Usap-usapan ngayon sa social media ang posts laban sa dating miyembro ng Eraserheads na si Marcus Adoro. Ito ay matapos ang Facebook post ng kanyang dating partner na si Barbara Ruaro na nagsasabing binugbog siya nito. Sinundan pa ito ng mga reaksyon ng kanyang anak sa naturang post at ng sariling Facebook post ng kanyang anak.
Si Marcus Adoro ay ang ang gitarista ng iconig na banda nuong 1990’s na Eraserheads. Matapos maghiwalay ng banda nuong 2002, lumipat siya sa La Union at nawala sa spotlight hanggang 2005. Kanyang binuo ang bandang Markus Highway at siya rin ay tumutok sa paggawa ng mga documentaries tungkol sa surfing.
Barbara Ruaro
Si Barbara Ruaro ay aktres, isang mental health advocate at kinikilalang partner ni Adoro. Subalit, nagulat ang karamihan nang magpost ito nuong ika-6 ng Setyembre, Biyernes. Sa kanyang post, ipinakita ng aktres ang kanyang namamagang mata at sinasabing mananagot ang nang abuso sa kanya. Idinagdag niya dito na hindi siya mananahimik at hindi niya hahayaang magawa rin ito ng nang abuso sa iba pang babae.
Walang ibinigay na panggalan si Ruaro sa kanyang post ngunit, nang may magtanong kung si Adoro ba ang kanyang tinutukoy, kanyang ni-like ang komento.
Sa isa pang Facebook post, masmaraming mga larawan ng mga natamo mula sa nasabing pananakit ang ipinakita ni Ruaro, Makikita sa mga ito ang mga pasa, paso at sugat na natamo mula sa pambubugbog sa kanya. Ayon sa kanyang post, may mga nagsasabi sa kanyang hayaan nalang ito at mag-move on. Mayroon din ang mga ipinapasa ang sisi sa kanya dahil daw tumahimik siya at hinayaan ang mga nangyari. Ganunpaman, nangako si Ruaro na isusulong niya ang kaso at lalaban siya para dito.
Mula dito ay kanyang kwinento ang iba’t ibang paraan ng pangaabuso na kanyang natanggap mula sa kanyang partner. Kasama dito ang pagpaparamdam sa kanya na ang natatanggap na pangaabuso ay karapat-dapat niyang matanggap. Ayon sa kanya, siya ay pinaniwala ni Adoro na wala nang ibang magmamahal at iintindi sa kanya. Kapag naman magtangka siyang humiwalay sa relasyon, tinatakot siya ni Adoro na magpapakamatay daw kapag iniwan niya. Siya rin daw ay hindi pinapayagan na lumabas ng kwarto at pinipilit pang iwanan ang career para ibigay ang buong buhay sa kanya. Siya ay nalayo sa mga kaibigan at pamilya, at nakakakita lamang ng ibang tao kapag mayroon siyang trabaho.
Naglabas rin ng saloobin ang anak ni Marcus Adoro
Ito ang laman ng Facebook post ng anak ni Adoro na ibinahagi ang pang-aabusong ginawa sa kaniya ng kaniyang ama.
Ang 17-year-old na anak naman ni Adoro ay naglabas rin ng saloobin tungkol sa kaniyang ama sa social media. Siya ay kasalukuyang kilala dahil sa kanyang kantang “Ayaw” na tungkol sa paglaban sa sexual harassment at pangaabuso sa mga kababaihan. Ngayon ay mapapansin din na nili-like niya ang mga post ni Ruaro at nagkumento pa ng emoji ng pagdarasal at puso. Kanya ring ni-like ang kumento na nagtatanong kung si Adoro ang tinutukoy sa post ni Ruaro. Ngayon ay nagpost na rin siya ng statement na laban sa kanyang ama.
Ayon sa post niya, labing limang taon niyang hindi nakilala na kanyang ama si Adoro. Ngunit, matapos ang halos isang taon na madalas niya itong nakaka-usap, naintindihan niya na ang ginawang paglayo sa kanya ng kanyang ina mula sa ama. Hindi naging ligtas ang bata mula sa pangaabuso ng kanyang ama. Kanyang naranasan ang ilang ulit pananakit ng kanyang ama maging sa harap ng kanyang mga kaibigan. Binigyan niya ito ng pagkakataon na magbago dahil naniniwala siyang may puso ang kanyang ama. Subalit, kanya ring naintindihan na ang pagtitiis na kanyang dinadanas ay dahil lamang sa pagkasabik sa pagmamahal ng ama. Ito raw marahil ang dahilan kung bakit kahit pa ilang beses niyang sinubukan itong layuan ay madali siya nitong nakukuha.
Kasama sa post niya ang mga screenshot ng mga chat nila ni Adoro. Makikita sa mga ito kung paano siya kausapin ng kanyang ama. Kabilang din sa mga kasamang screenshot ang chat ng bata at Ruaro kung saan nakikipagbalikan si Adoro sa kanya.
Ayon kay Ruaro, nakapag-sampa na siya ng kaso laban kay Adoro. Siya ay haharap sa kasong paglabag sa RA 9262 o Anti-Violence Against Women and Children (VAWC) Act. Siya rin ay haharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act.
Source: Barbara Ruaro Facebook
Basahin: VIRAL: Misis na hawak ang kaniyang 2-buwang gulang na baby, sinaktan ng mister
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!