Paano ba mapapataas ang iyong sperm count?

Mahalaga ang malusog na sperm upang makaiwas sa mga fertility problems. Kaya't heto ang 6 na hakbang upang mapataas ang iyong sperm count!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Para sa maraming kalalakihan, mahalaga ang pagkakaroon ng malusog na sperm. Bukod sa mahalaga ito sa mga nagpaplanong magkaanak, mahalaga rin ito sa kalusugan ng iyong magiging anak. Kapag malusog at malakas ang sperm, mas mataas ang posibilidad na maging malusog at malakas si baby.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Paraan upang mapataas ang sperm count
  • Tips para sa malusog na sperm

Ngunit ano nga ba ang ibig sabihin ng malusog na sperm? Narito ang ilang mga kailangang tandaan:

  • Quantity o dami. Siyempre, kapag mas marami ang sperm o mataas ang sperm count, mas madaling magkaanak.
  • Movement o paggalaw. Alam niyo ba na hindi lahat ng sperm ay malikot gumalaw? Kinakailangan na 40% ng sperm ay gumagalaw para masabing fertile ang isang lalake.
  • Shape o hugis. Kapag malusog ang sperm, mayroon itong bilog na ulo at malakas na buntot. Mas madali sa kanilang mag-fertilize ng egg kapag maganda ang kanilang hugis.

Malusog na sperm: Paano ba ito magagawa?

Nakakatulong ang malusog na sperm sa mga planong magkaanak. | Source: Pixabay

Ang pagkakaroon ng malakas at malusog na sperm ay malaking bagay para sa mga kalalakihan. Kaya’t mahalaga para sa mga lalake ang gumawa ng mga hakbang upang alagaan ang kanilang sperm.

Narito ang ilang mga tips na kailangan mong tandaan:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

1.Umiwas sa alak at kape

Noong 2017 ay nagkaroon ng pag-aaral kung saan natagpuan na nakakababa ng sperm count ang caffeine sa mga softdrinks at kape.

Ayon sa mga researcher, safe naman daw ang dalawang tasa ng kape kada araw. Kapag sumobra na dito ang caffeine, posible na itong magkaroon ng masamang epekto sa sperm.

Ang alak naman ay nakakababa ng sperm count, at pinapahina ang paggalaw ng sperm. Puwede namang uminom ng alak, ngunit dapat kaunti lang ang inumin, at huwag dapat sumobra.

2. Kumain ng tama

Malaki ang epekto ng iyong kinakain sa iyong kalusugan. Bukod dito, may epekto rin ang iyong kinakain sa kalusugan ng iyong sperm.

Mahalaga rin ang vitamin B12 at vitamin C para sa kalusugan ng iyong sperm. Ang pagkain din ng mga nuts tulad ng walnuts, peanuts, almonds, at hazelnut ay nakakatulong sa pagpapataas ng sperm count.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pati mga pagkain na maraming lycopene, tulad ng kamatis at pakwan ay nagpapataas ng sperm count at ang paggalaw ng sperm.

Kumain ng healthy para sure na malusog na sperm. | Larawan mula sa Food photo created by jcomp – www.freepik.com

BASAHIN

Sperm ng mga lalake, ‘niluluto’ daw ng paggamit ng cellphone!

Pagbibisikleta, pagsusuot ng brief at paggamit ng smartphone, nakakaapekto sa sperm count ng lalaki

Pagiging mataba nakakaapekto sa sperm quality ni mister

3. Uminom ka ng supplement

Ang pag-inom ng mga vitamin supplements ay nakakatulong rin sa pagpataas ng iyong sperm count.

Kailangan ng mga lalaki ng vitamin C, vitamin D, zinc, at Coenzyme Q10 o CoQ10. Ang pag-inom ng mga supplements na mayroong ganitong mga vitamins at minerals ay makakatulong sa pagpapataas ng sperm count at pagpapalakas ng sperm.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

4. Mag-ehersisyo

Bukod sa malusog na katawan, nakakatulong din ang pag-ehersisyo sa pagkakaroon ng malusog na sperm.

Ayon sa isang pag-aaral, ang kakulangan ng exercise, at pagkakaroon ng mabigat na timbang ay nakakababa ng sperm quality ng mga lalake.

Bukod dito, nakakababa din ng testosterone levels ang pagiging overweight at obese. Ang mababang testosterone levels ay nakakaapekto sa sex drive ng isang tao.

Pero ang sobrang physical activity naman ay nakakababa rin ng sperm count. Mahalagang huwag sosobra sa pag-ehersisyo dahil ito ay nagdudulot din ng stress na nakakapagpababa ng sperm count.

Malusog na sperm? Dapat ay nag-eehersiyo ka! | Larawan mula sa People photo created by pressfoto – www.freepik.com

5. May epekto ba ang pagsusuot ng boxers o briefs?

Siguro nabasa mo na sa internet na ang pagsusuot ng boxers ay di umano mas mabuti sa sperm kumpara sa briefs. Ito raw ay dahil mas maluwag ang boxers at hindi naiipit ang testicles ng lalaki.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ngunit hanggang ngayon, wala pa ring pag-aaral na malinaw na makapagsasabi kung totoo nga ba ito. Napakarami kasing posibleng maging dahilan ng pagbaba ng sperm count, at hindi lang ito limitado sa pagsusuot ng boxers o briefs.

Pero wala rin naman masama kung piliin mong magsuot ng boxers. Ang mahalaga ay suotin mo kung ano ang komportable sa’yo.

6. Umiwas sa mga kemikal na masama sa sperm

Alam niyo ba na maraming mga kemikal ang posibleng makasama sa iyong sperm count? Minsan ito ay nasa hangin, sa iyong tahanan, kahit na sa mga produktong ginagamit mo sa iyong katawan!

Heto ang 4 na dapat iwasang mga reproductive hazards:

  • Lead – natatagpuan sa pintura, sa lupa, at sa alikabok.
  • Styrene at acetone – natatagpuan sa mga plastic, construction materials, at packaging.
  • Mercury vapor – natatagpuan ito sa mga industrial aerosol pati sa alikabok na galing sa bakal.
  • Dibromochloropropane – natatagpuan sa mga pesticide.

Ang pagka-expose sa mga hazards na ito ay makakasama sa iyong sperm at nakakasama sa pagkakaroon ng malusog na sperm.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Source: Healthline

Sinulat ni

Jan Alwyn Batara