Ayon sa mga bagong pag-aaral, ang pag-inom ng mga inumin na maraming artipisyal na asukal tulad ng mga juice, soda, at energy drinks, ay nakakadagdag ng 100 calories sa isang araw. Sa kabila ng sobrang pag-inom ng mga maraming asukal, nababawasan naman ang bilang ng naiinom ng tubig. Babala ng mga eksperto, ito raw ay isa sa dahilan kung bakit marami ang nagiging obese na bata.
Calories at obesity
Bilang parte ng National Health and Nutrition Examination Survey ay nangolekta ng mga data sa 8,400 na mga bata. Ang mga batang ito ay may edad 2 hanggang 19 na taong gulang. Isinagawa ang pagaaral mula 2011 hanggang 2016. Ang mga magulang at bata ay itinatanong kung ano ang kanilang mga kinain at ininom sa huling 24-oras.
Napag-alaman sa pag-aaral na ito na isa sa limang bata ay hindi uminom ng tubig bago ang survey. Ang hindi pag-inom ng tubig ay nakitang nakakadagdag ng 93 calories sa isang araw.
Inirerekomenda ng US Department of Agriculture na i-limit sa 10% ng calories sa araw-araw ng tao ang manggagaling sa artipisyal na asukal. Ngunit, ang hindi pag-inom ng tubig ay lumalagpas sa limit na ito.
Ang pagdagdag ng sobrang 100 calories sa isang araw ay tila hindi malaking bagay ngunit nakakadagdag ito ng 1 pound ng bigat sa isang buwan dahil ang 3,500 calories ay katumbas ang 1 pound. Ang tuloy-tuloy na pagdagdag nito kada-buwan ay nagiging rason kung bakit marami ngayon ang nagiging obese na bata.
Panganib ng pagiging obese na bata
Kailangan alalahanin na may panganib ang sobrang timbang sa mga bata. Ang pagiging obese sa murang edad ay nagbibigay ng masmataas na tsansa sa bata na makuha ang mga sakit tulad ng:
- Asthma
- Diabetes
- Gallstones
- Sakit sa puso
- High blood pressure
- Sakit sa atay
- Menstrual problems
- Problema sa pagtulog
Pag-inom ng tubig
Ipinapaalala ng mga pediatrician ang mga benepisyo ng pag-inom ng tubig at gatas sa mga bata. Ang mga batang umiinom ng tubig ay maskakaunti ang naiinom na matatamis at lumalabas na nagiging masmalusog. Tubig dapat ang pangunahing inumin ng mga bata mula 6 na buwan pataas.
Inirerekomenda ng American Heart Association na ang mga bata lagpas sa 2 taong gulang ay ma-limit sa 25 na gramo ng artipisyal na asukal sa isang araw. Kasama dito, ang pag-inom ng hindi lalampas sa 8 ounce ng matamis na inumin.
[tap-poll id=41252]
Source: CNN, Daily Mail, Benioff Children’s Hospital
Basahin: 4-anyos, binunutan ng 18 ngipin dahil nakakatulog na may dede sa bibig