Ang polyhydramnios ay isang pambihirang kondisyon na nangyayari Kung maraming tubig sa tiyan ng buntis.
Ang amniotic fluid ay ang tubig na nakapa-ikot sa iyong baby sa uterus (womb). Habang nagbubuntis, kailangan ng iyong baby ng amniotic fluid para lumaki. Mananatili ang baby sa tubig na ito sa kabuohan ng pagbubuntis. Nakakatulong itong protektahan ang baby at mahalaga ito sa kanyang development.
Sa loob ng unang 14 lingo ng iyong pagbubuntis, ang tubig ay dumadaan sa iyong curculatory system patungo ng amniotic sac. Sa bandang simula ng ikalawang trimester, maiinom ng baby ang tubig at maiihi niya ito (paulit-ulit). Ang dumi ay mapupunta sa iyong placenta.
Ang mga nagbubuntis ay normal na mayroong 500 hanggang 1,000 ml ng amniotic fluid. Kapag sumobra o kumulang, maaari itong maka-apekto sa pagdevelop ng baby at/o magdulot ng komplikasyon sa pagbubuntis.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan, at napapanahon, ngunit, hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
Polyhydramnios: Kung maraming tubig sa tiyan ng buntis
Ang polyhydamnios ay nangyayara sa nasa 1 hanggang 2 porsyento ng mga pagbubuntis. Maaari itong mangyari simula palang ng ika-16 lingo, ngunit kadalasang nalalaman sa bandang dulong bahagi ng pagbubuntis.
Ang polyhydramnios ay kadalawang walang nadudulot na panganib, ngunit may mga bihirang kaso na nagdulot ito ng komplikasyon sa pagbubuntis, lalo na kung nangyari sa mga unang bahagi ng pagbubuntis, at depende sa dami ng sobrang amniotic fluid.
Mga sanhi ng polyhydramnios sa pagbubuntis
Kadalasan, ang eksaktong sanhi ng polyhydramnios ay hindi matukoy.
Ang mild na polyhydramnios ay maaaring idulot ng unti-unting pag-ipon ng amniotic fluid sa pagbubuntis.
Ang katamtaman hanggang malalang polydramnios ay maaaring madulot ng:
-
Birth defect o congenital disability na nakaka-apekto sa gastrointestinal tract o central nervous system ng baby.
Minsan ang abililidad ng baby na lumunok ay maaaring may kapansanan, dahil sa isang birth defect.
Habang nasa sinapupunan, ang mga baby ay makaka-inom ng amniotic fluid at i-iihi ito. Ito ang nagpapanatili ng tamang dami ng amniotic fluid. Kung ang baby ay hindi makalunok dahil sa isang genetic defect, maiipon ang amniotic fluid.
Ang mataas na levels ng blood glucose ay maaaring magdulot ng sobrang pag-ipon ng amniotic fluid.
Maaari itong mangyari kung ang ina ay may diabetes bago mabuntis o naging diabetic habang nagbubuntis (gestational diabetes).
-
Pagbubuntis ng kambal o higit pa
Ang polyhydramnios ay masmataas ang posibilidad na mangyari dahil sa twin-to-twin transfusion syndrome, kung saan ang isa sa kambal ay kinukulang sa amniotic fluid habang ang isa pa ay mayroong sobra-sobra.
-
Hindi tugmang blood type ng ina at ng baby
Kapag ang ina ay may Rh-negative na blood type, at ang kanyang baby ay may Rh-positive na blood type, may panganib na makadevelop ang baby ng Rh-factor o Rh-disease, isang uri ng anaemia. Maaari itong magdulot, bukod sa iba pang komplikasyon, ng polyhydramnios.
-
Problema sa pagtibok ng puso ng baby
Kabilang dito lahat mula fetal arrhythmia, ang paghina ng tibok ng puso dahil sa sobrang amniotic fluid o congenital heart defect.
-
Impeksiyon habang nagbubuntis
-
Kakulangan sa red blood cells ng baby (fetal anemia)
Mga sintomas ng polyhydramnios sa pagbubuntis
Maaaring walang iba pang sintomas ang mild na polyhydramnios.
Ang katamtaman hanggang malalang polydramnios ay maaaring magdulot ng susunod na mga sintomas, dahil sa lumaking uterus na naglalagay ng pressure sa mga organs:
- Hirap sa paghinga
- Pamamaga sa ibabang bahagi ng abdominal wall
- Kawalan ng kaginhawaan sa pag-ihi o contractions
- Pamamaga ng vulva
- Pagbawas ng naiihi
- Pamamaga ng paa
- Constipation
- Heartburn
- Pakiramdam na malaki o masikip ang tiyan
- Fetal malposition, tulad ng breech presentation
Komplikasyon dahil sa polyhydramnios
Ang katamtamang polyhydramnios ay kadalasang hindi nagdudulot ng komplikasyon sa pagbubuntis. Ngunit sa mga malalang kaso, may mga panganib tulad ng:
- Premature na pagkasira ng membranes – maagang pagputok ng panubigan
- Premature na panganganak
- Sobrang fetal growth
- Placental abruption (premature na paghiwalay ng placenta mula sa walls ng uterus)
- Postpartum hemorrhage – Matinding pagdurugo dahil sa kakulangan ng uterine muscle tone matapos manganak
- Umbilical cord prolapse (ang unang paglabas ng umbilical cord bago ang baby)
- Fetal malposition, tulad ng breech presentation
- Stillbirth
Pagsusuri para sa polyhydramnios sa pagbubuntis
Kung naghihinala ang duktor na mayroon kang polyhydramnios, siya ay magssagawa ng mas detalyadong ultrasound upang matantsa ang dami ng amniotic fluid sa uterus, at tignan kung mayroong fetal abnormalities.
Maaari rin isagawa ng duktor ang mga sumusunod na tests:
- Glucose challenge test (para sa gestational diabetes)
- Amniocentesis (sampling ng amniotic fluid para suriin kung may genetic abnormality o defect)
- Non-Stress Test (para matignan kung may abnormality sa tibok ng puso ng baby)
- Doppler ultrasound (mas malakas na ultrasound kung saan makikita ang circulatory system ng baby)
Paggamot sa polyhydramnios
Kung may polyhydramnios ka, magsasagawa ng ultrasound lingo-lingo o masmadalas pa upang bantayan ang levels ng amniotic fluid. Maaari ring magsagawa ng tests para tignan ang kalusugan ng baby.
Ang paggamot sa polyhydramnios ay dedepende sa sanhi ng kondisyon at lala nito. Ang mga mild na kaso ng polyhydramnios ay kadalasang hindi kinakailangan ng paggamot, at maaaring mawala nang kusa.
Ang malalang polyhydramnios ay maaaring kailanganin ng masmasugid na pagbabantay, lalo na sa ika-32 lingo ng pagbubuntis.
Ang mga katamtamang kaso ng polyhydramnios na natatagpuan na nang huli sa pagbubuntis ay maaaring magamot ng bed rest. Ang paghiga at pagpapahinga ay inirerekumenda upang madelay ang preterm labor hangga’t maaari.
Sa mga masmalalang kaso, ang polyhydramnios ay maaaring gamutin ng regular na pag-drain ng amniotic fluid mula sa uterus gamit ang malaking karayom.
Ang procedure na ito ay tinatawag na amnioreduction, at maaaring magdulot ng komplikasyon, kaya ang iyong duktor ay magrerekumenda lamang nito kung ang panganib ng pagpapatuloy ng pagbubuntis nang hindi nagagamot ang polyhydramnios ay higit kumpara sa panganib ng pag-drain ng tubig.
Kung matukoy ng iyong duktor na ang iyong polyhydramnios ay resulta heart rate ng baby, maaari siyang magbigay ng gamot para ayusin ang heart rate.
Ang polyhydramnios ay maaari ring maayos sa pamamagitan ng gamot na nagpapababa sa dami ng ihi at dumi na nailalabas ng fetus.
Sa ilang kaso ng malalang polyhydramnios, ang iyong duktor ay maaaring magdesisyon na ang pinakamabuting gawin ay isagawa nang maaga ang labor, sa ika-37 lingo o mas maaga pa.
Maaari rin isaalang-alang ng duktor ang caesarean delivery kung ang tingin nila ay napakalaki ng baby, o ang breech o vaginal na panganganak ay masyadong mapanganib.
Kung mayroon kang polyhydramnios sa pagbubuntis, mahalagang sundin ang payo ng duktor upang matulungan kang magkaroon ng ligtas na panganganak.
(Source: AmericanPregnancy, MayoClinic, Stanford Children’s Health, NHS)
Basahin: Polyhydramnios In Pregnancy: When There Is Too Much Amniotic Fluid
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!