Sa pamamagitan ng isang Instagram post, inanunsyo ng GMA7 kapuso actress na si Marian Rivera na buntis siya sa kanilang pangalawang anak ng kaniyang asawa na si Dingdong Dantes.
“My heart overflows with gratitude and humility. Dong and I, with our Zia, have been gifted with the miracle of life! ❤️Looking forward to meeting our ‘little one’ soon.”
Sa hiwalay na post sa Instagram, sinagot naman ni Dingdong ang matagal ng katanungan kung siya ba ay tatakbo sa darating na eleksiyon. Isa kasi siya sa mga napupusuang patakbuhin bilang senador.
Sa kaniyang pahayag sa social media, sinabi niyang humingi siya ng sagot sa Diyos ukol dito. Nang malaman niyang nagdadalang tao ang kaniyang misis, tila nasagot daw ang kaniyang katanungan. Napagdesisyunan niyang unahin muna ang kaniyang pamilya at alagaan ang kaniyang may-bahay sa panahong ito.
Narito ang kabuuan na post ni Dingdong:
Marami ang nagtatanong kung tatakbo ako sa darating na eleksyon, at marami rin ang humihingi ng pormal na sagot.
Ang pagkakataong maglingkod bilang Commissioner-at-Large ng National Youth Commission, at tumulong sa pamamagitan ng YesPinoy Foundation at ng YesPH Community Development, ang ilan sa mga naging inspirasyon ko upang patuloy na magsilbi sa bayan. Pero naniniwala ako na ang pagiging “public servant” ay isang mabigat na responsibilidad na dapat pinag-aaralan, pinaghahandaan at, higit sa lahat, ipinagdarasal.
Kung gagawa ako ng malaking hakbang para sa darating na halalan, hindi lamang isang simpleng decision-making ang dapat kong pagdaanan. I should be able to discern His Will and seek guidance.
And in the process of my discernment, I received His response in the most surprising and beautiful way. With overflowing joy, Marian and I, are happy to share with everyone that we have been blessed with another child! Natupad na rin ang matagal ng dasal naming mag-asawa, lalung- lalo na ni Zia.
At sa kabila ng buong suportang ibibigay sa akin ni Marian, ng buong pamilya, at mga kaibigan sa anumang magiging desisyon ko sa pagsabak sa pulitika, malinaw sa akin na sa panahong ito ay kailangan kong maging buo para sa aking pamilya.
My discernment revealed what is truly important in my life— panahon ito para suportahan ang pagdadalang-tao ng aking asawa.
Life has presented me with two good aspirations, and I can always rationalize to weigh the pros and cons. But I know that, at this point, I am being redirected to my reason of creation— my family. My humble service to the public will continue and it could take a different form or level in the future; but first, I have to ensure that my home is protected and secured before I can take care of others.
Sa aking pamilya at mga kaibigan, thank you for always trusting my judgement and direction. Sa lahat ng nagmamahal sa amin nina Marian at Zia, na umaasang lumaki ang aming pamilya, thank you for your prayers.
Sa lahat nang humihikayat sa aking lumaban sa darating na eleksyon, salamat sa inyong tiwala at suporta. Ngayon, habang nag-aaral, naghahanda, at naglilingkod ako bilang isang volunteer at private citizen, umaasa akong patuloy pa rin ang ating pagtutulungan para sa ikabubuti ng ating bayan, sa anumang paraan— maliit man o malaki, may posisyon man o wala. Nawa’y ang bawat kabataang kabahagi ng aming mga adbokasiya ay patuloy ding mangarap at maglingkod sa kanilang mga pamilya, paaralan at komunidad.
And to all my fellow Filipinos, I am with you in believing that in times of uncertainty, God’s unfailing love will always reign supreme. Thank you and I humbly request for your continued prayers of protection and good health for my family, especially on Marian’s second pregnancy.
#YesAnotherDantes
#BigSisZia
#4DnaKami
#YesSheIsBuntis
#Number2
May isang anak si Marian at Dingdong, si Zia Dantes na magce-celebrate ng kaniyang 3rd birthday ngayong darating na Nobyembre.
Congratulations, Dong at Yan!
Basahin: Marian Rivera, nanganak na!
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!