Agree or disagree: Dapat mas mahalin ang asawa kaysa sa mga anak, ayon sa isang study

Ayon sa pag-aaral, dapat mas mahal ang asawa kaysa mga anak. Sang-ayon ka ba dito? Ito ang paliwanag ng pag-aaral kung bakit.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ayon sa isang pag-aaral, dapat mas mahal ang asawa kaysa mga anak. Sang-ayon ka ba dito? Ito ang paliwanag ng pag-aaral kung bakit.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Mga dahilan kung bakit dapat mas mahal ang asawa kaysa mga anak.
  • Reaskyon ng mga misis sa kung bakit dapat mas mahalin si mister kaysa mga anak ninyo.

Dapat mas mahal ang asawa kaysa mga anak, agree o disagree?

Tayong mga nanay ay nagiging superwoman pagdating sa ating mga anak. Lahat ng puwede ay gagawin natin masiguro lang na magiging masaya o maayos ang paglaki nila.

May ilan nga sa atin ang sumusobra na sa pagbibigay sa mga hilig nila. Halos nawawalan din tayo ng oras sa ating mga asawa. Kung minsan nga kapag may away mag-asawa, nasasabi pa nating mawala na si mister huwag lang ang anak natin.

Pero ayon sa isang pag-aaral, dapat ay mas mahal natin ang ating asawa kaysa sa ating anak. Sumasang-ayon ka ba dito?

People photo created by freepik – www.freepik.com 

Reaksyon ng mga mommies

Para kay Mommy Natalie Cabales, mula sa Quezon City, sang-ayon siya dito. Ito ang paliwanag niya kung bakit.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Given na mahal na mahal ko ang asawa ko kaya nga nagkaroon kami ng anak na bunga ng pagmamahalan namin. Ayun din ‘yong same reason kung bakit inaalagaan ko ang anak namin ng mabuti. Pero siyempre priority pa rin si mister.”

Ito ang pahayag ni Mommy Natalie na may 5-years-old na anak na si Zion at going strong sa relasyon nila ng kaniyang long-time partner na higit na sampung taon.

Sang-ayon din ang 31-anyos na mommy mula sa Marikina City na si Mean Mesa na dapat mas mahal ang asawa kaysa mga anak. Paliwanag niya ito ay para din daw umano sa kapakanan ng anak nila.

“Need makita ni baby habang lumalaki siya kung paano mag-care sa isa’t isa ang parents niya. Saka ang mister mo ang kasama mo ng pang-habangbuhay.”

Ito ang pahayag ni Mommy Mean. Isang halimbawa nga na ibinigay niya sa pagpapakita ng pagmamahal niya sa kaniyang mister ay kapag hinahayaan niyang maglaro muna ng cellphone ang 1 ½ year old baby girl niyang si Cassiel. Para makapagluto at makapaghanda lang ng kakainin ng asawa niyang si Earl pag-uwi nito galing sa trabaho.

BASAHIN:

7 rason kung bakit dapat bawasan ang pag-post tungkol sa inyong relasyong mag-asawa

7 bagay na maaaring pagmulan ng pag-aaway ng mag-asawa at tips para maiwasan ito

5 dapat gawin para hindi makaapekto ang pagkakaiba ng ugali ng mag-asawa sa pagsasama

Dahilan kung bakit dapat mas mahal ang asawa kaysa sa mga anak mo

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

People photo created by jcomp – www.freepik.com 

Kaugnay ng mga nabanggit na pahayag, may mga pag-aaral ang nagsasabing dapat mas mahal mo ang asawa mo kaysa inyong mga anak.

Isa sa mga dahilan kung bakit ay  mas lumalaking masaya at secure ang mga bata kapag nakikita nilang nagmamahalan ang mga magulang nila.

Nagiging modelo rin para sa mga bata ang mga nagmamahalang magulang sa kung paano dapat ang takbo ng isang relasyon. Ganun din kung paano ang tamang pagtrato sa mga magiging karelasyon nila pagdating ng panahon.

Ang mga pahayag na ito ay base sa pag-aaral na isinagawa ng mga researcher mula sa Arizona State University at nailathala sa Journal of Family Psychology.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinuportahan naman ang findings na ito ng isa pang pag-aaral na nagpakita ng epekto ng hindi magandang relasyon ng mag-asawa sa mga anak nila.

Ayon sa pag-aaral, ang tensyon sa pagitan ng mag-asawa ay naibubunton o napapasa nila sa mga anak nila. Ito nga ay partikular na nagagawa ng mga mister o ama ng ating mga anak.

Dagdag pa ng parehong pag-aaral, ang mga batang lumaki sa mga magulang na laging nag-aaway ay sinisisi ang kanilang sarili kung bakit ito nangyayari. Nadadala nga rin nila ito hanggang sa kanilang eskuwelahan na nag-rereflect sa performance nila sa kanilang pag-aaral.

Ayon naman sa isang 2014 survey sa United Kingdom, mas nagiging happy umano ang buhay ng mga nagbibinata o nagdadalang mga bata kapag masaya ang lovelife o relasyon ng kanilang ina sa kanilang asawa o male partners.

Paalala sa mga magulang

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

People photo created by tirachardz – www.freepik.com 

Kaugnay nito, may paalala ang resulta ng pag-aaral na ginawa ng gerontologist na si Karl Pillemer mula sa Cornell University para sa mga mag-asawa.

Ito ay ang mag-spend quality time sa inyong asawa. Mag-date kayo, lumabas o gumawa ng mga espesyal na activities na magkasama.

Sapagkat darating ang panahon na kapag tayo ay matatanda na ay hindi na natin ito kaya pang gawin. Ito rin ang panahon na kung kalian malalaki na ang ating mga anak.

Sila’y aalis na sa ating puder at magkakaroon na ng sariling buhay nila. Ang tanging tao na mananatili sa tabi natin ay ang ating asawa

Pero mahalagang maintindihan na hindi nangangahulugan ito na dapat ay unahin ang iyong asawa sa inyong anak. Dapat ay maging balanse lang o pantay ang atensyon na ibinibigay sa kanila.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sapagkat sila ay parehong mahalagang parte ng iyong buhay. Kailangan ka nilang pareho dahil kayo ay isang pamilya na nabubuhay at dumedepende sa isa’t isa.

Source:

Time, APA