X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Tungkol sa Anak
    • Sanggol
    • Preschooler
    • Preteen at Teenager
    • Toddler Years
    • Bata
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

VIRAL: Misis na hawak ang kaniyang 2-buwang gulang na baby, sinaktan ng mister

3 min read
VIRAL: Misis na hawak ang kaniyang 2-buwang gulang na baby, sinaktan ng misterVIRAL: Misis na hawak ang kaniyang 2-buwang gulang na baby, sinaktan ng mister

Kung nakakaranas ng pang-aabuso, narito ang mga ahensya at himpilan na maari mong tawagan.

Binubugbog ng asawa, ito ang laman ng mga balita ngayon tungkol sa isang radio reporter sa Vietnam.

Pambubogbog sa babaeng reporter kitang-kita sa isang video. At ang mas kinagalit ng mga concerned citizens, mister ng biktima hindi nagpaawat sa pambubugbog sa asawa niya kahit hawak nito ang sanggol nila.

binubugbog ng asawa

Image from Mothership

Binubugbog ng asawa

Ang kuha ng CCTV mula sa loob ng kanilang bahay ang ebidensya kung paano saktan ng isang martial arts teacher na kinilalang si Nguyen Xuan Vinh, 32-anyos ang kaniyang asawa na si Vu Thi Thu Ly, 27-anyos.

Sa video ay makikita na nagtatalo ang mag-asawa. Saka ito susundan ng mga sapok at sipa ng mister sa kaniyang misis. Hindi nga tumitigil ang mister kahit may namagitan na sa kanila. Kahit na natutumba na rin ang asawa na karga-karga pa ang 2-months-old baby nila.

Ang viral CCTV video ay inupload daw mismo ng biktima nitong August 27, 2019 sa Youtube. At ang paliwanag niya na pinagsimulan ng pagtatalo nila ay ang paglilipat niya lang daw umano ng TV set sa ibang kwarto.

Bagamat ang actual video ay isang malakas na ebidensya na, hanggang sa ngayon ay hindi pa naaresto ang abusadong mister.

Habang ang misis naman na binubugbog ng asawa niya ay tumatanggap ng treatment sa ospital.

Narito ang buong video ng pambubugbog:

Violence against women

Ayon sa World Health Organization o WHO, isa sa kada tatlong kababaihan o 35% ng kababaihan sa buong mundo ang nakakaranas ng pang-aabuso. Ito ay maaring pisikal o sekswal na pang-aabuso mula sa kanilang sexual partner o non-sexual partner.

Dagdag pa ng WHO, karamihan sa mga kasong naitala ng pang-aabuso sa mga kababaihan ay ginawa mismo ng kanilang intimate partner. At ito ay tinatayang nangyayari sa 30% ng mga kababaihang nasa isang relasyon.

Mga ahensiyang tumutulong sa mga babaeng inaabuso sa Pilipinas

Dito sa Pilipinas, ay isa ang domestic violence sa mga nakakabahalang isyu na kinakaharap ng mga kababaihan. Ngunit, ang sinumang nakakaranas nito ay hindi dapat matakot. Bagkus ay dapat maging matapang na ipaglaban ang kanilang karapatan sa tulong ng mga ahensyang sumusuporta at may mga adbokasiya na proteksyonan ang karapatan nila.

Ito ay ang sumusunod:

1. Department of Social Welfare and Development (DSWD)

Batasan Pambansa Complex, Quezon City

Tel. No.: (02)931-8101 to 07

2. DSWD – NCR Ugnayan Pag-asa Crisis Intervention Center

Legarda, Manila

Tel. No.: (02) 734-8639/ 734-8654/ 734-8626 to 27

3. Philippine National Police (PNP)

Camp Crame, Quezon City

Tel. No.: 723-0401 to 20

4. PNP-Women and Children Protection Center (WCPC)

Camp Crame, Quezon City

Tel. No.: 410-3213

5. NBI-Violence Against Women and Children Desk (VAWCD)

Taft Avenue, Manila

Tel. No.: 523-8231 to 38 / 525-6028

 

Partner Stories
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids

Sources: AsiaOne, Mothership, WHO, PCW

Basahin: Dapat bang magsama pa rin ang miserableng mag-asawa para lang sa mga anak?

 

 

 

 

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • VIRAL: Misis na hawak ang kaniyang 2-buwang gulang na baby, sinaktan ng mister
Share:
  • REAL STORIES: "Nahuli ko ang mister ko na may kinakausap sa Tinder dating app"

    REAL STORIES: "Nahuli ko ang mister ko na may kinakausap sa Tinder dating app"

  • Ama paulit-ulit na minolestya ang 9-anyos na anak habang nasa ibang bansa ang asawa

    Ama paulit-ulit na minolestya ang 9-anyos na anak habang nasa ibang bansa ang asawa

  • Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

    Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

  • Jamie Evangelista-Geisler kay Baron Geisler: “No one wants you here!”

    Jamie Evangelista-Geisler kay Baron Geisler: “No one wants you here!”

app info
get app banner
  • REAL STORIES: "Nahuli ko ang mister ko na may kinakausap sa Tinder dating app"

    REAL STORIES: "Nahuli ko ang mister ko na may kinakausap sa Tinder dating app"

  • Ama paulit-ulit na minolestya ang 9-anyos na anak habang nasa ibang bansa ang asawa

    Ama paulit-ulit na minolestya ang 9-anyos na anak habang nasa ibang bansa ang asawa

  • Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

    Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

  • Jamie Evangelista-Geisler kay Baron Geisler: “No one wants you here!”

    Jamie Evangelista-Geisler kay Baron Geisler: “No one wants you here!”

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2022. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.