Maricar Reyes ito ang sagot sa mga nanghihinayang at hindi niya nagagamit ang pagiging doktor niya.
Mababasa dito ang mga sumsunod:
- Maricar Reyes sa mga nagsasabing sayang at hindi niya pinapraktis ang pagiging doktor niya.
- Reaksyon ng mga netizens.
Maricar Reyes sa mga nagsasabing sayang at hindi niya nagagamit ang pagiging doktor niya
Kilala si Maricar Reyes bilang misis ng singer na si Richard Poon. Isa rin siyang magaling na aktres at modelo. Pero maliban dito, si Maricar ay isa ring licensed doctor of medicine bagamat ito ang pinili niyang tutukan at gawin.
Sa isa sa kaniyang Instagram post ay ibinahagi ni Maricar ang saloobin niya sa mga nagsasabing sayang at hindi siya nagpapractice ng Medicine. Sabi ni Maricar, nagagamit niya pa naman daw ang pinag-aralan niya. Tulad nalang nitong nakaraan kung saan isa sa mga kasama niya sa team ay nagkasakit at siya ang tumingin dito. Pero iba daw ang calling ni Maricar at hindi siya nagsisisi na ito ang pinili niya.
View this post on Instagram
“Your college course will not define your career 😉
“Nag aral ka ng medicine, pero di ka nag pa-practice. HINDI BA SAYANG?”
Nope. 😉
Just this morning I checked on & managed my team member who was not feeling well for the last few days. So, no, not sayang. 😉”
Ito ang pahayag ni Maricar sa isang IG post na may pahabol pang paalala na ito.
“Don’t let your degree limit what you can do with your life. 😉”
Sa ngayon si Maricar ay may sariling food business na nagngangalang “Maricar’s Chocolate Cakes”. Siya rin ay isang book author na kung saan ang isinulat niyang libro ay nakatulong sa mga dumadanas ng depression.
Larawan mula sa Facebook account ni Maricar Reyes
Reaksyon ng mga netizens
Ang mga mommy netizens nakarelate sa post ni Maricar. Ito ang ilan sa reaksyon nila.
“Love this. 🙌 Nurse din ako pero hnd na ako nagpapractice,ginagamit ko na lang pagkanurse ko sa mga anak at asawa ko. Pero para saken hnd sayang na ginive up ko sya kasi mas mahalaga na may time at maalagaan ko ang kids ko.”
“AB Com Arts. When I got married and bear children, my husband and I always argue about pursuing my career. He wants me to stay at home because my 1st 2 kids always meet accident with their yaya at laging nag kaka sakit. (Male dominance). So naging full housewife and mother na B lang ako. Tutuk sa mga bata, prepare their baon, nurturing, etc…They became good in school, from Pre school to college, they landed good job, now on their way to more successful living.”
Larawan mula sa Facebook account ni Maricar Reyes
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!