Nakakabaog ba ang pag-bike o pagsusuot ng masikip na underwear?
Ilag sa usapang “sperm” ang karamihan lalo na ang mga kalalakihan. Sensitibo man itong pag usapan para sa iba, magandang pagsasanay na maging bukas sa topic na ito ang mga lalaki. Lalo na kung nais mong alagaan ang iyong sperm at nais magkaroon ng anak.
Mababasa sa artikulong ito ang:
- Epekto ng pagsusuot ng boxer at brief ng mga lalaki
- Paninigarilyo, pag-inom ng alak at paggamit ng smartphone
- Mga dapat kainin para maging healthy ang sperm
Lalo na sa panahon ngayon, kailangan alagaan ng bawat lalaki ang kanilang katawan. Ayon sa mga eksperto, may mga gawain ang mga lalaki na madalas ginagawa ngunit hindi napapansing ito pala’y nakakaapekto sa bilang ng kanilang sperm.
Para mapanatiling healthy ang iyong katawan at masigurong ika’y makakabuo, narito ang mga dapat tandaan para maiwasan ang infertility.
Nakakabaog ba ang pag bike? | Image from Unsplash
Boxers at briefs
Ayon sa pag-aaral, mas magandang magsuot ng boxer kaysa sa brief ang mga lalaki para mapasukan ito ng kaunting hangin.
Ang pagsusuot ng mahigpit na panloob katulad ng brief ay delikado sa health ng lalaki. Tumataas kasi rito ng pressure at temperatura. Kinakailangang nasa mababang temperatura lamang ang testes ng lalaki, “they were made to be out in the breeze,” ayon kay Celia E. Dominguez isang reproductive endocrinologist sa Center for Reproductive Medicine sa Emory University School of Medicine.
Kung sanay magsuot ng brief ang lalaki, ang kanilang ibaba ay mag o-overheat na nagiging dahilan ng pagbaba ng bilang ng kanilang sperm.
Kung nais niyong magkaroon na ng anak, magandang pagsasanay ang pagsusuot ng boxer para mapataas ang sperm count ni mister.
BASAHIN:
Pagiging mataba nakakaapekto sa sperm quality ni mister
10 Pagkain na makakatulong para dumami ang sperm count ni mister
Paano malalaman kung healthy ang sperm ni mister sa tingin lang?
Cycling
Magandang ehersisyo ang pagbibisikleta ngunit napag-alamang ito’y delikado sa iyong penis. Ayon sa isang pag-aaral na ibinahagi sa BBC, ang madalas na pag-eehersisyo ay walang epekto sa bilang ng sperm ng lalaki. Ngunit ang mga lalaking madalas magbisikleta ay maaaring bumaba ang sperm count.
Ayon kay Dr Ronny Tan, isang consultant urologist at andrologist na may Advanced Urology Associates, naiipit kasi ang ari ng lalaki sa upuan ng bike kapag nagbibisikleta. “Men who do long-distance cycling may experience numbness of the penis. Some men may also experience erectile dysfunction due to injury to the nerve and the blood vessels within the canal.”
Paninigarilyo, pag-inom ng alak at paggamit ng smartphone
Mahirap itigil ang isang bagay lalo na kung nasanay ka nang gawin ito. Ngunit kung plano niyo na ni misis ang magkaanak, maaaring tigilan muna ang mga ito na nakakaapekto sa iyong sperm. Pag-inom ng alak, paggamit ng cellphone pati na rin ang paninigarilyo, ilan lamang ito sa banta sa sperm count ng lalaki.
Paggamit ng cellphone
Ilang pag-aaral rin ang nagsasabi na ang radiation na nanggagaling sa cellphone ay nakakaapekto sa kalidad ng sperm ng lalaki. May kaugnayan ito sa DNA-fragmentation level at pagbaba ng sperm motility. Maaaring bawasan ang screentime kung nais nang magkaanak ulit.
Nakakabaog ba ang pag bike? | Image from Unsplash
Paninigarilyo
Kung may plano nang sundan si bunso, kailangang tigilan na ang paninigarilyo. Malaki ang masamang epekto nito sa buntis pati na rin sa mga bata. Damay pa rito ang sperm count at growth ng lalaki.
Isang pag-aaral mula sa BMC Public Health ang natagpuan na ang regular na paggamit ng tobacco ay nagpapababa ng bilang ng sperm ng isang lalaki. Bukod pa rito, maaari ring magkaroon ng “morphological defects” ang kanilang sperm.
Pag-inom ng alak
Kinakailangang bawasan ang pag-inom ng alak kung plano niyo ni misis na magkaanak ulit. Ayon sa Healthline, ang labis na pag-inom ay may negatibong epekto sa sperm count ng lalaki. Kabilang dito ang pagbaba ng lebel ng testosterone at pagbabago ng gonadotropin. Lumiliit din ang laki ng testes at pagbaba ng ejaculation.
Nakakabaog ba ang pag bike? | Image from Unsplash
Mga dapat kainin para maging healthy ang sperm
Ang malusog na katawan ay mayroong malusog din na sperm. Maituturing na “sperm booster” ang mga pagkain na katulad ng gulay, prutas, isda, poulty, cereal at low-fat dairy products.
Habang ang pag-inom ng mga supplements katulad ng selenium, zinc, L-carnitine, L-arginine at coenzyme Q10 ay nakakatulong sa kalidad ng sperm ni mister. Isama pa ang vitamin A, C at E.
Iwasan muna ang pagkain ng full-fat dairy products at inumin na mataas sa asukal kung may planong mag-anak ulit.
Translated with permission from theAsianparent Singapore
Isinalin ni Marjorie Marciano
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!