Ibinahagi nga ng It’s Showtime host turned vlogger momma na si Mariel Padilla ang kaniyang labor at delivery sa kaniyang baby surprise number two na si baby Maria Gabriela.
Labor at delivery vlog
Sambit nga ng celebrity mom na si Mariel Padilla sa kaniyang deskripsyon sa vlog, “A lot of you are waiting for this vlog and now finally here it is.”
Aniya pa, “I knew it wasn’t going to be easy that Robin and I weren’t going to be together when I deliver Gabriela but we decided to make some sacrifices for our kids.”
“During labor all I can think of is Isabella and Robin, all moms out there understand why. I am now sharing it with you guys because I want you to see the beauty above all the pain of giving birth,” dagdag pa niya.
“We are the happiest baby Gabriela. Thank you for being such a good girl,” pasasalamat rin nito kay Maria Gabriel.
“You all have been with me since the gender reveal then the baby shower and you’ve witnessed all my struggles with my pregnancy but now I am so excited to welcome another beautiful blessing to pamilya Padilla,” mensahe pa nito sa mga sumusubabay ng kaniyang kuwento.
Pasasalamat nito, “Thank you everyone for the support and love that my family receives, to my dad who was really there throughout the whole thing and to Robin Thank you so much!!!”
Always be prepared
Sa vlog nga ni Mariel Padilla number one tip nito ay “always be prepared” lalo na nga kung nalalapit na ang paglabas ng iyong sanggol.
Ipinakita rin dito ang pag-prepare niya bago lumabas si Maria Gabriela.
Isang napaka-sweet na ibinahagi nito ay ang pagtulong ng kaniyang panganay na si Maria Isabella sa pagmasahe sa kaniya lalo na kapag nararamdaman nito ang pamamaga ng kaniyang katawan.
Kasama rin ni Mariel ang anak na si Isabella kapag naglalakad ito sa labas upang maihanda ang sarili sa paglabas ni Gabriela.
Labor
Ika-15 nga ng Nobyembre, alas-siyete ng umaga nagre-ready na ang celebrity mom na si Mariel Padilla upang ma-induced di-umano ng 7:30am.
Ang labor induction nga na gagawin kay Mariel ay ang stimulation ng uterine contractions sa nagbubuntis bago magumpisa ang labor at para maisagawa ang natural vaginal birth kung tawagin.
Iminungkahi di-umano ng perinatologist na ma-deliver niya ang kaniyang anak sa 39 weeks at 6 days niya at noong araw nga na iyon ay ika-39 wees at 5 days niya kung kaya’t papunta na ito ng ospital.
Mga around 8am, pinahiga na si Mariel at inilagay na ang machine kung saan malalaman kung nagco-contract na ito.
Nang 9:31am na sinambit nga nito na nagsisimula na nga niyang maramdaman na nagco-contract na siya.
1:10pm nagdesisyon na siya na kunin na ang pain killers sapagkat mas lalo na raw sumasakit ang kaniyang contractions at mas malapit na raw ang pagitan ng mga ito.
Delivery
Matapos nga ang anim na oras na labor ni Mariel Padilla, ready na ngang lumabas sa wakas si baby Maria Gabriela.
Naka-ilang rounds ng pushes nga ang It’s Showtime host at nailabas na rin niya si Gabriela sa pang-round 7 niyang push.
Ika-3:25pm ng hapon ng Nobyembre 15, Biyernes, sa Room 9 ng Bayhealth, isinilang ni Mariel ang pangalawang anak nila ni Robin Padilla na si Maria Gabriela na may bigat na 7 lbs.
Panoorin ng buo ang vlog ni Mariel dito.
Source: Mariel Padilla
BASAHIN: Mariel Padilla, sinagot ang netizen na nagsabi na nakakalungkot na babae ulit ang kaniyang ipinagbubuntis
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!