Marian Rivera sa pagbawal ng gadget habang kumakain: “Ini-explain namin na pinapahalagahan ang food.”

Ayon kay Marian, it’s a big no no na gumamit ng gadget ang bata habang kumakain at tayong mga magulang ay dapat na maging good example sa kanila.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Marian Rivera kids na sina Zia at Ziggy, sigurado raw na nakakakain ng maayos at masustansya. Paano ito nagagawa ni Marian? Narito ang ilang tips na ibinahagi niya.

Mababasa sa artikulong ito: 

  • Marian Rivera shares tips on how to raise her kids Zia and Ziggy.
  • Mga rules ni Marian sa mga anak para masigurong nakakakain sila ng tama at masustansya.

Marian Rivera shares tips on how to raise her kids Zia and Ziggy

Image from Marian Rivera’s Facebook account

Lahat tayong mga magulang ay ninanais na lumaking malusog ang ating mga anak. Kaya naman ay ginagawa natin ang lahat masiguro lang na nakakakain sila ng tama at masusustansya.

Para sa aktres at mom of two na si Marian Rivera ay hindi ito naging mahirap. Dahil ang una niyang ginawa ay ang maging mabuting halimbawa sa kaniyang mga anak. Kung alam niyang hindi makakabuti sa health ng mga ito ay hindi niya kinakain o hinahanda para sa kanila.

Sabi ni Marian, siya mismo ay hindi mahilig sa mga snacks at softdrinks kaya naman hindi talaga nasanay ang mga anak niya sa pagkain ng mga ito.

Pero siyempre once in a while, lalo na kapag sila ay nasa labas o nasa ibang bahay hindi maiiwasan na mayroong softdrinks at junk foods.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kaya naman magkaka-access ang mga anak mula rito na tinatanong naman nila kung puwede ba nilang kainin o hindi. Hinahayaan naman sila ni Marian lalo pa’t alam niyang minsan lang naman ito o hindi araw-araw.

“Minsan kapag pupunta sila Mama o pupunta kami sa bahay nila Dong hindi na puwedeng wala silang ganun. So Zia nakakaganun siya once in a while.”

“Minsan si Zia sabi niya ‘Mama, can I have this? Can I eat this one?’. Sabi ko anak sure, go ahead. Ok lang sa akin kumain sila ng ganun, hindi naman araw-araw.

So hindi naman masama na tikman niya. Kasi baka the more na pagbawalan mo siya, the more na hindi niya matikman baka lalo niyang hanapin. Puwede naman huwag lang sobra.”

Ito ang sabi ni Marian sa isang panayam.

Marian, ito ang ginagawa kapag nagiging mapili sa pagkain ang anak

Image from Marian Rivera’s Facebook account

Pagdating naman sa pagiging mapili sa pagkain, may rule daw na ginagawa sina Marian at mister na si Dingdong Dantes sa anak na si Zia.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ito ay hindi pagpipilit sa pagkaing ayaw ng anak habang sinisiguro na alam niya ang consequences ng kaniyang ginagawa. Dahil sa pagitan ni Zia at Ziggy ay mas picky daw si Zia kung minsan sa pagkain.

“Kapag si Zia, may mga times na umaarte-arte. Ang sabi naman ni Dong, kung anong nakalagay na pagkain yun ang kakainin mo.

Ngayon, kung ayaw mo then don’t eat. So sabi ko, ‘Dad, paano kung hindi siya kumain?’. ‘Edi hayaan mo siya, magugutom din yan, kakain din ‘yan. ‘Kailangan nila ma-realize na kahit ano pa ‘yan you have to be thankful kasi may pagkain ka.”

Ito ang payo pa ni Marian sa maayos na pagpapakain sa mga bata.

Kapag may sakit ang anak at ayaw kumain ito naman daw ang strategy na ginagawa ni Marian sa mga anak niya. Hindi niya rito pinipilit kapag masama ang pakiramdam.

Pero sinisiguro niya na sa oras na maayos na ang pakiramdam nito ay kakausapin niya ang anak upang makabawi sa mga nutrients na na-missed niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Kapag may sakit o walang gana kumain huwag ng papatulan. Kumbaga, go with the flow ka nalang like ‘Ok anak, anong gusto mo?’

At least alam niya na concern naman si Mama kahit hindi ako kumakain. Pero kapag nakita mo na ok na ‘O anak, bawi ka na, Hindi ka nakakain, ‘di ba nung isang araw ganito so you have to eat this one.’ Alam mo ‘yon may compromise kayong dalawa, hindi kayo nag-aaway.”

Kailangan ma-diplomasya sa pagpapakain ng anak, ito ang isa pang tip sa maayos na pagpapakain sa bata ayon kay Marian.

BASAHIN:

LOOK: Ano kaya magiging itsura ni Zia in 10 years? Marian Rivera namangha sa pagka-drawing sa panganay

LOOK: Dingdong Dantes proud na proud sa pagiging judge ni Marian Rivera sa Miss Universe

Marian Rivera wala umanong pinagbabawal na pagkain sa anak na si Zia

It’s a big no no para kay Marian ang paggamit ng gadget habang kumakain

Image from Marian Rivera’s Facebook account

Pagdating naman sa paggamit ng gadget o panonood ng TV habang kumakain, ayon kay Marian it’s a big no no. Kung paano niya nagagawang, kumbinsihin ang anak na huwag itong itigil ay ito ang ginagawa niya.

“Ngayon nagkaka-age na siya sinasabi namin, ‘Zia, huwag muna manonood kapag kumakain, sabihin niya talaga why?’ Ini-explain namin na kapag ang food, pinapahalagahan ang food.

Hindi lahat nakakakain ng ganyan o hindi lahat nakakakain ng 3 times a day. So we are very lucky to eat. You know what when you are eating para kang nag-prepray.

Kasi you are giving thanks to Papa God kasi kumakain ka. How can you say thank you, if you are watching and just ignoring the food? You have to be thankful.”

Ganito raw kung paano paliwanagan ni Marian ang anak na si Zia.

Kung ipipilit naman umano ng anak na gumamit ng gadgets, ang ginagawang strategy ni Marian ay ang i-divert ang attention nito na effective naman daw sa anak niyang si Zia.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“May mga times naman na makikiusap na, Mama please, please just five minutes. Kung puwede kong ilihis nalang like what happen kanina sa school mo?

So nauuto ko siya so nakikipagdaldalan siya sa akin instead of watching. At hindi niya napapansin na tapos na kami kumain habang kuwento siya ng kuwento.”

Ito ang natatawang pagbabahagi ni Marian sa kung paano niya napapakain ng maayos ang mga anak niya.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement