Marjorie Barretto: "I always chose to ignore all the LIES that my sisters spread about me and my children"

Marjorie Barretto: "I always chose to ignore all the LIES that my sisters spread about me and my children"

Marjorie Barretto may patutsada sa mga kapatid na sina Gretchen at Claudine na mga sinungaling umano.

Marjorie Barretto nag-react sa mga balitang kumakalat tungkol sa naging away nilang magkakapatid sa burol ng pumanaw nilang amang si Miguel Barretto.

marjorie barretto

Image screenshot from Instagram

Barretto Reunion

Kahapon ay usap-usapan ang naging pagdalaw ni Gretchen Barretto sa burol ng kaniyang amang si Miguel Barretto. Ilang taon din kasing hindi nagkausap sila Gretchen at kaniyang mga magulang matapos ang naging issue nila ng kaniyang nakababatang kapatid na si Claudine.

Kaya naman ikinagulat at ikinatuwa ng mga kaibigan at kapamilya ng mga Barretto ang naging pagdalaw ni Gretchen sa burol ng ama nitong Miyerkules ng gabi.  Sa kaniyang pagdalaw ay naabutan ni Gretchen si Pangulong Rodrigo Duterte na kausap noon ng kaniyang inang si Inday Barretto.

Naging madamdamin ang paghaharap ng mag-ina matapos ang ilang taong hindi pag-uusap. Nakuhanan naman ito ng video ni Claudine na naroon rin sa burol ng ama ng ito ay mangyari.

Ipinost ng aktres ang video sa kaniyang Instagram account na may caption na:

And then,We are Complete @gretchenbarretto im so Proud of u.I admire & luv u more today #doubleinfinity #thatsmyAte WELCOME HOME ❤️❤️❤️❤️

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

And then,We are Complete @gretchenbarretto im so Proud of u.I admire & luv u more today #doubleinfinity #thatsmyAte WELCOME HOME ❤️❤️❤️❤️

A post shared by Claudine Barretto (@claubarretto) on

Away ng Barretto sisters

Samantala, umaga ngayong araw ay kumalat naman ang balitang na-ospital si Claudine matapos umano silang magkainitan at mag-away ng kapatid niyang si Marjorie Barretto.

Sa isang larawang inupload sa Twitter ng DZMM Teleradyo ay makikita si Claudine na nakaupo sa isang hospital bed.

Ayon kay Ruby Baguhin, isa sa mga staff ni Gretchen na nagdala kay Claudine sa ospital ay nagka-injury daw sa kamay ang aktres at nakaranas ng pagkahilo matapos ang naging pisikalang away nila ng kapatid na si Marjorie Barretto kagabi.

Dagdag na pahayag ni Baguhin ay si Marjorie umano ang umatake kay Claudine kasama ang anak nitong si Julia Barretto.

Sa isang interview as ABS-CBN ay nagbigay pahayag si Gretchen Barretto sa nangyari sa pagitan ng mga kapatid na si Marjorie at Claudine.

Ayon kay Gretchen ay naging maayos ang kaniyang pagdalaw sa burol ng ama, hanggang sa nagkaroon daw ng nervous breakdown ang kapatid na si Marjorie Barretto. Kuwento pa ni Gretchen, nakiusap daw kasi si Pres. Duterte na magkamay sila ng kapatid na si Marjorie bilang respeto sa kanilang ama. Ngunit, halata daw sa mukha ni Marjorie na hindi masaya ito sa pagpunta niya.

Sagot ni Marjorie Barretto

Sa isang Instagram post ngayong araw ay nagpasaring si Marjorie sa mga kapatid na nagsisinungaling daw sa totoong nangyayari.

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by marjbarretto (@marjbarretto) on

Ito ang kaniyang pahayag sa Instagram.

“There are very disturbing news going around right now. All these years, I have kept my peace and I always chose to ignore all the LIES that my sisters spread about me and my children. But nothing can get lower than this. Giving false statements to the press, and twisting stories about what really happened in my Father’s wake is by far the most epic one. ”

“They have tried so hard over the years to destroy my name, I have nothing to lose anymore at this point.I love my family very much, they are my core. I am all for reconciliation. We were hoping for that all those 16 days that my Father was fighting for his life in the hospital.It would have been nice if she made her peace in the quiet of my Fathers room. With no cameras.Don’t be fooled by the statements of my sisters, they are leaving out a very important detail of what really caused pain and tension in the wake.”

“May I request everyone to allow our family to grieve, it’s our last day with our Father today. Please hold your judgement and opinions until he is laid to rest,then WE WILL FOR THE FIRST TIME SPEAK THE WHOLE TRUTH AND NOTHING BUT THE TRUTH.”

“I would like to ask for prayers too. Because when I speak the truth, my life and my children’s life will be put in danger. My sisters boyfriend is powerful in a very bad way( and I don’t mean Tony Boy)And in speaking the truth I won’t be able to leave his name out. And to our dear President Duterte, thank you for being there for the family and sharing in our grief. My apologies that your name was dragged into this. You were so kind to me. I will always be grateful.”

Nito lamang Abril ay nagpakita ng kanilang saloobin sina Gretchen at Claudine ng hindi maimbita sa kasal ng kanilang pamangkin at panganay na anak ni Marjorie na si Dani Barretto. Nasaktan daw sila sa ginawa ng pamangkin na kung tutuusin ay kanila daw minahal at tinustusan ang pangangailangan noong ito ay maliit pa.

Mas uminit pa nga ang alitan ng magkakapatid ng pumanig si Gretchen kay Bea Alonzo matapos ang naging trending na hiwalayan nila ni Gerald Anderson. Ang itinuturong dahilan ng hiwalayan ay si Julia Barretto, anak ni Marjorie at ng aktor na si Dennis Padilla.

Sagot ni Gretchen

Nagbigay ng reaksyon si Gretchen ukol sa post ni Marjorie sa kaniyang sariling Instagram account. Sinabi nito na pati siya ay naghihintay ng araw na magsabi na nga ng totoo si Marjorie.

“ITS A BITTERSWEET FEELING THAT YOU, truly for the first time speak the Truth, IN OTHER WORDS , I AM GRATEFUL for WE WILL ALL WAIT FOR THAT TIME.”

Ngunit sinisiguro din ni Gretchen na lalabas din ang katotohanan kung paano nagsimula ang kanilang hidwaan at ang ina nila mismo na si Inday ang maghahayag nito.

“MY MOM SPOKE TO ME & ASSURED EVERYONE THAT SHE WILL TELL ALL REGARDING OUR FAMILY FEUD & THE DAY OF MY DADS BIRTHDAY & Who CAUSED MY FATHERS ATTACK .”

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

Quoting Marjorie Baldivia este’Echiverrie 🙏WE WILL FOR THE FIRST TIME SPEAK THE TRUTH & NOTHING BUT THE TRUTH🙏ITS A BITTERSWEET FEELING THAT YOU, truly for the first time speak the Truth, IN OTHER WORDS , I AM GRATEFUL for WE WILL ALL WAIT FOR THAT TIME( heres a video that was forwarded to me by @marisol0125 MY TRUTH . This video IS NOT FAKE NEWS AS BEING CLAIMED by Marjorie Baldivia Echiverrie. ( FYI MY MOM SPOKE TO ME & ASSURED EVERYONE THAT SHE WILL TELL ALL REGARDING OUR FAMILY FEUD & THE DAY OF MY DADS BIRTHDAY & Who CAUSED MY FATHERS ATTACK .YOUR THREAT TO SUE ME FOR LIBEL ? I PLEAD NO ,IM SCARED…. 🙏AND AS TO MY BOYFRIEND WHO IS POWERFUL IN A BAD WAY ( like you say ) YES HE IS POWERFUL ( in a good way , Not bad as you claimed. Your boyfriend is also POWERFUL & certainly IN A VERY BAD WAY ,ICountless corruption cases i was told, NOT TO MENTION, NUMEROUS MOLESTATION CASES , AM I CORRECT? I WAS INFORMED THAT @claubarretto WILL FILE A MOLESTATION CASE AGAINST YOUR POWERFUL BOYFRIEND.( ONLY REQUEST OF @claubarretto IS FOR HIM TO NOT BE IN THE WAKE DUE TO TRAUMA 🙏 FYI THE VOICE YOU HEAR IS MARJORIE VOICE DEFYING The REQUEST of PRRD🙈

A post shared by Gretchen Barretto (@gretchenbarretto) on

Kalakip ng mensahe ni Gretchen ang dalawang video kung saan may maririnig na kaguluhan ngunit hindi gaano maintindihan ang mga sinasabi ng mga tao sa video at hindi rin naka-focus ng maayos ang pagkakuha rito.

Paano nga ba magkakasundong muli ang isang pamilya?

Hindi naman naiiwasan ang hidwaan sa isang pamilya, pero paano nga ba magkakasundong muli at mawawaglit na ang hidwaang nangyari sa nakaraan?

Ito ang ilang mga hakbang upang maayos ang hidwaan o gulo sa pamilya:

  1. Balikan o alamin ang ugat ng hidwaan o gulo.
  2. Ilagay ang iyong sarili sa posisyon ng tao.
  3. Isaalang-alang ang magiging epekto nito sa iba pang miyembro ng inyong pamilya.
  4. Piliing magpatawad.
  5. Tumayo at magpakumbaba.
  6. Tanggapin ang responsibilidad para sa iyong mga aksyon at humingi ng tawad.
  7. Simulang hilumin ang relasyong nasira at magumpisa ng mga bagong alaala habang parehas na naghihilom.

 

Source: ABS-CBN News, ABS-CBN Push

Basahin: Gretchen Barretto: “Marjorie was not happy that I was there to reunite with family”

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner