Nag-post sa kaniyang Instagram si Mariel Padilla, TV host at asawa ng aktor na si Robin Padilla. Ayon sa kaniyang post natupad na ang inaasam-asam niyang maging online live seller.
Mababasa sa artikulong ito:
- Mariel Padilla sumabak na sa online selling business
- Mahilig sa pre-loved items si Mariel Padilla
Mariel Padilla sumabak na sa online selling business
Inanunsyo ng former Pinoy Big Brother host na si Mariel Padilla sa kaniyang Instagram na magla-live selling na siya ng kaniyang pre-loved designer items. Saad niya sa kaniyang IG post noong Marso 15, matutupad na raw nang gabing ‘yon ang pangarap niya na maging online live seller.
“I have been watching live sellers almost every day haha (I swear it’s addicting!!!) and at 9pm tonight on my Instagram and Facebook I will go live and mga Sis pwedeng pwede na kayo mag ‘MINE’ all from my personal collection,” sabi ni Mariel Padilla sa kaniyang caption.
Hinikayat din ni Mariel Padilla ang mga fan na abangan ang kaniyang bagsak floor price na paninda. Inulan ng pagbati at pagsuporta ang comment section ng nasabing post. Maging ang mga celebrity friends ni Mariel Padilla ay todo suporta sa kaniya.
Ayon sa comment ng dati niyang co-host sa PBB na si Bianca Gonzales, sure umano ito na papatok ang live selling ng kaibigan.
Ready naman daw mag “mine” sina Kelly Misa at Juliana Palermo sa online live selling na gagawin ng tv host.
Habang sinusulat ang artikulong ito ay umabot na sa 31,457 ang nag-like ng naturang Instagram post. Makikita rin sa post ang larawan ng mga luxury collections ni Mariel Padilla na ilan sa kaniyang mga ibebenta.
Mariel Padilla mahilig sa pre-loved items
Sa YouTube vlog ni Mariel Padilla noong March 9, 2022 kinwento ni Mariel kung gaano siya ka passionate na bumili ng mga pre-loved designer items.
“I really feel, as long as you find the right ones, and the ones that are not super used and the really nice ones. I think, it’s really, really more practical to buy pre-loved nowadays,” ani Mariel Padilla.
“Hindi ka dapat mahiya kung pre-loved ‘yong item mo kasi the value of the bag is the same, the leather of the bag is the same,” dagdag pa niya.
Nagbigay din ng tips si Mariel Padilla sa kaniyang vlog kung saan magandang bumili ng mga pre-loved items. Paalala niya na mas magandang bumili ng pre-loved items mula sa mga taong may massive collections ng item na bibilhin. Halimbawa niya rito ay sa celebrities para umano siguradong hindi pa gamit na gamit ang item.
Bukod pa rito, advise din ni Mariel Padilla na bumili ng pre-loved items sa seller na personal na kilala at pinagkakatiwalaan ng buyer. Maganda rin daw bumili ng pre-loved items sa Japan para masiguro ang authenticity ng gamit dahil bawal ang fake sa nasabing bansa.
BASAHIN:
Mariel Padilla kinumpronta si Robin Padilla: “Sa 11 years natin, natukso ka na ba?”
Robin and Mariel Padilla nag-reminisce tungkol sa ‘ligawan’ stage nila
Robin and Mariel Padilla won’t force daughter to choose religion when she grows up
Sa kaniyang vlog ay nagkaroon din siya ng major luxury items give away habang kinukuwento ang ilang experience sa pagbili ng pre-loved items.
Ani Mariel Padilla, napupuyat daw siya sa panonood ng online live selling sa mga favorite pages niya sa social media. Sa nasabing vlog niya nga unang nabanggit na gusto niya ring subukang mag live selling.
“It’s really fun. As in right now gusto ko na rin pong maging live seller. ‘Wag kayong magulat kasi baka ‘yan na ang next endeavor ko kasi sobrang nag-eenjoy ako sa live selling,” saad ni Mariel Padilla.
Nakwento rin ni Mariel Padilla na noong nagsisimula pa lang siya sa Showbiz, ay naranasan nyang bumili ng secondhand luxury bag sa naglalako sa set. Sapagat hindi pa uso noon ang online selling.
Bundle din agad ang kaniyang binili. Nakabili rin ng pre-loved Channel at Louis Vuitton bag si Mariel Padilla sa aktres na si Aubrey Miles.
Noong panahon naman ng pagsalanta ng bagyong Yolanda, dinala umano siya ng asawang si Robin sa Cagayan de Oro. Doon niya nakita na isa sa struggle ng mga nasalanta ng bagyo ay ang kakulangan sa underwear. Kaya naisip niyang magkaroon ng benefit drive para sa mga ito.
Kasama ang mga kaibigang sina Camille Villar, Ruffa Mae Quinto, at Shalani, pinagsama-sama nila ang kanilang mga designers’ items at ibinenta ang mga ito. Ang lahat ng kinita sa pagbebenta ay dinonate nila sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda.
Binili niya rin daw mula sa benefit drive na iyon ang bag na dinonate ni Ruffa Mae. Dahil maganda pa ito at may kaunti lang na discoloration. Naging masaya umano ang magkakaibigan sa pagbebenta ng pre-loved items dahil para ito sa mga nais tulungan.
Ipinaalala naman ni Mariel Padilla sa viewers na bantayan pa rin ang budget bago bumili ng mga pre-loved items. Mahalaga pa ring hindi mag-over spend at bumili lang ng mga gamit nang naaayon sa budget.