Masahe sa baby: Benepisyo at paraan

Alamin ang benefits ng infant massage. Ang masahe sa baby ay hindi lang pagkakataon para kayo ay mag-bonding, makakabuti rin ito sa kalusugan ng iyong anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Maraming pag-aaral ang nagsasabi na ang masahe sa baby ay maroong iba’t ibang benepisyo sa kalusugan.

Ang masahe sa baby ay isang paraan upang mas magkaroon ng bonding sa iyong anak, at nakakarelax din ito para sa iyo bilang magulang.

Benepisyo ng masahe sa baby

Ang infant massage ay:

  • Naghihikayat ng bonding sa pagitan ng sanggol at magulang
  • Nakakatulong upang marelax at makatulog ang sanggol
  • May positibong epekto sa hormones ng sanggol na nagko-control ng stress
  • Nakababawas ng pag-iyak ng sanggol

Bagamat kinakailangan pa ng mas malalim na pag-aaral, may ilang pagsusuri na ang nakapagsabi na ang masahe sa baby na may kasamang moderate pressure ay nakatutulong sa paglaki ng premature babies.

May masahe rin na nakakatulong sa kabag ng baby:

Mayro’n din namang nakakapagpakalma:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kailan dapat masahiin si baby

Maghintay ng 45 minuto pagkatapos kumain bago masahiin si baby upang hindi ito masuka. Obserbahan din ang mood ng iyong anak. Kung kalmado ito, maaaring magustuhan nito ang masahe. Ngunit kung naglilikot ito at ayaw humarap kung kinakarga, ipagpaliban na muna ang masahe.

Nasa sa iyo bilang magulang kung kailan ang pinakamainam na oras, at kung gaano kadalas bigyan ng masahe si baby. Kung bagong panganak na sanggol, maaari mo itong masahiin araw-araw. Kung toddler na ang iyong anak, maaari mo namang isama sa bedtime routine nito ang kaniyang masahe upang makatulong sa kaniyang pagtulog.

Paano masahiin si baby?

Kailangan paghandaan at pagsanayan ang pagbibigay ng masahe sa baby. Bago magsimula:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Lumikha ng kalmadong kapaligiran. Pinakamainam na gawin ang pagmamasahe sa isang tahimik at hindi malamig na lugar. Huwag magsuot ng alahas sa iyong kamay at braso. Umupo sa sahig o kama, o tumayo sa harap ng changing table at ipuwesto sa iyong harapan si baby sa ibabaw ng blanket o tuwalya. Habang hinuhubaran ng damit, kausapin si baby at ipaliwanag na oras na upang magmasahe.

Maging aware sa iyong haplos. Dapat ay gentle ang paghaplos kay baby sa umpisa ng pagmamasahe. Habang lumalaki si baby, maaari nang i-adjust ito.

Dahan-dahang masahiin si baby. Simulan ang masahe na nakadapa si baby, at maglaan ng isang minuto sa pagmasahe ng bawat parte ng katawan: ulo, leeg, balikat, itaas na bahagi ng likod, bewang, hita, binti, kamay, at paa. Saka ihiga si baby at maglaan ng isang minuto para sa extending at flexing ng bawat braso at binti. I-extend at i-flex din ang parehong binti nang sabay. Ulitin ang rubbing motions nang lima pang minuto, nakahiga man o nakadapa si baby.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Panatilihing relaxed si baby. Kausapin si baby sa buong panahon ng pagmamasahe. Maaari siyang kantahan o kuwentuhan.

Obserbahan si baby. Kung mukhang masaya si baby at inuugoy ang kaniyang mga braso, senyales ito na nagugustuhan niya ang masahe at dapat itong ipagpatuloy. Ngunit kung iniiwas niya sayo ang kaniyang ulo at hindi siya mapakali, ihinto muna ang masahe sa baby at subukan sa ibang pagkakataon.  

Paggamit ng oil

Nasa sa iyo kung gagamit ng oil sa pagmamasahe. May mga gumagamit nito upang mabawasan ang friction sa pagitan ng kanilang kamay at sa balat ng sanggol. May iba namang ayaw gumamit nito dahil malagkit at makalat. Kung gagamit ng oil, piliin ang walang amoy at iyong edible, kung sakaling mapunta ito sa bibig ni baby. Kung sensitive ang balat ni baby at mayroon itong allergies, i-test muna ang oil sa maliit na bahagi ng kanyang balat at tingnan kung may reaction ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Maaaring ilang beses na pagsubok ang kailangan bago maging sanay si baby sa pagmamasahe. Huwag mawalan ng pag-asa at ulit-ulitin lamang ito.

Kumonsulta muna sa doktor kung may karamdaman at kondisyon ang inyong anak bago magbigay ng masahe sa baby.

Source: Mayo Clinic 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Romy Peña Cruz