Mariel Padilla baby #2 na si Gabriela, mababa na daw at nag-reready na for delivery. Ito ang pinakalatest update ni Mariel Padilla tungkol sa kaniyang pagbubuntis sa pangalawang anak nila ng aktor na si Robin Padilla.
Mariel Padilla baby #2
Nasa US ngayon ang aktres na si Mariel Padilla kasama ang panganay niyang si Isabella para doon manganak sa pangalawang anak nila ng asawang si Robin Padilla. Matatandaang sa US niya rin ipinanganak ang panganay niyang si Isabella noong 2016. Tulad ng panganganak kay Isabella ay wala ulit sa tabi ni Mariel ang asawang si Robin Padilla.
Ayon sa mga report ay nahirapan umanong kumuha ng travel visa si Robin Padilla dahil sa pagkakakulong sa kasong illegal possession of firearms noong 1994.
Kaya naman sa kaniyang Instagram post ng pamamaalam sa asawa sa kanilang pag-alis pa-US ni Isabella ay hindi napigilang malungkot ng mga netizen na mag-isa na naman siyang manganganak doon.
Habang may ibang netizen naman ang nagtatanong kung bakit sa US ulit siya manganganak.
Reaksyon ng mga netizen
Nagbigay naman ng kuro-kuro ang iba pang netizen kaugnay sa katanungang ito na may patutsada sa aktor na si Robin Padilla.
Habang may isang netizen naman ang tinawag na hypocrisy ang ginawa ng mag-asawa dahil napaka-vocal daw ni Robin sa pagiging patriotic niya.
May isang netizen pa ang itinag ang IG account ni Donald Trump at tinawag na birther si Mariel Padilla. Sa ngayon ang komentong ito ay burado na.
Sagot ni Robin Padilla
Dito na hindi napigilang magsalita ni Robin Padilla na pinatanggol ang sarili at kaniyang asawa.
Ayon sa kaniya ay karapatan at kalayaan naman daw ito ng asawa dahil US citizen siya.
“Wala kayong pakialam sa asawa ko dahil Amerikana siya at karapatan at kalayaan niya ang magpakasarap sa amerika at karapatan at kalayaan ko magpakamatay dito sa Pilipinas.”
Hindi daw ito maituturing na pagtataksil lalo na tulad niyang may dugong native American at bayaning Pilipino bilang siya ay apo ni Gabriela Silang ng Abra at Kapitan Pablo ng Nueva Ecija.
“Ang pagiging Filipino american ay hindi pagtataksil sa Inangbayan. Lalo na ang asawa ko ay US citizen at ako naman ay may lahing native American. Mas amerikano pa kami sa inyong pa inglis inglis at nakatira dyan sa estados unidos at mas pilipino pa kami sa kanino man dahil sa lola ko pa lang na si grabriela silang ng abra at sa lolo ko na kapitan pablo ng nueva ecija ay lumalangangoy na kami sa pag-ibig sa bayan na ito.”
Payo ni Robin sa mga netizen
Hindi rin nito napigilang ipakita ang pagkairita sa mga komento ng netizen na binigyan niya pa ng payo.
“Ang babata pa ng mga opinyon niyo at puro na puna at paghusga.”
“Wala kayong mga magawang tama subukan nyo magligpit ng kama ninyo at ipaghanda niyo ng almusal mga magulang niyo. If you can’t say or do something to to others at least do something good for yourself.”
Ang mga pahayag na ito ay burado sa Instagram account ni Mariel Padilla.
Samantala bago pa man lumipad si Mariel pa-US ay sinagot niya na ang katanungan kung bakit sa US niya gustong ipanganak ang pangalawang anak na si Gabriela. Sa isang panayam sa The Philippine Star ay ito ang naging sagot niya.
“I want to be able to give my baby the same attention I gave Isabella when I gave birth to her… No one will bother us, no one will visit us. You know what I mean? So I want to be able to give her that.”
Si Mariel ay nakatakdang manganak ngayong Oktubre.
mariel padilla baby
Source: Inquirer Entertainment, The Philippine Star,
Basahin: Mariel Padilla, nagpahayag ng reaksyon sa viral photo ni Robin Padilla na may kasamang mga babae
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!