TAP top app download banner
theAsianparent
theAsianparent
EnglishFilipino
Product Guide
  • Money Tips
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
  • Anak
  • Pagpapalaki ng anak
  • Kalusugan
  • Edukasyon
  • Lifestyle
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Community
Login
  • EnglishFilipino
    • Articles
  • Money TipsMoney Tips
  • Building a BakuNationBuilding a BakuNation
  • Para Sa MagulangPara Sa Magulang
  • AnakAnak
  • Pagpapalaki ng anakPagpapalaki ng anak
  • KalusuganKalusugan
  • EdukasyonEdukasyon
  • LifestyleLifestyle
  • VIP CommunityVIP Community
  • Pandemya ng COVID-19Pandemya ng COVID-19
  • Press ReleasesPress Releases
  • TAP PicksTAP Picks
  • ShoppingShopping
  • CommunityCommunity
    • Community
  • Poll
  • Photos
  • Food
  • Recipes
  • Topics
  • Magbasa Ng Articles
    • Tracker
  • Pregnancy Tracker
  • Baby Tracker
    • Rewards
  • RewardsRewards
  • Contests
  • VIP ParentsVIP Parents
    • More
  • Feedback

Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML

I-download ang aming free app

google play store
app store

Mariel Padilla, sinagot ang netizen na nagsabi na nakakalungkot na babae ulit ang kaniyang ipinagbubuntis

4 min read
Mariel Padilla, sinagot ang netizen na nagsabi na nakakalungkot na babae ulit ang kaniyang ipinagbubuntis

Dapat bang maging isyu ang gender ng isang baby? Narito ang ilang komento ng mga mommy netizen.

Mariel Padilla hindi napigilang sagutin ang isang netizen na nag-komento tungkol sa gender ng 2nd baby niya.

Update sa pagbubuntis ni Mariel Padilla

 
 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
    39 weeks!!!! At 9pm i share with you guys how I am preparing for Gabriela’s arrival. It will be up on my Youtube channel!!! Yay!! ???????????? btw, I don’t look like this anymore hahahaha

A post shared by mariel padilla (@marieltpadilla) on Nov 9, 2019 at 10:48pm PST

Sa pamamagitan ng isang Instagram post ay nagbigay ng update si Mariel Padilla sa kaniyang pagbubuntis. Dahil siya ay 39 weeks pregnant na anytime soon ay ipapanganak niya na ang pangalawang anak nila ng aktor na si Robin Padilla. Ang napili nga nilang pangalan sa kanilang 2nd baby girl ay Gabriela.

Ngunit, tila may isang netizen ang hindi happy na isang girl ulit ang pangalawang baby ni Mariel. Ito ay dahil sa komento nito sa Instagram post ng TV host.

Sabi ng netizen: “Ay girl ulit sad naman”

Hindi naman ito pinalampas ni Mariel at deretsahang sinagot ang komento ng netizen.

Mariel Padilla: “How the hell could another sweet baby girl be sad?”

Agad namang nagpaliwanag ang netizen na mali ang iniisip ni Mariel at kailangan lang nitong kumalma.

Netizen: “It’s not what you think. Yeah, it’s angel, it’s a blessing. I thought it’s a boy. Calm down, Mariel, I’m a fan of your husband.”

Pero mukhang na-offend talaga si Mariel sa komento ng netizen at patuloy na itinatanong kung bakit sinabi nitong “sad” na girl ulit ang magiging baby niya.

Mariel Padilla: “So how is it sad?”

Sa puntong ito ay minabuti nalang ng netizen na hindi na mag-komento pa at sinabi nalang na “nevermind” o huwag nalang pansinin ang komento niya.

mariel padilla

Image screenshot from Mariel Padilla’s Instagram account

Reaksyon ng mga netizen

Ngunit, hindi lang pala si Mariel ang na-offend sa nasabing komento ng netizen. Dahil pati ang mga followers ni Mariel ay nagpahayag din ng kanilang saloobin na hindi dapat nagiging isyu ang gender ng isang baby.

mariel padilla

mariel padilla

Image screenshot from Mariel Padilla’s Instagram account

Hindi naman na pinalaki at nagpaapekto si Mariel sa isyu. At sa halip ay masayang inaantay ang pagdating ng kaniyang baby girl #2 habang isineselebrate ang 3rd birthday ng panganay niyang si Isabella.

Panganganak sa Amerika

Nito lamang Oktubre ay naging usap-usapan din sa social media ang pagbubuntis ni Mariel matapos siyang tawagin ng isang netizen na “birther.” Ito ay dahil sa pangalawang beses ay pinili nitong ipanganak ang pangalawang niyang baby sa US. Habang kini-claim daw ng kaniyang asawang si Robin Padilla na isa itong nationalistic.

Pinagtanggol naman ng aktor na si Robin Padilla ang asawa at sinabing si Mariel ay isang US citizen at may karapatan itong mamili kung saan niya gustong manganak.

“Wala kayong pakialam sa asawa ko dahil Amerikana siya at karapatan at kalayaan niya ang magpakasarap sa amerika at karapatan at kalayaan ko magpakamatay dito sa Pilipinas.”

Hindi daw ito maituturing na pagtataksil lalo na tulad niyang may dugong native American at bayaning Pilipino bilang siya ay apo ni Gabriela Silang ng Abra at Kapitan Pablo ng Nueva Ecija.

“Ang pagiging Filipino american ay hindi pagtataksil sa Inangbayan. Lalo na ang asawa ko ay US citizen at ako naman ay may lahing native American. Mas amerikano pa kami sa inyong pa inglis inglis at nakatira dyan sa estados unidos at mas pilipino pa kami sa kanino man dahil sa lola ko pa lang na si grabriela silang ng abra at sa lolo ko na kapitan pablo ng nueva ecija ay lumalangangoy na kami sa pag-ibig sa bayan na ito.”

Ngunit ano pa man ang isyung ipukol kay Mariel at Robin, hindi sila lubos na nagpapa-apekto dito. Bagkus, panay nga ang update ni Mariel sa kaniyang Youtube account tungkol sa kaniyang masayang paghahanda sa pagdating ni Baby Gabriela.

Panoorin ang video niya dito:

Source: ABS-CBN News
Photo: Nice Print Photography

Basahin:
Baking soda gender test sa mga buntis, accurate nga ba ang resulta?
3 paraan para makabuo ng baby girl o ng baby boy

Partner Stories
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Mariel Padilla, sinagot ang netizen na nagsabi na nakakalungkot na babae ulit ang kaniyang ipinagbubuntis
Share:
  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

Feed

Feed

Makatanggap ng tailored articles about parenting, lifestyle, expert opinions right at your fingertips

Poll

Poll

Sumali sa mga interesting polls at tingnan kung ano ang iniisip ng ibang mga magulang!

Photos

Photos

I-share ang mga photo ng 'yong loved ones in a safe, secure manner.

Topics

Topics

Sumali sa communities para maka-bonding ang mga kapwa moms and dads.

Tracker

Tracker

I-track ang 'yong pregnancy at pati na rin ang development ni baby sa araw-araw!

theAsianparent

I-download ang aming free app

Google PlayApp Store

Moms around the world

Singapore flag
Singapore
Thailand flag
Thailand
Indonesia flag
Indonesia
Philippines flag
Philippines
Malaysia flag
Malaysia
Vietnam flag
Vietnam

Partner Brands

Rumah123VIP ParentsMama's ChoiceTAP Awards

© Copyright theAsianparent 2026 . All rights reserved

  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use
  • Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko