Mariel Padilla, ikinuwento ang nakakatawang reaksyon ni Robin sa kaniyang pagbubuntis

lead image

Sa episode ng Magandang Buhay noong ika-4 ng Agosto, ikinuwento ni Mariel Padilla ang nakakatawang reaksyon ng kaniyang asawang si Robin Padilla patungkol sa kaniyang pagbubuntis kina Karla Estrada, Melai Cantiveros, at Jolina Magdangal.

Reaksyon ni Robin

Noong una nga raw ay hindi masabi ni Mariel Padilla ang tungkol kay Baby Surprise na ngayon nga'y pinangalanan na nilang Maria Gabriela.

"Nag-try ako pano sasabihin, so punta ako sa doctor para sure. Punta ako sa doktor ako lang magisa ganyan. Punta ako sa doktor tine-text ko siya, 'anditio nako kay Dra. Manalo,' ganyan," kwento ni Mariel.

Pagpapatuloy niya, "Tapos hindi niya ako kina-kamusta—kung kumusta na kung bakit ako nagpunta sa doktor, hanggang nakauwi nako. Sabi ko, 'bakit kaya alam na ba niya?'"

Natatawa niya pang dagdag, "So then nung nandun na kami sa bahay, the worst by the way yung reaksyon niya. So sabi ko, 'bakit di mo ako tinatanong kung kumusta ba yung doctor's appointment ko?'"

Aniya ng natatawa pa rin, "Sabi niya, 'bakit may problema ba? buntis ka na naman?' ganun.

"Sabi ko, 'oh my gosh, oo!' Tapos sabi ko alam mo yun, kasi nga hindi nga namin kasi siya pinlano. It is really such a blessing, although it came in early na we are more than happy sobra, so ayon," sabi pa ni Mariel.

Pangalawang pagbubuntis

Naikwento rin ng It's Showtime co-host na si Mariel Padilla na mas madali raw ngayon ang kaniyang pangalawang pagbubuntis kung ikukumpara noong una niyang pagbubuntis sa kanilang panganay ni Robin na si Maria Isabella.

Natutuwa niyang inilahad, "Actually, surprisingly, ito a lot easier, kasi kay Isabella nun five steps nagdudugo ako. Ginawa kong hangout place yung hospital. Every time may spotting ako hospitalized, alam mo yun sobra kong praning."

"Pero with this one ang galing! I was able to work. I was able to travel—nakapunta pa kami sa States ulit ni Isabella. Ang daming nangyari mas mas kapit, mas matibay," masaya niyang dagdag.

Pagpapatuloy pa ni Mariel, "Ang ganda kasi itong pregnancy na ito wala akong diabetes, so nakakain ko lahat. Kay Isabella lahat pinipili, alam mo yun ang hirap."

 

Source: ABS-CBN Entertainment

Photo: Instagram

Basahin: LOOK: Baby shower para kay Mariel Padilla

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner