Kris Aquino binigyan ng trinity ring si Mark Leviste: “We’re trying our best to make what we have work”

Ayon kay Kris, si Mark at ang maayos na relasyon ng mga anak nila ang isa sa mga motivation ni Kris na gumaling mula sa kinahaharap na sakit.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mark Leviste ibinida ang singsing na ibinigay sa kaniya ni Kris Aquino. Kris ipinaliwanag at ibinahagi ang meaning ng trinity ring na binigay niya kay Leviste.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Singsing na natanggap ni Mark Leviste galing kay Kris Aquino.
  • Kris sinabing motivation niya sa paggaling si Mark at ang magandang relasyon ng mga anak nila.

Singsing na natanggap ni Mark Leviste galing kay Kris Aquino

Larawan mula sa Instagram account ni Mark Leviste

Umagaw sa pansin ng mga netizens ang singsing na suot ni Mark Leviste sa isa kaniyang Instagram post. Ayon sa mga eagle-eyed netizens, ito ay isang trinity ring. Agad namang inamin ni Kris Aquino na galing ito sa kaniya.

Ayon sa sagot ni Kris sa Instagram account na Kris Aquino World, ibinigay niya ang singsing kay Mark bilang tanda ng kanilang pagmamahalan, pagkakaibigan at pagtitiwala sa isa’t-isa.

Saad pa niya, tanggap niya ang katotohanan na dahil sa sakit ay malabong maging normal o maayos ang relasyon nila ni Mark. Pero sa ngayon, ay isa daw ito sa nagbibigay sa kaniya ng pag-asa. Pati na ng motivation na labanan ang limang autoimmune disease na hinaharap niya.

“I am realistic, I’m battling 5 autoimmune conditions and the odds of me getting to the point of remission are very much against me, so I’m learning to be grateful for each day I wake up, that’s why I avoid discussing the future- I continue to be grateful that we have a merciful & loving God who listens to your prayers. Thank you because YOU GIVE ME HOPE.”

Ito ang sabi pa ni Kris.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kris sinabing motivation niya sa paggaling si Mark at ang magandang relasyon ng mga anak nila

Larawan mula sa Instagram account ni Mark Leviste

Dagdag pa ni Kris, sinusubukan nilang i-workout ang natitirang tiyansa sa relasyon nila ni Mark. At maliban sa maayos nilang relasyon, ay ang pagiging magkakasundo ng mga anak nila ang isa sa mga dahilan kung bakit mas tumitibay ang bond nila sa isa’t-isa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“We’re trying our best to make what we have work, and if I’m being 100% honest- a lot of my motivation comes from the fact that kuya, bimb, and I feel genuine affection & concern for his daughter (she’s private so I will refrain from mentioning her name) and his youngest C2- I had posted about him in the past so it’s okay. C2 and Bimb are the same age and he’s staying with us. I’m very blessed because it’s difficult for kids to get along with their respective parent’s new partner & his or her kids.”

Ito ang sabi pa ni Kris. Hanggang ngayon, siya ay nasa Amerika at sumasailalim sa treatment laban sa kinakaharap na sakit.

Larawan mula sa Instagram account ni Kris Aquino

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement