Narito ang mga senyales ng manggagamit na boyfriend o partner na dapat mong iwasan ayon sa mismong karanasan ng isang netizen.
Love life lessons mula sa karanasan ng isang netizen
Sa pamamagitan ng online networking site na Reddit ay ibinahagi ng isang netizen ang kaniyang naging karanasan sa piling ng tinawag niyang “hampaslupa boyfriend”. Ang post na ito ng netizen ay na-ishare at nag-trending noong 2018. Ngunit dahil maraming naka-relate sa experience niyang ito ay muli na naman itong nag-trending ngayon.
Ayon sa post ng netizen na noon ay 6 ½ na buntis sa anak nila ng kaniyang ex-boyfriend, imbis na makatulong ay mas naging pabigat pa raw ito sa kaniya. Mas lumala ito dahil dumagdag pa raw dito ang kaniyang abusadong pamilya na siya ang bumuhay at sumagot sa lahat ng gastusin nila.
Abusadong boyfriend at pamilya nito
Pagbabahagi ng netizen sa Reddit, ayos naman sana silang dalawa ng boyfriend niya noong una. Aware ito na ang boyfriend niya ang bumubuhay sa kaniyang pamilya. Wala siyang problema doon dahil siya ay may trabaho rin at kumikita ng apat na beses na mas malaki kaysa sa boyfriend niya. Ngunit nagbago ang lahat ng ito na mabuntis siya na naging simula ng unti-unting paglipat ng pamilya ng boyfriend niya sa kaniyang bahay. Nauna daw noon ang nanay nito na sinabing lilipat sa bahay niya upang maalagaan siya. Pero nasundan pa ito ng paunti-unting paglipat ng mga kapatid ng kaniyang ex-boyfriend na noon ay pasleepsleep-over lang.
“Currently 6.5 mos preggo and I dumped my bf (dated for 3 yrs). I realized that he and his family will be more of a burden than help.”
“Ex bf used to live with me and when I got pregnant, his family moved in with us too. I live in a house my parents gave me, 3 bedrooms (160sqm). It used to be nice and peaceful till 5 of his family members moved in. It was supposed to be just his mom, but the rest of his siblings had “sleepovers” which turned out to be permanent.”
“I earn 4 times more than my bf. His salary goes to his siblings schooling. Ever since they moved in with me, I became their main breadwinner. it has become so unbearable that not even love can make everything seem ok.”
Ito ang pagbabahagi ng netizen sa kaniyang kuwento sa Reddit na ngayon ay deleted at deactivated na ang account niya.
Siya na ang bumubuhay, ginawan pa siya ng masama
Bagamat, ayon parin naman sa kaniya ay sinubukan niyang makisama sa mga ito. Pero may mga ginawa talaga ang pamilya ng bf niya na hindi niya na ma-take at naging dahilan niya upang itigil na ang relasyon nila. Tulad ng pangingialam sa mga gamit niya at pakikialam sa perang kinikita niya na kahit mga magulang niya ay hindi ginagawa.
“*They always have family emergencies that needs money.”
“*Every time I eat out and they find out they’d make parinig “Di man lang kami niyaya kumain sa labas.”
“*Always asking for pasalubong when I travel.”
“*It’s been months since I bought something nice for myself.”
“*His siblings use my gadgets without permission.”
“*Kaka-grocery ko palang ubos agad in 2 days. 3k worth of food in 2 freaking days.”
“*His mom makes silip my finances. Tells me what to do with my money. My parents don’t even care how I spend my earnings. They even give me extra once in a while.”
Ito umano ang ilan sa mga dahilan ng netizen para mag-desisyon at ma-realize niya na hindi na healthy ang relasyon nila ng kaniyang boyfriend na maaring makasama pa sa kaniyang pagbubuntis. Pero higit sa lahat, nagsimula daw ang kaniyang pagsisisi sa kanilang relasyon ng araw-araw siya nitong sinasabihan ng mataba at losyang. At ng malaman niyang nakikipaglandian na pala ito sa isa sa mga babaeng katrabaho niya.
Nakuha pa siyang lokohin ng kaniyang bf at gawan ng kwento
“My resentment started the first time he called me fat. Of course, I got fat. I’m pregnant. Every day he would say, “Ano ba yan hon, lumobo ka na, parang naging losyang ka pa. Exercise pag may time.” He started getting chummy with his female co-worker as well.”
“Excuse me! You and your family are consuming my money. I have no extra left to buy maternity clothes or anything else to pamper myself. Of couse I will get losyang.”
Pero hindi natapos dito ang pagiging abusado ng ex-bf ng nasabing netizen. Nalaman niya rin na ipinagkakalat pala nito sa mga katrabaho at kaibigan niya na ang bahay at kotse niya ay pagmamay-ari nito at hindi sa kaniya. Nakuha pa nga daw nitong mag-withdraw sa joint bank account nila na hindi niya man lang nahulugan kahit minsan para ipanlibre sa babaeng katrabaho niya. At ng pinapaalis na nga niya sa kaniyang bahay ang pamilya ng kaniyang ex-bf ay kung anu-ano pa ang nasabi sa kaniya ng mga ito.
Dahil sa nangyari ay maraming natutunan ang netizen. Laking pasasalamat niya rin sa mga magulang niya na nanatiling supportive at hindi siya iniwan sa mga oras na iyon na kailangan niya ng kasama.
May ilang paalala rin siya sa mga kababaihan bago pumasok ng relasyon. Tulad ng pag-aalam muna sa background ng iyong partner. At pagsisiguro sa iyong sarili na tanggap mo o handa mong makisama sa kaniya sa kabila ng mga ito.
Mula sa karanasan ng netizen ay naipakita rin ang mga senyales na manggagamit ang isang tao na dapat mong iwasan na maka-relasyon. At ang mga ito ay ang sumusunod:
Mga senyales ng manggagamit ang partner mo
Hinahayaan ka niyang laging magbayad sa mga bills ninyo sa restaurant man o sa bahay.
Ayon sa sexologist na si Dr. Jess O’Reilly, bagamat hindi komportableng pag-usapan ang pera sa isang relasyon mahalaga at dapat maging malinaw ito. Mas mabuting malaman ninyo pareho ang take o ideya ng bawat isa pagdating sa pera. Mainam na magkaroon kayo ng malinaw na set-up o tamang hatian pagdating sa pera o gastusin. Dahil kung ikaw ang laging taya, malinaw na palatandaan ito na kina-relasyon ka lang niya para sa naturang benepisyo.
Laging ikaw ang to the rescue o savior niya lalo na pagdating sa mga problemang may kaugnayan sa usaping pera.
Bagamat kailangan sa isang relasyon ang pagtutulungan, hindi naman tama na sa lahat ng oras ay ikaw nalang ang taya at takbuhan. Lalo na kung ito ay may kaugnayan sa usaping pera ng iyong partner na wala ka ng kinalaman o labas na sa inyong relasyon. Tulad nalang ng tuition ng kapatid niya o iba pang gastos ng kanilang pamilya na hindi mo na dapat problema.
Lagi siyang humihingi ng favor sayo.
Ang isang relasyon ay dapat 2-way street. Ngunit kung ang direksyon lang ng inyong relasyon ay laging para at tungkol lang sa kaniya, malinaw na palatandaan ito na isang manggagamit ang partner mo.
Hindi ka niya na-appreciate o hindi man lang siya nagsasabi ng thank you.
Kung sa kabila ng lahat ng adjustments, tulong at sakripisyo mo ay hindi parin ito na-appreciate ng iyong partner, marahil ay hindi niya talaga nakikita ang halaga mo. At nariyan siya sa tabi mo dahil sa mga benepisyong nakukuha niya sayo.
Wala siyang pakialam sa nararamdaman mo.
Ang taong tunay na nagmamahal ay laging iisipin ang kapakanan at nararamdaman mo. Ngunit kung hindi ito ipinapakita ng partner mo mabuti pang mag-isip ka na. At tanungin ang iyong sarili kung siya ba ang gusto mong makasama ng pang-matagalan.
Nakakaramdam ka ng resentment o sama ng loob sa mga ipinapakita niya sayo.
Ang pagkaramdam ng resentment o sama ng loob sa kabila ng sakripisyo, pag-iintindi at suporta na ginagawa mo sa iyong partner ay normal lang na maramdaman mo. Lalo na kung ang mga nabanggit na senyales na manggagamit ang partner mo ay nakita mo sa kaniya. Ang mga ito ang dapat mong gamiting basehan kung ang partner mo na ba ngayong ang nais mong matagal ng makasama. O siya ba ay dapat mo ng hiwalayan at iwasan para sa kapakanan at ikakabubuti mo.
Source:
Insider
BASAHIN:
STUDY: Hindi mo kailangan ng partner para sumaya sa buhay
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!