March 2024 events Philippines: Mga event na pwede niyong puntahan ng pamilya

Naghahanap ba kayo ng pwedeng puntahang event ngayong buwan? Narito ang March 2024 events in the Philippines na pwedeng puntahan ng family!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mabilis na lumipas ang Pebrero. Buwan ng mga puso at ng sining ang Pebrero, kaya napakaraming iba’t ibang events nang nagdaang buwan. Pero hindi rin naman pahuhuli ang Marso. Ngayong buwan naman ay ipinagdiriwang ang Buwan ng Kababaihan. Bukod nga sa mga event para sa Women’s Month, mayroon ding March 2024 events in the Philippines na pwede puntahan ng buong pamilya.

March 2024 events Philippines

Komiket March

Kung mahilig sa anime at komiks ang inyong chikiting tiyak na magugustuhan nila ang event na ito ng Komiket. Magkakaroon nga ng first main event ng taon ang Komiket ngayong March. Tampok sa March 2024 event in the Philippines ng Komiket ang 400+ artists. Masayang weekend na puno ng komiks, art, crafts, stickers, prints at merch mula sa mga paboritong local artists at creators ang hatid ng Komiket.

Larawan mula sa Komiket Facebook

Magaganap ang Komiket March sa March 23 hanggang March 24, 2024, mula alas-11 ng umaga hanggang alas-8 ng gabi. Gaganapin ito sa SM Megamall, Megatrade Hall.  Nagkakahalaga lamang ng P100 ang ticket para sa naturang event.

Para sa iba pang impormasyon maaaring makipag-ugnayan sa Komiket.

March 2024 events Philippines: Manila Coffee Festival  

Mahilig ba sa kape ang pamilya? Tamang-tama ang event na ito para sa inyo. Ang event na ito ay bilang pagkilala sa kapeng Pilipino at sa mga Filipino farmer.

Hindi lang ito exhibit ng iba’t ibang coffee related things, mayroon ding musical acts mula kanila Jikamarie, Leanne & Naara, at iba pang artists.

Tampok din sa Manila Coffee Festival 2024 ang “sumi-e” o Japanese black ink painting ng local artist na si Tayengco Tirano.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Isama na ang inyong pamilya sa Manila Coffee Festival sa March 15 hanggang March 17, 2024 sa MGBx Convention Hall, Manila Marriott Hotel, Newport World Resorts, Pasay City.

Para sa iba pang katanungan maaaring bisitahin ang Facebook page ng Manila Coffee Festival.

Pingkian: Isang Musikal

Mayroon ding March event para sa mga theater lovers. O kahit gusto mo lang na imulat ang iyong anak sa isang bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas. Inihahandog ng Tanghalang Pilipino ang musikal na Pingkian. Tungkol ito sa buhay ng bayaning si Emilio Jacinto at sa kaniyang commitment sa kalayaan ng bayan.

Larawan mula sa Cultural Center of the Philippines website

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mapapanood ang Pingkian: Isang Musikal sa March 1 hanggang March 24, 3:00 pm at 8:00 pm. Itatanghal ito sa Tanghalang Ignacio Gimenez ng CCP Blackbox Theater sa Cultural Center of the Philippines, Pasay City.

Para sa iba pang impormasyon maaaring bisitahin ang website ng CCP.

SINING LUNTIAN: Musika, talakayan, at eksibit para sa kalikasan

Kung nais mo namang mamulat ang iyong anak sa kahalagahan ng pangangalaga sa kalikasan maaari mong dalahin ang iyong pamilya sa event na ito ng Red Cloud Interactive, Bayanihan Para sa Kalikasan Movement, Inc. at Robinsons Malls Las Pinas.

Ang event na ito ay bilang pagdiriwang ng Climate Action Weekend at World Wildlife Day. Naka-focus ang Sining Luntian sa importansya ng wildlife at mga halaman sa buhay sa mundong ito. At kung paanong ang pagkawala ng habitat o tirahan para sa mga ito ay nakaaapekto sa kanilang survival.

Tampok sa event ang exhibit at green bazaar. Mayroon ding art exhibit, musical performances, environmental discussions at marami pang iba.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Gaganapin ang naturang event sa March 2 hanggang March 3 sa Robinsons Malls, Las Pinas.

Maaaring mag-rehistro sa link na ito para makasali sa nasabing event.

March 2024 events Philippines: Wanderland Music & Arts Festival

Music and arts festival naman ang tampok sa Wanderland. Dalawang araw ito na puno ng sining at musika. Gaganapin ang event na ito sa March 9 at 10, 2024 sa Filinvest City Events Grounds, Alabang, Muntinlupa City.

Napakaraming magagaling na artists at musicians ang matutunghayan sa Wanderland Music & Arts Festival.

Para sa ticket maaaring bisitahin ang website ng Wanderland.

Larawan mula sa Facebook ng Wanderland Music and Arts Festival

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

[K]M-21: TU[D]LA

Sa pagdiriwang ng ika-21 anibersaryo ng KM64, mga artista ng bayan, inihahandog ng mga ito ang isang event na tiyak na magugustuhan ng inyong pamilya. Lalo na kung isa sa interes ninyo ay ang sining sa pagsulat ng tula, prosa, at musika. Magugustuhan niyo rin ang event na ito kung interesado kayo sa mga usaping may kaugnayan sa ating lipunan at bayan.

Ang mga makata at manunulat ng KM64 ay mula sa iba’t ibang larangan at sektor. Nariyan ang mga OFW, estudyante, magsasaka, guro, manggagawa, ina, ama, at anak ng bayan.

Kaya kung nais mo ring maging mulat sa mga isyung panlipunan ang iyong mga anak, maaaring pumunta sa anniversary event ng KM64. Libre lamang ito para sa lahat.

Magaganap ang nasabing event sa March 16, 2024, sa Bistro 62, New Manila, Quezon City.

Para sa iba pang impormasyon maaaring makipag-ugnayan sa KM64.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Jobelle Macayan