Isinara pansamantala ang isang school sa Maynila dahil kasalukuyang under disinfection ang buong Manuel A Roxas Senior High School matapos magkaroon ng COVID-19 ang isang guro rito.
School isinara dahil sa teacher na nag-positibo sa COVID-19
Kinumpirma ng Teachers’ Dignity Coalition na positibo sa COVID-19 ang president ng TDC-National Capital Region Teachers’ Union na si Ildefonso “Nono” Enguerra III. Siya rin kasalukuyang guro sa Manuel A. Roxas Senior High School sa Maynila.
Napagalamang siya ay nakakaranas ng sintomas ng COVID-19. Dahil rito, agad rin siyang sumailalim sa swab test noong July 22.
Isinara muna ang Manuel A Roxas Senior High School kung saan siya nagtuturo dahil napag-alamang nagkaroon siya ng close contact sa halos 30 teachers sa nasabing paaralan.
www.facebook.com/roxasshsmanila/posts/715900875642861
Ayon sa TDC, nakaranas ng mga sintomas ng COVID-19 ang guro katulad ng lagnat, dry cough, pananakit ng lalamunan at pagkawala ng panlasa at pang-amoy. Kasalukuyan naman siyang naka-home quarantine ngayon.
“After several days, he felt some symptoms of the dreaded disease including fever, cough, sore throat and loss of smell and appetite.”
Napagalaman ring nakakaranas na ng kaparehong sintomas ang ibang guro sa nasabing paaralan.
Samantala, isinara muna ang Manuel A Roxas Senior High School hanggang August 3 para ma-disinfect ang buong pasilidad.
Paano nahahawa sa COVID-19?
Ayon sa World Health Organization (WHO), ang COVID-19 ay isang virus na sobrang delikado dahil mabilis itong kumalat. Maaari itong maipasa sa hayop pero sobrang bihira lamang.
Naipapasa ang COVID-19 kapag ang isang taong carrier ng virus ay umubo o bumahing. Ang mga malilit na water droplets na galing dito ay mapapasa sa hindi infected na tao. Dito magsisimula ang pagkakaroon ng exposure.
Sintomas ng COVID-19
Ito ang mga karaniwang sintomas na maaaring makita sa mga matatanda. Sa ibang kaso naman, matatawag silang asymptomatic o walang mararamdamang mga sintomas sa katawan. Ang sintomas ng COVID-19 sa tao ay kadalasang nararamdaman at nakikita pa pagkatapos ng 2-14 days matapos ang exposure sa isang carrier ng virus.
- Dry cough
- Mataas na lagnat
- Panghihina
- Pananakit ng katawan
- Diarrhea
- Pananakit ng ulo
- Pagkawala ng panlasa
- Pananakit ng lalamunan
Narito ang mga seryosong sintomas na kailangang bigyang pansin. Kung sakaling maramdaman ang mga ito, agad na humanap ng medical assistance.
- Hindi makagalaw
- Hindi makapagsalita
- Hirap sa paghinga
- Pananakit ng dibdib
Ang mga taong mataas ang risk factor sa COVID-19 ay ang mga mayroong chronic lung disease. Ang iba pang kaso nito ay:
- Buntis
- 65 years old pataas
- Mga taong may travel history
- Mga taong nag-aalaga ng COVID-19 patients
- May mga medical condition katulad ng liver disease, asthma, renal failure, heart disease, high blood, diabetes
COVID-19 Health protocols
Ayon sa CDC, ang mga taong delikado sa COVID-19 ay kailangan ng matinding pag-iingat sa panahon ngayon. Narito rin ang mga bagay na dapat tandaan at gawin:
- Palaging pagsusuot ng mask
- Iwasan ang mga matataong lugar
- Iwasan ang mag-travel
- Panatilihin ang social distancing
- Palagiang paghuhugas ng kamay
- Iwasan ang paghawak sa mukha
- Maging malinis
Source:
BASAHIN:
Public school students sa San Juan makakatanggap ng 11,000 tablets