Ibinahagi ni Maricar Reyes ang kaniyang nararamdaman sa hindi pa pagkakaroon nila ng baby ng mister na si Richard Poon.
Mababasa dito ang mga sumusunod:
- Maricar Reyes sa hindi pa pagkakaroon nila ng baby ni Richard Poon.
- Pagsasama ni Maricar Reyes at Richard Poon.
Maricar Reyes sa hindi pa pagkakaroon nila ng baby ni Richard Poon
Isa si Maricar Reyes sa mga babaeng artistang matagal nang ikinasal pero hindi pa binibiyayaan ng anak. Pero hindi tulad ng iba, si Maricar ay hindi nape-pressure at hindi ito pinoproblema. Sa vlog nga ng aktres na si Rica Peralejo ay mas ipinaliwanag ni Maricar ang kaniyang nadarama tungkol sa pagkakaroon ng anak nila ng mister na si Richard Poon.
Pagbabahagi ni Maricar, noong una matapos nilang maikasal ni Richard ay nagplano talaga silang hindi na muna magkaanak. Pero matapos ang nai-set nilang oras o panahon para ma-enjoy ang pagiging mag-asawa ay sinubukan nilang magkaanak na.
Pero hanggang ngayon ay hindi pa ito ipinagkakaloob ng Diyos. Pag-amin pa ni Maricar, nagpatingin na daw sila ni Richard pareho. Pero wala ni isa sa kanila ang may nakitaang problema pagdating sa pagkakaroon ng anak.
“After two years nung kinasal kami, we really planned on not having kids for the first two years then after that pwede na. We even got checked. There’s no problem with him and there’s no problem with me. Feeling ko we did our due diligence naman on our side, humanly possible, pero wala eh.”
Ito ang kuwento ni Maricar kay Rica.
Pagpapatuloy pa niya, sa kabila nito ay hindi naman nakakaramdam ng pressure si Maricar. Ito daw ay dahil may peace siya sa puso na dulot ng pagtitiwala niya sa Diyos.
“Meron lang talaga akong peace na kung meron okay, kung wala okay. It doesn’t make me feel like I’m less of a person or I’m less of a female. Kung wala, edi wala, ginawa mo na ‘yong part mo.”
Ito ang sabi pa ni Maricar.
Pagsasama nina Maricar at Richard
Pagdating naman sa pagsasama nila ni Richard, kuwento ni Maricar sa siyam na taon nilang pagsasama ay nakabisado na nila ang isa’t isa. Mas nagiging less nga daw ang pag-aaway nila at nasanay na sa kanilang pagkakaiba o differences.
“Ngayon parang I feel like because I got to know him more and I realized na minsan yung pagiging straightforward niya it’s nothing personal, lalo na sa work. ‘Pag iko-correct tayo, may point naman siya, medyo diretso lang ‘yong pagkakasabi pero tama.”
Ito ang pagsasalarawan ni Maricar sa ugali ng mister niyang si Richard na sa ngayon ay nakasanayan niya na.
Dagdag pa niya, sa mga oras nga daw na hindi nila pagkakaintindihan, ay pareho na silang nagbibigayan o nagso-sorry sa kanilang pagkakamali. Payo nga ni Maricar sa ibang mag-asawa ay matutunang alamin at tanggapin ang strength at weakness ng isa’t isa. Sa ganitong paraan ay mas magiging peaceful at masaya ang kanilang pagsasama.
Nauna nang ibinahagi nina Maricar at Richard ang naging kuwento sa pagsisimula ng kanilang relasyon. Si Maricar na may kinasangkutan na kontrobersya noon ay naging matapat daw sa mister niyang si Richard. Inamin at sinabi niya lahat dito ang mga pagkakamali niya bago sila magkarelasyon.
“Noong hindi pa kami dating ni Richard, I made some mistakes of my own sa past. Nagdadalawang-isip ako kung sasabihin ko sa kaniya o hindi. Tapos nung una, hindi ko sinasabi.”
“Naisip ko, ‘Okey, bahala na…’ Kung ayaw na niya ako, after telling him all the things that I wanted to tell him, e di wag. E di tapos na. At least before anything got more complicated, nasabi ko na.”
“Eventually, tumawag ako sa kaniya…. Pa-cute, pa-cute pa ako kasi nakakatakot, e… I told him lahat ng baho ko na nakakahiya.”
Ito ang pagkukuwento noon ni Maricar sa kanilang vlog na mag-asawa.
Ayon pa sa kaniya, naging malaking factor sa pagsasama nila ang pagiging honest nila sa isa’t isa. At sa kabila ng mga flaws niya ay tinanggap siya ng asawa at mas lalo niya itong minahal.
“Sometimes when you’re younger, you’re more idealistic. Pag nakarinig ka ng mali, parang feeling mo end of the world na, e. Pero ngayon, having gone through some stuff, ako, I’ve realized the value of truth. Maganda kasi na alam ng partner mo ‘yong kabuuan mo.”
“Since alam niya ‘yong bad niya, alam niya ‘yong bad ko—mahal ko siya ng buo. Walang kundisyon. Good or bad, I love you.”
Ang pahayag na ito ni Maricar ay sinuportahan ni Richard. Ayon kay Richard napakahalaga ng pagiging honest ng mag-asawa sa isa’t isa lalo na kung gusto nilang tumagal ang kanilang pagsasama.
“Even sa worse case na maghiwalay kayo, may good pa rin. Telling the truth to each other, malalaman mo na, ‘Ah, kaya niya ako.’ Di ba, kasi you want a long term relationship, e… Kasi kung kaunti pa lang ‘yong truths na nilabas mo, hindi niya kinayanan, paano pa kayo magsasama ng buong buhay ninyo na magkaka-anak pa kayo at marami pa kayong pagdadaanan together?”
Ito ang sabi pa noon ni Richard.