X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Michelle Madrigal on why her marriage did not work: "We're not really compatible at all"

5 min read
Michelle Madrigal on why her marriage did not work: "We're not really compatible at all"

Pag-amin ni Michelle, masyadong in love sa mister niya noong si Troy na pinili niyang isantabi ang mga incompatibility issues nila.

Michelle Madrigal at ex-husband na si Troy Woolfolk pareho umanong hindi na masaya sa kanilang pagsasama kaya naghiwalay.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Bakit naghiwalay si Michelle Madrigal at ex-husband niyang si Troy Woolfolk.
  • Payo ni Michelle tungkol sa marriage at mga single moms.

Michelle Madrigal and ex-husband separation

Nitong Agosto ay inanunsyo ni Michelle Madrigal at ngayong ex-husband niya ng si Troy Woolfolk na sila ay hiwalay na. Ito ay ginawa ng dalawa sa kaniya kaniyang Instagram account na kung saan pareho nilang sinabi na maayos ang kanilang naging paghihiwalay.

Nitong nakaraang linggo sa kaniyang vlog ay ibinahagi ni Michelle ang tunay na dahilan ng kanilang paghihiwalay. Sabi ng dating aktres pareho na raw silang mag-asawa na hindi masaya sa kanilang pagsasama. At wala umanong ibang tao o third party na naging dahilan ng paghihiwalay nila.

“To be fair there’s no third party on his end or on my end it was just a mutual decision to really separate. It was very amicable we were both unhappy.”

Ito ang sabi ni Michelle.

Dagdag pa ni Michelle, ang tanging rason daw kung bakit hindi nagtagal ang marriage nila ng ex-husband niyang si Troy ay hindi sila compatible sa isa’t-isa.

“I think the reason why this marriage did not work was because we weren’t really compatible at all.”

Michelle masyado raw in love sa asawa at hindi pinansin ang mga incompatibility nila

michelle madrigal ex-husband

Image from Nice Print Photography

Kuwento ni Michelle, bagama’t noong una pa lamang ay napapansin niya ng may mga pagkakaiba sila ni Troy ay binalewala niya ang mga ito. Dahil sa masyado raw siyang in love dito at naging mabilis ang naging pagbabago sa mga buhay nila.

Matatandaang nagkakilala ang dalawa sa dating app na Tinder noong 2016. Sumunod na taon ay isinilang ni Michelle ang anak nilang si Anika at April 2019 ng sila ay magpakasal ni Troy.

Pero ayon kay Michelle, bagama’t hindi naging successful ang marriage nila ng ex-husband niya ay wala siyang pinagsisihan dito. Una ay dahil nagkaroon sila ng anak na si Anika at pangalawa ay marami siyang natutunan sa naging pagsasama nila.

Isa na nga sa naging learnings niya sa kaniyang past relationship ay dapat maging compatible daw kayo umano ng taong pipiliin mong makasama. O kaya naman at least mag-usap man lang o maging open sa mga bagay na tingin ninyo ay hindi ninyo napagkakasunduan.

“Very important of course you need to be attracted to that person and you need to be compatible. What are your non-negotiables? What are your core values? And I think some of that I ignored in the past because I was just so in love.”

Ito ang sabi pa ng dating aktres.

BASAHIN:

Michelle Madrigal confirms separation from husband: “We will always have love for each other”

Remember Bunny Paras? Ito na ang kaniyang buhay sa Amerika

Jake Ejercito on co-parenting: “Hindi siya madali. Marami kaming pinagdaanan bago kami dumating dito.”

Michelle and Troy as co-parents to daughter Anika

michelle madrigal ex-husband

Image from Michelle Madrigal’s Instagram account

Sa ngayon ayon parin kay Michelle, sila ay magkaibigan parin ni Troy. Pinili nilang magkaroon parin ng maayos na pagsasama. Ito ay para maging mabuting co-parents sila sa 4-year-old daughter nilang si Anika.

“We just want to be there for our daughter and it’s really important to for your kids to see that you guys are still a team no matter what the circumstances.”

Kuwento pa ni Michelle, sa mga susunod na araw ay aalis na siya sa bahay na binuo at pinagawa nila ng ex-husband na si Troy. Nasabihan na rin nila ang anak nilang si Anika na sila ay maghihiwalay na ng tirahan.

Bagama’t sa ngayon, sigurado siyang hindi pa nito naiintindihan ang mga nangyayari. Pero kung sakali mang dumating na ang panahon na magtanong na ang kaniyang anak, ngayon pa lamang sabi ni Michelle ay pinaghahandaan niya na ito.

“I don’t think Anika fully understands what’s going on. She has an idea and kids are very smart they can feel the energy around the house but so far she’s okay.

You know she hasn’t fully transitioned to that one week with him one week with me. She hasn’t asked those questions yet but then we kind of have prepared her for.”

Payo ni Michelle sa mga single moms at ibang mga babae

michelle madrigal ex-husband

Image from Michelle Madrigal’s Instagram account

Sa huli ay may payo si Michelle sa mga single mother na tulad niya at sa mga babaeng dumadaan ngayon sa problema sa kanilang marriage.

Ayon sa dating aktres, hindi raw dapat madaliin ang iyong healing journey. Laging isipin na may dahilan kung bakit ang lahat ng ito ay nangyayari. Paraan lamang ito para mas makakilala mo ang iyong sarili at mapabuti.

“You’re gonna get through this. Everything happens for a reason. You’re gonna pick yourself back up. Have grace. Allow yourself to feel.”

“Listen to what you’re feeling. Because if you don’t have those low moments and you’re never gonna learn about anything about yourself.”

Ito ang payo ni Michelle.

Si Michelle Madrigal ngayon ay nasa Amerika at doon na piniling manirahan simula ng mapangasawa ag ex-husband na si Troy Woolfok.

Source:

YouTube

Partner Stories
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Relasyon
  • /
  • Michelle Madrigal on why her marriage did not work: "We're not really compatible at all"
Share:
  • Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

    Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

  • STUDY: Mga tatay na medyo mataba, mas mabubuting ama at asawa

    STUDY: Mga tatay na medyo mataba, mas mabubuting ama at asawa

  • Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

    Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

  • Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

    Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

  • STUDY: Mga tatay na medyo mataba, mas mabubuting ama at asawa

    STUDY: Mga tatay na medyo mataba, mas mabubuting ama at asawa

  • Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

    Juancho Triviño sa kaniyang pagiging Tatay: "Lagi kang excited umuwi at nakakawala ng pagod.”

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.