LOOK: Mark Herras at Nicole Donesa, nagpakasal na!

Ito daw ay simula palang sa church wedding na kanilang pinaghahandaan kapag tapos na ang pandemya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ikinasal na sina Mark Herras at Nicole Donesa sa pamamagitan ng isang civil wedding ceremony. Narito ang larawan ng kanilang kasal at love story.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Kasal nila Mark Herras at Nicole Donesa.
  • Love story nila Mark Herras at Nicole Donesa.

Kasal na sila Mark Herras at Nicole Donesa

Image from Mark Herras Instagram account

Ganap ng mag-asawa ang mga GMA artist na sina Mark Herras at Nicole Donesa. Sila ay ikinasal sa pamamagitan ng isang civil wedding ceremony na pinangunahan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte.

“We’re official. We got married na civilly.”

Ito ang pahayag ni Mark at Nicole sa kanilang latest vlog na kung saan tampok ang detalye at pangyayari sa kanilang naging kasal. Ang kanilang kasal ginanap nitong September 8 na ayon kay Nicole ay biglaan lang kaya hindi sila masyadong nahirapan.

“Sobrang last minute ‘yong pag-aayos ng lahat walang kahira-hirap yung nangyari.”

Ito ang sabi pa ni Nicole. Dagdag pa niya, very happy sila sa ginawa nilang simple at intimate wedding. Paghahanda lang din daw ito sa mas malaking church wedding na mangyayari kapag lumuwag na ang lahat sa gitna ng nararanasan nating COVID-19 pandemic.

“Kaya kami nagpa-civil wedding na is because we wanted to be legal na. Dahil sa pandemic ngayon hindi pa kasi makapag-wedding na gusto namin na carefully planned out, present ‘yong mga kamag-anak and close friends.”

“We are saving the big celebration for the church wedding we just don’t know when.”

Ito ang sabi pa ni Nicole.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dagdag pa nila ni Mark, ang kanilang pagpapakasal ay kinakailangan rin nilang gawin para sa mga inaaayos nilang mahahalagang papeles na hindi nila idinetalye sa vlog kung ano.

BASAHIN:

Solenn Heussaff: “Now would be the perfect time” para subukan mag-Baby #2!

LOOK: Derek Ramsay namanhikan sa family ni Ellen Adarna

Joross Gamboa on why his wife doesn’t get jealous: “Siya ang pinakasalan ko, siya ang mahal ko”

Pagbati ng mga netizens

Sa kaniyang Instagram ay proud ring inannounce ni Mark na sila ay kasal na nila ni Nicole. Narito ang pagbati ng ilan sa mga kasama nila sa industriya.

rochellepangilinan

Oh wow!! Congraaaaaaats!!!!!😍😍😍

nacinorocco

Wow congrats guys!!!👏🏾👏🏾👏🏾❤️❤️❤️

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Mark Herras Instagram account

Ikinatuwa rin ng mga taga-suporta nila Nicole at Mark ang kanilang naging kasal. Narito ang mensahe nila sa bagong kasal.

“It’s not about the celebration, it’s about being right in the eyes of God and of man. God bless you both.😇God be the center of everything 🙏”

“Congrats to both of you.. Sana maging matatag ang pagsasama ninyo. ‘Wag papadala sa mga tukso pag-usapan ang mga bagay na ‘di pinagkakaintindihan maging sentro ang diyos sa inyong pagsasama. We love you♥️♥️♥️♥️”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Ang lakas maka good vibes ng kasal niyo after ng mga sad news about hiwalayan. May hope pa rin sa mundo. Importante talaga na si Lord nasa center ng relationship. Praying for your marriage 🙏🏻🙏🏻🙏🏻”

Ito ang ilan sa pagbati ng mga netizens kanila Nicole at Mark.

Love story ni Mark Herras at Nicole Donesa

Si Mark at Nicole ay parehong talents ng GMA Artist Center. Ang kanilang relasyon ay nagsimula ng sila ay magkasama sa isang drama series sa nasabing istasyon.

Agosto noong taong 2019 ng kinumpirma ng dalawa ang kanilang relasyon. Ito ay matapos magbahagi si Nicole ng mga larawan nila ni Mark na magkasama sa kaniyang Instagram account.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang caption nito ay “Na Bihag”. Ang “Bihag” ang programang pinagsamahan nila sa GMA kung saan nagsimula ang kanilang relasyon.

Matapos ang halos isang taon ay sumunod namang inanunsyo ng dalawa ng sila ay engaged na. Ang announcement ay ginawa ni Mark Herras sa Instagram account niya.

“Ang mahalin ka at makasama ka habang buhay…I love you itchybear #toinfinityandbeyond.”

Ito ang mensahe ni Mark kay Nicole kalakip ang larawan ng kanilang engagement ring.

Image from Mark Herras Instagram account

Nicole to Mark: “I can’t wait to spend the rest of this life with you.”

Sa kaniyang Instagram ay ikinuwento naman ni Nicole ang naging pag-propopose ni Mark sa kaniya. Ang proposal ni Mark tinawag niyang “miracle” sa gitna ng mga problema at pandemyang nararanasan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“We were eating dinner, and when it was time for desserts, this was what came to my surprise. Just when I thought the world was ending, a miracle happened.”

“Life is a beautiful and short blessing, and I can’t wait to spend the rest of this life with you @herrasmarkangeloofficial, in any way we possibly can.”

Ito ang pagbabahagi ni Nicole sa kaniyang Instagram tungkol sa engagement nila ni Mark Herras.

Sa sumunod na buwan ay bagong announcement na ibinahagi ang magka-relasyon. Ito ay pagbubuntis ni Nicole sa kanilang anak na 5 months na noon.

Nitong January 31, 2021 ay ipinanganak ni Nicole ang kanilang baby boy. Ito ay pinangalanan nilang MarK Fernando na ang palayaw ay “Corky”.

Image from Mark Herras Instagram account

Source:

Inquirer, GMA News