Ang topic ng latest blog ni Maricar Reyes at ng asawang si Richard Poon: “Do you want complete honesty of your partner’s past? To know everything about her kahit tapos na.”
Dagdag ng aktres na nanggaling ang katanungan galing sa isang lalaki na nagkaroon ng affair. “The wife never found out about the affair. Hindi na niya sinabi sa asawa niya. If you were the wife, would you want to know about the affair kahit tapos na?”
Ikinumpara ni Richard ang sitwasyon sa pagbili ng kotse. Kapag binebentahan ka raw ng kotse, kadalasan na puro magaganda lang daw ang sasabihin sa ‘yo. Ngunit matapos mo na mabili at paglipas ng panahon, bigla mong malalaman na may sira pala ang sasakyan.
“Noong binili ko mayro’n na (palang sira) pero hindi sinabi sa akin. Usually sumasama ‘yong loob ko. Sana sinabi mo (nung) start pa lang,” aniya.
“Same thing with the relationship. Ang usual na reaction is, ‘Bakit hindi mo sinabi sa akin from the very start na may anak ka, may asawa ka pala, hindi ka pala annuled, may anak ka pala sa ibang babae pero hindi kayo kasal, galit pala sa akin ang ‘yong parents mo, blah, blah, blah.'”
“Even sa worse case na maghiwalay kayo, may good pa rin. Telling the truth to each other, malalaman mo na, ‘Ah, kaya niya ako.’ Di ba, kasi you want a long term relationship, e… Kasi kung kaunti pa lang ‘yong truths na nilabas mo, hindi niya kinayanan, paano pa kayo magsasama ng buong buhay ninyo na magkaka-anak pa kayo at marami pa kayong pagdadaanan together?”
Sang-ayon naman si Maricar ng pagsasabi ng totoo.
“Noong hindi pa kami dating ni Richard, I made some mistakes of my own sa past. Nagdadalawang-isip ako kung sasabihin ko sa kaniya o hindi. Tapos nung una, hindi ko sinasabi.”
Hindi na idinetalye kung ano ang pagkakamali niya pero inamin niyang mahirap itong aminin dahil kadalasan “it’s very difficult to tell bad things about yourself to your partner. Siyempre gusto mong magpa-impress, di ba?”
Ngunit napag-desisyunan niyang mas mabuti kung alam ni Richard ang lahat.
“Naisip ko, ‘Okey, bahala na…’ Kung ayaw na niya ako, after telling him all the things that I wanted to tell him, e di wag. E di tapos na. At least before anything got more complicated, nasabi ko na.”
Aniya, “Eventually, tumawag ako sa kaniya…. Pa-cute, pa-cute pa ako kasi nakakatakot, e… I told him lahat ng baho ko na nakakahiya.”
Naging advantage daw sa kanilang pagsasama ang paglathala ng mga nangyari sa kaniyang nakaraan.
“Gusto ko na nalaman niya kasi he can guard me. So guard dog siya. So minsan, ‘Ah, parang dumadalas na ‘yong white lies mo, ah. Dumadalas na ‘yong pagpapalusot mo, ah.’ So ‘yon, naga-guard niya ako and I appreciate that.”
Pag-amin ni Maricar na hindi siya ganito mag-isip nung bata siya. “Dati hindi ako mahilig sa truth.”
Aniya, “Sometimes when you’re younger, you’re more idealistic. Pag nakarinig ka ng mali, parang feeling mo end of the world na, e. Pero ngayon, having gone through some stuff, ako, I’ve realized the value of truth. Maganda kasi na alam ng partner mo ‘yong kabuuan mo. Since alam niya ‘yong bad niya, alam niya ‘yong bad ko—mahal ko siya ng buo. Walang kundisyon. Good or bad, I love you.”
Napag-diskusyunan ni Maricar at Richard sa kanilang blog ang mga sagot na nakalap nila sa kanilang followers at ang mga storya ng kanilang mga personal na kaibigan.
Ang kasalanan ng magulang, kasalanan ng anak
Naikuwento ni Richard na kadalasan ang mga pagkakamali ng mga naunang henerasyon ay nararamdamam o nakakaapekto pa rin sa mga anak. Minsan pa nga daw hanggang apat na henerasyon pababa naaapektuhan pa rin.
Mayroon daw siyang kaibigan na galing sa broken family. “Nine sila magkakapatid, lahat sila hiwalay. There’s something there. So minsan, wala tayong alam pero tinatamaan pa tayo ng pagkakamali ng mga ninuno natin, e.”
Ito raw ang rason ng kung bakit kailangan malaman ang past dahil nakaka-apekto ito sa present at sa future.
Wag mag-judge
May isa naman na nag-komento na kapag nasabi na ang nakaraan, hindi dapat ito gamitin para mag-judge kundi para pulutan ng aral.
Kailangan magkasundo kayo
May mga pangyayari na may isa sa relasyon na gusto malaman ang past pero ayaw naman ng kabilang party o di kaya may isa na gusto umamin pero ayaw malaman ng partner niya. Paalala ni Richard na dapat magkasundo kayo kung paano ninyo gusto i-handle ang sitwasyon dahil ito raw ang pinagsisimulan ng away.
Dagdag ni Maricar, “Kung may partner ka na hindi open, find a way to try to get them to open. Be non-threatening para makuha mo din ‘yong openness na gusto mo.”
Mas nakakatulog ng mahimbing kapag walang ‘tinatago
Agree naman si Richard sa isang komento na mas mahimbing ang tulog kapag completely honest ka sa partner mo. Dito rin daw nagsisimula ang pagdududa ng partner mo na may ginagawa ka sa likod niya.
Past relationships
Naikuwento naman ni Maricar ang isang kaibigan niya na babe na may manliligaw na nababalitang gay at nagkaroon ng relasyon sa lalaki.
“When she found this out, as much as she liked the guy, for her lang naman, deal breaker. Although marami siyang gay friends, for her in a relationship, nahihirapan siyang tanggapin ‘yon, although hindi niya nalaman straight from the guy. Iyon ‘yong hurt ng heart niya na sana sinabi and maybe that honestly would’ve helped her accept the past more. Pero hindi. Nalaman niya from other means.”
Paano kung sensitive masyado ‘yong partner mo
Pinunto ni Richard na kadalasan nagde-demand tayo ng katotohanan pero kapag sinabi na sa atin, hindi natin ito kayang tanggapin. Imbis na maging paraan para maging mas close at banayad ang relasyon, nagiging mitsa pa ito ng pag-aaway.
“Minsan ang problema ng mga couple, they want the truth, but they can’t handle the truth.”
Dapat same level ang closeness sa level ng relasyon
Agree naman ang mag-asawa na kailangan pantay ang closeness ng mag-partner sa level ng intimacy.
Basahin dito ang 5 lessons na matututunan kay Maricar sa pagiging mabuting asawa. Alamin din kung bakit aniya hindi dapat pag-taasan ng boses ang iyong mister.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!