,000 mula sa iba’t ibang bansa na lagpas kalahati ang willing sa bagong birth controls.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ganun din naman ang nakita sa mga kababaihan. 98% naman ang nagsabing nagtitiwala sila sa paggamit ng kanilang partner sa bagong birth control method.

 

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

Sinulat ni

Ange Villanueva