Mariel Padilla: Tips kung paano ihanda ang toddler sa bagong baby

Ikinuwento ni Mariel Padilla kung paano niya inihahanda ang kaniyang 2-taong gulang na anak sa paparating na little sister nito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa isang very recent post nga na vlog ni Mariel Padilla, nagbigay siya ng ilang tips kung paano nga niya di-umano inihahanda ang kaniyang toddler na si Maria Isabella sa pagdating ng kaniyang baby sister na si Maria Gabriela.

Vlog post ni Mariel Padilla

Sa vlog post nga ng It’s Showtime host na si Mariel Padilla ikinuwento nito kung paano siya naghahanda sa pagdating ni baby number two na si Maria Gabriela.

Ang ilan nga sa mga sinabi nito ay ang paghahanda ng mga gagamitin ni Gabriela paglabas niya tulad na nga lang ng mga crib, stroller, car seat, rocker, at iba pa.

Inihanda na rin ng host-actress ang kaniyang hospital bag kung saan naglalaman ng mga importanteng gamit para sa kaniya at para sa paparating ng kaniyang newborn.

Subalit ang pinaka-pinaghahandaan di-umano ni Mariel sa lahat ay ang kaniyang panganay na si Isabella.

Aniya nga, “Number one na inihahanda ko talaga for this whole thing, this whole thing, e, noh? Is Isabella.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

First tip nga ni Mariel, “I have to prepare her mentally, emotionally that she’s going to have a new baby sister. So yun ang pinaka-challenge for me everyday is how do I make her understand, how do I make a 2-year old understand.”

“Well maybe by this time she’ll be three,” singit nito.

“How I’ll make her understand that she’s gonna share Mommy with someone now, ‘di ba,” sambit ng It’s Showtime host.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pagpapatuloy niya, “I mean, it breaks my heart just to think that it’s going to, that I’m going to cause her first heartbreak.”

“Alam ko naman she’ll be happy, she’ll be amazing, she’ll be a wonderful ate, I know it,” paniguradong sabi nito.

“Pero siyempre sa beginning, siyempre magseselos siya, so yun ang mga pinaka-pinaghahandaan ko,” pahayag ni Mariel.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Next tip na sinabi ng aktres ay ang pagbili ng mga educational books na may illustrations para maipaliwanag kay Isabella ng mabuti ang mga susunod na mangyayari lalo na’t pagkalabas ng kaniyang bagong kapatid na si Gabriela.

Kuwento nga ni Mariel feeling naman niya di-umano na naiintindihan ng panganay nila ng action star na si Robin Padilla na naiintindihan niya ang mga nakasaad sa libro dahil daw kapag nagtuturo raw si Mariel ng mga tao sa libro sinasabi raw ni Isabella, “that’s baby Gabriela.”

Isa pa di-umano na paghahanda ay kasama si Isabella sa mga proseso ng pag-prep ng mga gagamitin sa paglabas ni Gabriela.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa vlog ni Mariel makikita rin na tinutulungan siya ng anak na si Isabella sa pag-inom ng mga gamot na kailangan nitong inumin sa kaniyang pagbubuntis.


Source: Mariel Padilla

Basahin: Mariel Padilla, nagbigay ng tips sa pagplano ng maternity shoot