TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Manilyn Reynes on 25-year marriage to Aljon Jimenez: "Couple goals namin is to grow old together"

4 min read
Manilyn Reynes on 25-year marriage to Aljon Jimenez: "Couple goals namin is to grow old together"

Manilyn naranasan daw na ma-ghost ni Aljon sa loob ng isang taon.

Manilyn Reynes at Aljon Jimenez paano napanatiling healthy at happy ang relasyon sa loob ng 25 taon? Alamin ang sikreto.

Love story nila Aljon Jimenez and Manilyn Reynes

Sa isa sa kaniyang mga Instagram post ay ibinahagi ng aktres na si Manilyn Reynes na ang couple goal nila ng asawa na si Aljon Jimenez ay ang tumanda na magkasama.

“Isa po talaga sa couple goals namin is to grow old together❤️
#happytogrowoldwithyou
#togetherforever”

Ito ang caption ng IG post ni Manilyn kalakip ang larawan nilang mag-asawa.

manilyn reynes at aljon jimenez

Image from Manilyn Reynes Instagram account

Ang goal na ito ay hindi naman malabong ma-achieve nina Aljon Jimenez and Manilyn Reynes lalo pa’t sa ngayon ay halos 25 taon na silang kasal na ayon sa aktres ay very happy at healthy parin ang relasyon nila.

Sa isang interview sa programang Pika-Pika ay ibinahagi ni Manilyn kung paano nagsimula ang kuwento ng pag-ibig nila ng dating aktor na si Aljon Jimenez.

Ayon kay Manilyn, nagsimula ang love story nila ni Aljon ng magkasama sila sa pelikulang Shake, Rattle and Roll 2. Doon nagsimulang magkaroon ng pagtitinginan ang dalawa.

Ang pagiging tahimik ni Aljon ang nakapukaw daw sa atensyon noon ni Manilyn. Habang si Aljon naman daw ay nagustuhan ang pagiging loud at totoong tao ni Manilyn.

“Ako napakahilig kong magkuwento. Nagbabangka ako noon sa shoot ng shake, siya super deadma sa isang corner. So syempre ako, lahat tumatawa siya hindi.”

Doon umano nagsimula ang kagustuhan noon ni Manilyn na mas makilala ang misteryosong si Aljon.

Sa pagdaan daw ng araw ay unti-unti ng sumasama si Aljon sa pakikipagtawanan kanila Manilyn. Naging malapit ang loob nila sa isa’t-isa. May isang instance nga daw sa shoot na nagkahawakan sila ng kamay na para kay Manilyn noon ay may iba ng kahulugan.

Pero matapos ang shooting ng pelikulang Shake, Rattle and Roll 2 ay natapos din ang sweet moments ni Manilyn at Aljon. Kuwento ng aktres, halos isang taon umanong hindi nagparamdam sa kaniya ang aktor matapos ang nasabing pelikula. Doon siya nagtampo kay Aljon na inakala niya noong may pagtingin narin sa kaniya.

Pagsisimula ng relasyon nina Manilyn Reynes and Aljon Jimenez

manilyn reynes at aljon jimenez

Image from Manilyn Reynes Instagram account

Muli raw nakita ni Manilyn ang aktor ng mag-celebrate siya ng kaniyang 19th birthday. Doon lang din niya nalaman ang dahilan ng bigla nitong paglayo sa kaniya. Nang malaman ang dahilan ng aktor ay siyang simula ng love story nila na pang-matagalan na pala.

“Ayaw niya yung sinasabi ng tao na, ganito ka lang, he will just use you. Para ma-stop muna ang lahat ng iyon at malinis lahat. Then after a year yun na so nagtuloy-tuloy na ang relationship namin.”

Ito ang kuwento pa ng aktres.

Pinilit daw ng dalawa na itago ang relasyon nila para makaiwas sa isyu at intriga. Sa katunayan ay hindi daw sila nakakapagdate noon ng silang dalawa lang. Napag-desisyonan nalang daw nilang ibahagi sa publiko ang relasyon nila noong nag-propose na ng kasal si Aljon. Ito ay matapos ang halos ang limang taon ng magsimula ang kanilang relasyon bilang mag-boyfriend at girlfriend.

“Always lagi kasama ang family kasi ayaw namin na malaman sana. Ayaw namin na ma-intriga. Kineep namin talaga pero syempre dumating yung time na kailangan ng sabihin at nag-propose na doon na nalaman ng mga tao.”

BASAHIN:

Michelle Madrigal on why her marriage did not work: “We’re not really compatible at all”

Doug and Cheska Kramer celebrate 13 years of marriage: “I’d marry you over and over again!”

Common-law marriage: Rights of live-in partners

Sikreto sa long-lasting at happy marriage nina Manilyn at Aljon

manilyn reynes at aljon jimenez

Image from Manilyn Reynes Instagram account

Taong 2016 ng maikasal sila Manilyn at Aljon. Sila ngayon ay may tatlong anak na puro lalaki. Ito ay sina Kyle,24, Kirk, 18 at Kael, 9.

Pagdating sa pagkakaroon ng long-lasting at happy marriage, pag-uusap ang sinabing sikreto ng aktres. Ito daw ang laging ginagawa nilang mag-asawa sa tuwing sila ay may hinaharap na problema.

“Lahat naman ng relasyon may ups and downs, mayroong hindi pagkakaintindihan, mayroong issues. Ang maganda noon at the end of the day alam ninyo kung paano reresolbahin yun, alam ninyo kung paano paguusapan. Pag-usapan ng mahinahaon, wag mag-sigawan, para mas umigi para mas maayos.”

Ito ang sabi pa ng aktres.

Pagdating naman sa pagkakaroon ng puro lalaking anak, kuwento ni Manilyn ay ayos na ayos naman para sa kaniya. Basta masigurado lang na laging healthy ang mga anak niya.

Partner Stories
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2
The Brilliant Hour: How Just One Hour a Day Can Shape a Lifetime of Learning
The Brilliant Hour: How Just One Hour a Day Can Shape a Lifetime of Learning
Alamin ang Vitamin Combo na Para Sayo at sa Nerves Mo!
Alamin ang Vitamin Combo na Para Sayo at sa Nerves Mo!
Fact vs. Myth: What Every Filipino Parent Needs to Know About Obesity
Fact vs. Myth: What Every Filipino Parent Needs to Know About Obesity

“Ok naman na walang girl, kung ito ang ibibigay ni God sa atin basta healthy, ” sabi pa ng aktres.

Instagram, YouTube

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

Inedit ni:

Jobelle Macayan

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Manilyn Reynes on 25-year marriage to Aljon Jimenez: "Couple goals namin is to grow old together"
Share:
  • 'Parang 1.5 Soda': A Content Creator Mom Tells Us What It’s Like to Hold a 2-Kilo Premature Baby

    'Parang 1.5 Soda': A Content Creator Mom Tells Us What It’s Like to Hold a 2-Kilo Premature Baby

  • Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2
    Partner Stories

    Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2

  • Preschool Age 101: Heto ang Advice ni Teacher Tina Para 'Di Ka Mag-Panic!

    Preschool Age 101: Heto ang Advice ni Teacher Tina Para 'Di Ka Mag-Panic!

  • 'Parang 1.5 Soda': A Content Creator Mom Tells Us What It’s Like to Hold a 2-Kilo Premature Baby

    'Parang 1.5 Soda': A Content Creator Mom Tells Us What It’s Like to Hold a 2-Kilo Premature Baby

  • Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2
    Partner Stories

    Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2

  • Preschool Age 101: Heto ang Advice ni Teacher Tina Para 'Di Ka Mag-Panic!

    Preschool Age 101: Heto ang Advice ni Teacher Tina Para 'Di Ka Mag-Panic!

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko