Ano ang maling pagdidisiplina ng magulang sa anak?
Lahat ng magulang ay may kaniya-kaniyang paraan para palakihin ang kanilang mga anak. Walang sinuman ang may karapatan na husgahan sila sa kanilang style. Ngunit bukod dito, kahit may iba-ibang parenting way ang ating moms and dads, may mga dapat pa rin silang tandaan at iwasan na gawi sa kanilang pagpapalaki.
Maling pagdidisiplina ng magulang sa anak at epekto nito
Isa na rito ang paninigaw ng mga magulang sa kanilang anak. Dahil sa labis-labis na emosyon ng isang nanay, nagagawa nitong pagtaasan ng boses ang kanilang mga anak. Ngunit alam niyo bang ang pagsigaw sa anak ay hindi nakakabuti at nareresolba ang problema? Matapos sigawan ng nanay ang anak, ito ay tatahimik at hindi magsasalita. Sila ay matatakot imbes na madisiplina sa’yo.
Ano ang maling pagdidisiplina ng magulang sa anak? | Image from Freepik
Oo, alam nating dahil sa patong-patong na problema sa loob ng bahay, dagdag pa ang stress sa gawaing bahay, minsan ay nasisigawan na natin ang ating mga anak. Kaya narito ang ilang negatibong epekto ng paninigaw ng magulang sa kanilang anak.
Maling pagdidisiplina ng magulang sa anak: 6 epekto sa bata kapag sinisigawan siya
Naranasan mo na bang masigawan? Ang sakit sa pakiramdam, ano? Lalo na kung malapit sa ‘yo ang taong ito. Iniisip mo kung ano ang maling nagawa mo at kung katanggap-tanggap ba ang pagtaas ng boses sa ‘yo.
Ganito rin ang nararanasan ng mga anak natin kung sakaling masigawan natin sila. Kaya nga lang, mas grabe ang impact nito sa kanilang pagkatao. Ayon sa pag-aaral, ang paninigaw ng magulang sa mga anak ay may long term na epekto sa kanila. Sensitive kasi ang kanilang emosyon at hindi pa lubusang naiintindihan ang sitwasyon. Sa isang pagsigaw, marami na agad ang tatakbo sa kanilang isip ngunit nauuna ang pagkalito.
1. Bumababa ang kakayahan na makinig
Tandaan, hindi nareresolba ng pagtataas ng boses sa anak ang problema. Magiging mahirap ang pagdisiplina sa kanila at sa bawat pagtaas ng boses, bumababa ang kanilang kakayahan na makinig.
Ano ang maling pagdidisiplina ng magulang sa anak? | Image from Freepik
2. Pagiging agresibo
Ayon sa pag-aaral na isinagawa, ang pagsigaw ng magulang sa bata ay nagagawa lang nitong maging agresibo sila physically man o verbally. Hindi nakakatulong sa iyong anak ang ganitong pagdisisplina. Natatakot lang sila at maaaring maging mahina ang loob.
3. Parte ng emosyonal na pang aabuso
Kahit na sabihin nating walang mabigat na kamay ang dumapo sa iyong anak para masaktan siya, alam niyo bang mas makapangyarihan ang mga salitang binibitawan ng magulang sa anak? Samahan pa ng pagtaas ng boses nila. Ito ay isang uri ng emosyonal na pang-aabuso sa mga bata.
Mas grabe ang epekto ng emotional abuse sa kanila kaysa sa physical abuse.
4. Long term effect
Isa pang nakakabahala ng paninigaw sa bata ay ang pangmatagalan nitong epekto. Madadala nila ang sakit paglaki nila na maaaring pagmulan ng anxiety, pagbaba ng self-esteem at pagiging bayolente.
Ano ang maling pagdidisiplina ng magulang sa anak? | Image from Freepik
5. Dahilan ng chronic pain
Sa isang pag-aaral, napag-alaman na ang negatibong childhood experience ng bata ay may kaugnayan sa ilang chronic condition. Kasama na rito ang verbal o iba pang uri ng pang-aabuso. Sa kanilang paglaki, nade-develop ang mga kondisyon katulad ng back at neck problems, arthritis, matinding pananakit ng ulo at iba pang uri ng chronic pain.
6. Ang maling pagdidisiplina ng magulang sa anak ay may epekto sa physical health nila
Marami ang puwedeng maging epekto ng simpleng paninigaw ng nanay sa kanilang anak. Kasama na sa long term effect ang pag develop ng problema sa kanilang physical health habang sila ay tumatanda.
Source:
Healthline
BASAHIN:
Bakit ko laging nasisigawan ang anak ko? Anong nangyayari sa akin?
Epekto ng pagiging striktong magulang, maaaring magresulta sa pagiging alcoholic ng anak
“Hindi lang DNA!”: Kris Aquino ibinahagi ang sekreto ng pagiging ‘six-footer’ ng dalawang anak
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!