4-anyos, binunutan ng 18 ngipin dahil nakakatulog na may dede sa bibig

4-anyos, binunutan ng 18 ngipin dahil nakakatulog na may dede sa bibig

Madalas raw na makatulog na hindi nagsisipilyo, at may bote sa bibig ang bata kaya siya nagkaroon ng baby bottle tooth decay.

Ang dental health ng mga bata ay karaniwang hindi nabibigyang-pansin. Madalas ay iniisip ng ilang mga magulang na okay lang mapabayaan dahil tutubuan rin naman ng permanent teeth ang mga bata. Ngunit hindi biro ang panganib na dala ng tooth decay, lalong-lalo na ang tinatawag na baby bottle tooth decay.

Ano ang baby bottle tooth decay?

Kamakailan ay isang dentista ang nagbahagi ng kuwento ng isa niyang pasyente sa Facebook. Kuwento niya, kinailangan raw niyang bunutan ng 18 ngipin ang isang 4 na taong gulang na bata. Ito ay dahil nabubulok na ang ngipin ng bata, at malala na ang kaniyang tooth decay.

Napag-alaman niyang hindi raw madalas magsipilyo ang bata, at madalas pa raw itong natutulog na subo ang kaniyang dede. Dahil sa kombinasyong ito, mabilis na nabulok ang ngipin ng bata, dahilan para siya ay bunutan ng ngipin.

Dagdag pa ng dentista, naaawa raw siya sa bata dahil 2 ngipin lang ang natira matapos ang operasyon. Ibig sabihin rin nito na mahihirapan siyang kumain dahil matagal-tagal pa bago tumubo ang kaniyang permanent o adult teeth.

Aniya, hindi naman raw ito kasalanan ng magulang. Ito ay dahil maraming bagay ang posibleng maging dahilan ng tooth decay, at nakakaapekto rin daw dito ang paglalaway ng bata. 

Gayunpaman, mahalaga raw na huwag kalimutan ng mga magulang na turuang magsipilyo ang kanilang mga anak. At huwag rin hayaan na makatulog silang mayroong subo na dede, lalong-lalo na kung gatas ang laman nito dahil hindi ito mabuti sa kanilang ngipin.

Paano makakaiwas dito?

Ang milk bottle tooth decay kung tawagin ay isang uri ng tooth decay kung saan nasisira ng mga matatamis na inumin ang ngipin ng isang bata. Hindi lamang ito limitado sa gatas, dahil posible rin ito mangyari sa ibang matamis na inumin. Ngunit madalas kasi ay gatas ang pangunahing dahilan nito, kaya't ito ang naging pangalan.

Hindi ito dapat balewalain ng mga magulang dahil kahit baby teeth ay kailangang alagaan. Ito ay dahil napakasakit ang pagkakaroon ng tooth decay, at mahihirapan ring kumain ang mga bata na mayroong ganitong kondisyon.

Bukod dito, importante rin na bata pa lamang ay matuto na ng healthy habits ang mga bata pagdating sa kanilang dental hygiene. Heto ang ilang mga tips para makaiwas sa milk bottle tooth decay:

  • Huwag hayaang makatulog ang mga bata na mayroong dede o bote sa bibig.
  • Ugaliing turuan sila na magsipilyo matapos kumain.
  • Hangga't maaari, painumin sila ng tubig pagktapos uminom ng gatas o ng matamis na inumin.
  • Iwasan ang pagbibigay sa kanila ng mga matatamis na inumin at pagkain.
  • Turuan rin sila na gumamit ng dental floss upang malinis pati ang mga singit-singit ng kanilang ngipin.
  • Sa toothpaste na gagamitin, siguraduhin na kapag maliit pa si baby ay walang flouride ang toothpaste.
  • Kapag mas matanda na ang iyong anak, puwede na siyang bigyan ng flouride toothpaste para tumibay ang ngipin.

 

Source: Asia One

Basahin: Should my baby go to bed with a bottle?

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner