Janella Salvador, aminadong challenging ang pagsabayin ang career at pagiging mom.
Janella Salvador sa pagiging single mother at career woman
Isa sa mga challenge na nararanasan ni Janella Salvador ngayon ay ang pagsabayin ang showbiz at ang pagiging single mother. Mahirap hatiin ang kanyang oras para dito pero tuloy ang swerte ng kanyang buhay.
Mula nang naging mommy siya sa anak na si Jude ay hindi naman daw nawalan ng trabahon ang actress. Ang anak nga daw ang lucky charm nito sa buhay kaya swerte ang kanyang career ngayon.
Sobrang thankful nito ngayon sa blessings na nakukuha niya at dumadating sa kanyang buhay. Bukod sa mga susunod na kanyang acting projects sa ABS-CBN, may mga nakalinya pang pelikula at teleserye ito.
Marami ring ang kanyang product endorsement kaya naman super thankful ito sa lahat ng ito. Thankful rin ito sa series na “Darna” dahil sa pag-ganap niyang Valentina ay marami ang dumating na blessings sa buhay niya.
Ayon pa sa celebrity mom, marami ang aabangan ang kanyang fans dahil marami itong line-up projects.
Ayon sa interview ng Bandera winika ni Janella na,
“Naku, ngayon talaga diyan ako nahihirapan ‘yong pagbalansehin ang family life at career sa showbiz pero so far kinakaya naman natin,” pahayag ng aktres.
Napansin rin ng netizens ang pagiging blooming ng celebrity mom kahit wala itong partner. Sabi pa ng kanyang fans ay sobrang hiyang niya ang pagiging single mother.
“I think what gives you that natural glow is genuine happiness that you feel inside. I’m not getting any younger, that’s why I also follow a healthier diet and a more active lifestyle.” wika pa niya.
Nagsimula na rin ulit itong mag work-out after ng mahabang rest niya sa series na Darna. Sa tingin nga daw ni Janella ay ito ang nagpapa-glow sa kanya.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!