Robin and Mariel Padilla nag-reminisce tungkol sa 'ligawan' stage nila

Robin and Mariel Padilla nag-reminisce tungkol sa 'ligawan' stage nila

"....yung biru-biruan, naging totoo na."

Simula pa noong 2010 kasal na sina Robin Padilla at Mariel Rodriguez. At marami na rin silang pinag-daanan bilang mag-asawa. Pero hanggang ngayon ay tila bagong kasal pa rin sina Robin and Mariel dahil sa sobrang sweet nila. 

Sa magkahiwalay na panayam, sinarawa nina Robin and Mariel ang mga unang araw ng "ligawan stage" nila.

Robin and Mariel's Love Story: Mula sa Biru-Biruan Hanggang sa Tunay na Ibigan 
 

A post shared by mariel padilla (@marieltpadilla) on

Nagsimula ang lahat noong nag-guest host si Robin Padilla sa show na Wowowee sa ABS-CBN, kung saan naman regular si Mariel. 

"Dalawang linggo akong may pagkain, may love letter. 'Yung love letter galing kay Mariel, 'yung pagkain, galing kay Pokwang," sabi ni Robin sa Magandang Buhay. "Siyempre dalawang taon walang ganun. Kahit na wala sa isip mo na ma-in love, nai-in love ka, hanggang sa 'yung biru-biruan nagiging totoo na."

Nag-guest din si Mariel sa show at kinuwento niya nga niya na sinusulatan niya si Robin araw-araw, pero hindi niya ipinaalam muna  na galing ito sa kanya. Biniro pa siya ng mga hosts ng programa na sabi ni Robin ay siya daw ang nanligaw.

"Noong time na 'yun, ang alam namin two weeks lang si Robin [na co-host]. We really wanted him to stay kasi nakita namin na perfect siyang host dahil tanggap siya ng tao at genuine siya sa ginagawa niya. So it is true that every day, I wrote him a letter to stay pero hindi ko sinasabi kung sino ako," paliwanag ni Mariel. "Dinidikit ko sa dressing room niya para ma-feel niya kung gaano siya ka-welcome sa amin."

Kinuwento din niya na nagsimula lang ang lahat sa asaran hanggang nahulog na ang loob nila para sa isa't isa. 

“Hindi ko naman inisip na magkakatotoo talaga. So nag-aasaran. Hanggang na-realize ko na sandali, parang kinikilig ako," dagdag pa niya."

"So nag-aasaran. Hanggang na-realize ko na sandali, parang kinikilig ako..."
 

A post shared by mariel padilla (@marieltpadilla) on

"I really fell in love. Kasi what Robin did, first he asked me kung meron daw bang kailangan kausapin, magulang ganyan," sabi ni Mariel. Sinabi rin ni Robin na may anak siya sa unang relasyon, kaya dapat matanggap niya ito, maging ang pagkakaiba nila ng relihiyon ay hindi rin naging isyu kay Mariel.

Ang importante lang kay Mariel, ay siya lang at wala nang iba. 

Matuturing man na "whirlwind" ang ligawan nila, pero talagang pinatunayan nila na kayang magtagal sa showbiz. 

Ano ang sikreto? 100% trust, sabi ni Mariel.

 "We have trust, we have respect, and we have love," sabi ni Mariel. "That's why mag-e-eight years na kami."

May isang anak sina Robin and Mariel na si Isabella, isang taong gulang.

sources: Star Cinema, ABS-CBN News 

Also READ: 8 Pieces of relationship advice from celebrity moms

 

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Written by

Bianchi Mendoza

app info
get app banner