Male vs Female shopping
Ilang linggo pa lang simula nang sumailalim sa Enhanced Community Lockdown ang buong Luzon. Hindi pinapayagan ang mga tao na lumabas muna ng kanilang mga bahay at lugar. Kanselado na rin ang mga pasok sa school at trabaho noong March 15 hanggang April 14 dahil sa COVID-19 pandemic outbreak.
Dahil dito, marami ang natakot at hindi naiwasang mag panic buying sa pangamba na maubusan ng pagkain. Bukod dito, isang challenge rin para sa mga tatay ang mag grocery dahil utos ni nanay.
Man Documents Hilarious Scene of Husbands Shopping At Supermarket
Sa isang facebook post ni Cheanu Chew, ibinahagi niya ang ilang mga tagpo na nakita niya sa supermarket na may caption na “If you’re a ‘remote groceries shopper’ like me, don’t forget to fully charge your phone before you execute your mission!”
Ang post na ito ay nakakarelate lahat lalo na sa katulad niya at iba pang mga asawang inutusan na mag grocery ng kanilang mga asawa.
Ayon kay Chew, halos lahat ay may hawak na cellphone sa kanilang mga kamay habang binibigyan sila ng instructions ng kanilang asawa sa phone. Meron pa isang tagpo na nakita niyang pinapagalitan ang lalaki ng asawa nito sa cellphone dahil mali ang kinuhang carrots.
Male vs Female shopping | Image from Cheanu Chew
“One of these remote shoppers got scolded by his wife over the phone when he was on loudspeaker and he quickly turned off the loudspeaker to continue operation,”
“Stealth operation”: Husbands Shopping At Supermarket
May isa pang asawang lalaki ang huling-huli sa akto na pinipicturan ang pinamiling grocery atsaka ipinadala sa asawa sa cellphone. Inilarawan niya ito bilang “We call it stealth operation.”
Hindi lang ang mga asawang lalaki ang napansin ni Chew. Ngunit kasama niya rin ang isang fellow shopper niya na si Charlotter Pua.
Male vs Female shopping | Image from Charlotter Pua
Serious Business
“玩玩啊你以为,” ito ang caption ni Charlotter Pua sa picture. At ang ibig sabihin nito ay “don’t play play”
Para sa isang asawang lalaki, sobrang big deal at maingat sila sa pagsasagawa ng grocery. Nagbahagi naman si Chew ng mga personal tips para sa kapwa niya lalaki kapag mag g-grocery ulit. Ito ay matapos ang successful niyang pamimili sa grocery.
Ayon sa kanya, bukod sa dapat ay f
ull ang battery ng cellphone mo bago ka lumabas, kailangan ng mga lalaki ng sapat na tulog para mapanatiling kalmado sa phone kapag nasa grocery na. Isipin rin ng maigi ang mga ipapamili para walang makalimutan at makaligtaan.
“Mission accomplished for me, and I’m ready to retreat!”
Male vs Female shopping | Image from Cheanu Chew
What Netizens Say
Ang related at hilarious post ni Chew ay umabot na sa 60,000 likes at 37,000 shares.
Ayon sa isang facebook user na may pangalang Eddie Lee, hindi naman talaga ang mga asawang lalaki ay may kagagawang ng madaming voice calls, video calls at picture habang namimili. Kundi ang mga asawa nito. Hindi sila mapakali at sinisigurado din nila na tama ang nilalagay ng kanilang asawa sa shopping cart.
Male vs Female shopping | Facebook: Eddie Lee
Isa pang user ang nagbigay ng kanyang reaction. Ayon kay June Khaw natuwa siya sa post ni Chew. Tinawag pa niya itong “system HANG”
Male vs Female shopping | Facebook: June Khaw
What do you think mommy? Isa ka rin bang “remote groceries shopper”?
Translated with permission from theAsianparent Singapore
BASAHIN: LIST: Mga online grocery na mayroong same-day delivery
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!