Mariel Padilla, nagbigay ng tips sa pagplano ng maternity shoot

Mariel Padilla, nagbigay ng tips sa pagplano ng maternity shoot

Ika-25 ng Agosto nag-post si Mariel Padilla na kaniyang portrait photo kung saan naka-all black siya at ipinapakita ang kaniyang Baby Surprise baby bump.

Robin at Mariel Padilla at baby nila, magkakasama sa maternity shoot

Nito nga lamang huling linggo ng Agosto nagkaroon ng Filipino-themed maternity shoot sa Museo de Padilla, Quezon City si Mariel Padilla kasama ang kaniyang butihing asawa na si Robin Padilla at panganay na si Maria Isabella.

Glowing buntis ngang maituturing ang magpipitong buwang buntis na It's Showtime co-host sa kaniyang maternity shoot.

Sa kaniyang Instagram post nito lamang ika-25 ng Agosto kaniyang nasambit, "Good morning!!! For me in my 35 years of existence I think this is my most beautiful photograph."

Aniya pa, "The beauty comes from the life that is growing inside me. It is a reminder of how blessed I am with God’s love because once again he has trusted me to nourish His precious creation."

Pagtatapos niya, "I would like to share this moment with all of you in my vlog that will be up on my Youtube channel tonight at 9pm. I will put the link on my bio!!!"

Pinasalamatan din niya ang mga taong tumulong sa kaniyang maternity shoot nila ni Maria Gabriella.

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by mariel padilla (@marieltpadilla) on

Tips sa pagplano ng maternity shoot

Masaya ring nagbigay si Mariel Padilla sa mga nanays-to-be out there sa kaniyang YouTube Channel ng mga ilang tips sa pagplano ng maternity shoot.

Ito ang tatlong pangunahing tips na binigay ni Mariel sa masaya at hassle free na maternity shoot:

  1. Theme - dahil nga Maria Gabriella ang pangalan ng kaniyang Baby Surprise, naisip nga raw ng asawang si Robin Padilla ang Filipino theme para sa kanilang shoot lalo na at ang pangalang Gabriella ay makabayan di-umano
  2. Team - siguraduhin din di-umano na makitrabaho sa isang team na kumportable ka na to work with
  3. Enjoy - sambit nga ni Mariel ito ang pinaka-importante ang mag-enjoy, aniya "do whatever makes you happy—kailangan masaya ka, kailangan gusto mo yung ginagawa mo since lalabas yun sa awra mo!"

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by Happy Folks Studio (@happyfolks_mnl) on

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by Happy Folks Studio (@happyfolks_mnl) on

Panoorin ang buong bidyo ng maternity shoot ni Mariel dito:


Source: Mariel Padilla

Basahin: Mariel Padilla, ikinuwento ang nakakatawang reaksyon ni Robin sa kaniyang pagbubuntis

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner