X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Tungkol sa Anak
    • Sanggol
    • Preschooler
    • Preteen at Teenager
    • Toddler Years
    • Bata
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

2-anyos, patay matapos mabaril ng kuya ng pellet gun

4 min read
2-anyos, patay matapos mabaril ng kuya ng pellet gun2-anyos, patay matapos mabaril ng kuya ng pellet gun

Narito ang mga mapanganib na laruan pambata na hindi mo na muna dapat ipalaro sa iyong anak.

Mapanganib na laruan pambata, bakit dapat malaman at hindi ibigay ng mga magulang sa kanila? Narito ang isang magandang halimbawa.

Mapanganib na laruan pambata

Isang 2-anyos na batang lalaki mula sa San Diego, California ang patay matapos mabaril ng pellet gun ng kaniyang nakakatandang kapatid na lalaki ng hindi sinasadya.

Ang bala ng pellet gun tumama sa left frontal lobe ng biktima. Ito ang rehiyon ng utak na responsable sa pagkokontrol ng mga language-related movement sa katawan. Dahil sa nangyari ay nagtamo ng traumatic brain injury ang bata na naging sanhi ng kaniyang pagkasawi.

Mapanganib na laruan pambata

Image from DailyMail UK

Bilang aral sa nangyari, naglabas ng warning ang mga doktor na tumingin at sinubukang iligtas ang buhay ng kaawa-awang bata. Pagbababala nila mga pellet gun at iba pang mapanganib na laruan na pambata dapat iwasan ng palaruan sa kanila.

Iba pang mapanganib na laruan pambata

Samantala, maliban sa pellet gun ay may iba pang mapanganib na laruan pambata. Ito ay ang sumusunod:

Mga laruan na may maliliit na parte tulad ng beads

Ang mga ito ay mapanganib sapagkat ito ay maari nilang isubo at maging dahilan ng choking. O kaya naman bumara sa kanilang lalamunan na maaring magpahirap sa kanilang huminga at mauwi sa kanilang pagkasawi.

Magnets

Bagamat nakaka-amaze para sa mga bata ang nagagawa ng magnet, mapanganib naman ito para sa kanila. Dahil isa itong choking hazard na maaring magdulot ng intestinal perforation o blockage kung kanilang malulunok.

Hoverboards

AMAZON: $94.99 Felimoda Hoverboard, w/Bluetooth Speaker for Kid and Adult + SHIPPING https://t.co/Y12rYmTbS0 pic.twitter.com/oHADBkBLMt

— DealinginDeals (@dealingindeals) December 5, 2019

Kahit na very cool ang laruang ito para sa mga bata, may dalang panganib ito sa kanila. Sapagkat ang battery-powered na laruan na ito ay maaring umapoy kung mapapabayang naka-charge ng matagal.

Darts

Ang dart ay mapanganib dahil sa patulis na dulo nito. Ito ay maaring tumama sa mata ng mga bata na maaring mauwi sa pagkabulag kung magkakamali ng paggamit.

Duyan na gawa sa net

Ang duyan ang isa mga laruan ng mga bata na ginagamit rin upang sila ay patulugin. Ngunit mapanganib na laruan pambata ito kung walang adult na susubaybay sa tuwing ito ay kanilang ginagamit. Dahil kung ang bata ay magkamali at ma-out of balance ay maaring pumulupot sa leeg niya ang duyan. O kaya naman ay magdulot ng pagkapilay kung siya ay mahuhulog mula rito.

Toy guns

Ang mga toys guns lalo na ang mga may bala tulad ng pellet gun ay lubhang mapanganib para sa mga bata. Dahil sa hindi pa naman nila alam ang peligro na dulot nito, sa hindi nila sinasadyang pagkakataon ay maaring makasakit sila ng ibang tao. Dagdag pa ang posibilidad na isubo at malunok nila ang maliliit na bala nito at pag-ugatan ng choking.

Slingshots o Tirador

Mapanganib na laruan pambata

Image from China Daily

Tulad ng toy guns ang mga tirador din ay hindi angkop na laruan para sa mga bata. Dahil ito ay maaring makasakit sa iba o sa kanilang sarili kapag hindi nagamit ng tama.

Trampolines

Ang paglalaro sa trampoline ng mga bata ay lubhang mapanganib din. Dahil ang pagkahulog mula rito ay maaring magdulot ng bali sa buto, sugat, paralysis o kaya ay pagkasawi.

Maliliit na bola o holen

Ang mga babies at toddlers ay mahilig isubo ang kanilang mga nahahawakan. Kaya naman ang mga maliliit na bola o holen ay hindi dapat ibigay sa kanila Dahil ito ay maaring magduot ng choking o asphyxiation na madalas na nauuwi sa pagkasawi kung hindi maagapan.

Balloons

Bagamat madalas itong nakikita sa mga children’s party, hindi naman ito advisable na palaruan sa mga bata. Dahil ang aksidente nilang pagkaka-inhale sa hangin mula sa lobo habang sinusubukang hipan ito ay maaring magdulot ng suffocation na maari nilang ikasawi.

Laruan na may maliliit na batteries

Mapanganib na laruan pambata

Image from Choice

Ang mga laruan na may coin-cell batteries o yung pinapagana ng maliliit na pabilog na battery ay mapanganib na laruan pambata. Dahil maari nilang isubo ito na magdudulot parin ng choking. Kung sakaling may laruan ang iyong anak na coin-cell battery operated siguraduhing maayos na naka-screw ang lagayan nito na hindi niya kayang buksan o pakialaman.

Fidget spinners

Ang mga maliliit na parte ng fidget spinners ay choking hazard rin para sa mga bata. Lalo na ang mga umiilaw na operated ng mga coin-cell battery. Ang battery na ito kapag naisubo ng isang bata ay maaring magdulot ng pagkabasag ng ipin at iba pang oral damages.

Ilan lamang iyan sa mga mapanganib na laruan pambata. Hangga’t maari ay huwag na munang palaruan ito sa maliliit na bata upang masiguro ang kaligtasan nila at ng iba pa.

 Source: Goodhousekeeping, DailyMail UK

Photo: Freepik

Basahin: 5 Unusual choking hazards parents need to know about

Partner Stories
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • 2-anyos, patay matapos mabaril ng kuya ng pellet gun
Share:
  • OPINION: Nasaan na ang mga educational shows sa TV?

    OPINION: Nasaan na ang mga educational shows sa TV?

  • 12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

    12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

  • Aga Muhlach at Charlene Gonzales pinag-usapan ang pagkakaroon muli ng anak: “Kung magkaka-baby kami now, siguro grabeng spoiled”

    Aga Muhlach at Charlene Gonzales pinag-usapan ang pagkakaroon muli ng anak: “Kung magkaka-baby kami now, siguro grabeng spoiled”

  • Jamie Evangelista-Geisler kay Baron Geisler: “No one wants you here!”

    Jamie Evangelista-Geisler kay Baron Geisler: “No one wants you here!”

app info
get app banner
  • OPINION: Nasaan na ang mga educational shows sa TV?

    OPINION: Nasaan na ang mga educational shows sa TV?

  • 12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

    12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

  • Aga Muhlach at Charlene Gonzales pinag-usapan ang pagkakaroon muli ng anak: “Kung magkaka-baby kami now, siguro grabeng spoiled”

    Aga Muhlach at Charlene Gonzales pinag-usapan ang pagkakaroon muli ng anak: “Kung magkaka-baby kami now, siguro grabeng spoiled”

  • Jamie Evangelista-Geisler kay Baron Geisler: “No one wants you here!”

    Jamie Evangelista-Geisler kay Baron Geisler: “No one wants you here!”

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2022. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.