Alamin kung ano ang secret ng isang mommy para mapanatiling ang pagkakaroon ng malusog at intimate na relasyon.
Mababasa sa artikulong ito:
- 4 tips para sa isang malusog at intimate na relasyon
Paano niyo nga ba mapapanatiling malusog at intimate ang relasyon niyong mag-asawa o mag-partner? Mayroon ba talagang sikreto para mapanatiling masaya ang isang relasyon?
Ang sagot dyan ay, OO.
Siyempre, lahat naman ng relasyon ay may kaniya-kaniyang sikreto para mapanatiling malusog ang relasyon. Para sa akin walang perkpektong relasyon. Pero kung gusto mo talagang maging long-lasting last kayo ng partner mo, gagawin niyo ang lahat.
Base sa aking karanasan, narito ang mga tips na gusto kong ibahagi sa inyo na nakatulong sa relasyon naming mag-asawa.
4 tips para sa isang malusog at intimate na relasyon
Larawan mula sa Author
1. Alamin ang love language ng isa’t isa.
Yes, dapat alam mo kung ano ang love language ng partner mo. Is it time, physical touch, gifts, the act of service, or words of affirmation.
Mas madali mo mahuhuli ang kiliti ng partner mo kung alam mo ang love language nya dahil mas mai-express mo ng maayos ang pagmamahal mo sa kaniya.
Sa amin ng partner ko, I make sure I never failed to make he feel that I love him, kahit hirap ako. Physical touch kasi ang love language ng husband ko and it’s not easy for me kasi hindi ako showy at hindi rin ako sweet.
But I trained myself to be as sweet as he wants me to be. I hugged and kiss him whenever he got home. Sa ganun lang ramdam na ramdam niya na mahal na mahal ko siya. No need ng bonggang effort. Siyempre, kung ano ang love language mo naman, gawin mo rin sa kaniya. Bonus iyon sa inyong mga partner.
Larawan mula sa author
BASAHIN:
Bati na kayo? 10 things na HINDI dapat gawin after niyong mag-away ng asawa mo
6 signs na masyado kang clingy sa asawa mo
7 bedtime routines para mas mag-grow at tumibay ang relasyon niyong mag-asawa
2. Pag-isipan mabuti ang mga sasabihin mo.
As what they say, words are powerful. Don’t say anything thay you might regret one day. Lalo na pag galit tayo. Guilty ako dito pero dati iyon.
Kapag magkaaway o galit ako sa asawa ko, I say anything I want to say out of anger. I cursed him, say hurtful words without thinking that it hurts him a lot.
There is no perefect relationship at lahat dumadaan sa pagtatalo o away. But as long as kaya avoid saying or cursing our partner. Kapag galit umiwas na lang at manahimik pag malamig na ang ulo tsaka mag-usap.
Lahat nadadaan sa maayos na usapan. Ganun din naman kapag masaya tayo. We make a lot of promises kapag masaya tayo to the point na nakakalimutan na natin kung kaya ba nating gawin o panindigan ang mga pangakong nabitawan natin.
3. Maging open sa isa’t isa.
As what a lot of people says, your partner should be your bestfriend and I totally agree. Lalo na kapag mag-asawa na kayo pinag-isa na kayo ni Lord.
Kaya naman dapat open kayo sa isa’t isa. Aminin natin may mga bagay na hindi natin nasasabi o nakukuwento sa partner natin pero nakukuwento natin sa ibang tao.
Ganoon ako dati pero habang lumilipas ang panahon napagtanto kong mali pala iyon. Kaya pala parang walang alam tungkol sa akin ang partner ko. Kasi ako mismo hindi nag-o-open up sa kaniya.
Dapat pala lahat ng pinagdadaanan ko at nangyayari sa ‘kin ay siya ang unang makakaalam. Para siya ganoon din sa ‘kin at kahit na may marinig man kami sa ibang tao we know how we will defend each other.
Larawan mula sa author
4. Maging sentro niyo ang Panginoon.
Yes. Of all the tips I share with you this is the most important. In a relationship, tatlo dapat kayo. Ikaw, ang partner mo, at si God. Sa lahat ng bagay kapag si God ang center for sure matibay ‘yan.
May mga dumating man na pagsubok but as long as dependent kayo kay God makakayanan niyo ‘yan. Proven and tested ‘yan sa amin ng asawa ko lalo na noong sinubok ang relasyon naming mag-asawa.
Iba kapag mayroon kayong Panginoon/God sa relationship ninyo. Walang pagsubok na hdi kakayanin. Sa isang pamilya ang punadsyon ng tibay niyan ay iyong relasyon niyong magasawa. Kaya mahalaga na nag-i-invest kayo sa mga partner niyo para mapatibay ang relasyon niyo and everything will follow.
Tandaan, walang perpektong relasyon. It takes two imperfect people to make a perfect relationship. I hope I was able to help you out with my own personal advice when it comes to strengthening your relationship with your partner.
Tungkol sa May-akda
Jomarie Reyes is a full-time housewife. A mother of 2 kids. She enjoys the privilege of being a breastfeeding mom. She believes in tough love. A plantita, furmom, and an online seller.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!