Anak nina Markus Paterson at Janella Salvador malapit ng magtatlong-taong gulang. Aktor at aktres masaya at matagumpay na naisasagawa ang co-parenting para sa kanilang anak.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Preparations ni Markus Paterson at Janella Salvador sa 3rd birthday celebration ng anak nilang si Jude.
- Co-parenting relationship ni Markus Paterson at Janella Salvador.
Preparations ni Markus Paterson at Janella Salvador sa 3rd birthday celebration ng anak nilang si Jude
Sa isang panayam ay ibinahagi ni Markus Paterson ang excitement niya sa nalalapit na 3rd birthday celebration ng anak niyang si Jude. Sabi pa ni Markus syempre hindi mawawala dun ang aktres at ina ni Jude na si Janella Salvador.
“We’re gonna figure out his birthday ’cause it’s gonna be a big day. He turns three. And then after that, we’ll talk about Christmas.”
Itong masayang pagbabahagi ni Markus na sinabing na-eenjoy niya rin ngayon ang pagiging single.
Co-parenting relationship ni Markus Paterson at Janella Salvador
Larawan mula sa Instagram account ni Markus Paterson
Kung may ituturo nga daw si Markus sa anak niyang si Jude, nangunguna dito ang pagiging gentleman.
“I hope so. I’ll teach him the right way. Gentlemen rules always win naman.”
Ito ang sabi pa ni Markus na masasabing sikreto sa maayos at masayang co-parenting relationship nila ni Janella. Sabi pa nga ni Markus, very thankful siya kay Janella. Dahil hindi lang daw ito perfect mom para sa anak na si Jude, perfect co-parent din daw ito sa kaniya.
“Ang galing niyang mama. I see the way she cares for Jude, I see the way she sacrifices her downtime from work just to spend time with him. Hands-on talaga siya, I couldn’t ask for a better mother of my child. She’s an amazing co-parent. I’m super grateful for her.”
Ito ang sabi pa ni Markus.
Sa parehong panayam ay inamin niya ring ang pag-inom niya ang naging dahilan ng paghihiwalay nila ni Janella. Pero paglilinaw ni Jude, ni minsan ay hindi niya sinaktan ang aktres at ina ng kaniyang anak.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!