Masakit na sex o pakikipagtalik? Alamin dito ang mga posibleng dahilan!
Talaan ng Nilalaman
Masakit na sex o pakikipagtalik sa mga babae
Hindi lamang si mister ang dapat nage-enjoy sa sex, pati na rin si misis! Ngunit ayon sa isang pag-aaral ng American College of Obstetricians and Gynecologists tatlo sa bawat apat na babae ang nakakaramdam ng masakit na sex. May iba na nakakaramdam ng sakit ngunit panandalian lang, ang iba naman nakakaramdam nito tuwing nakikipagtalik.
Madalas man o paminsan-minsan, nakakasagabal ito sa pag-lovemaking ng mag-asawa. Ang masaklap pa dito, karamihan ng mga babae, iniinda na lang ang sakit. Hindi raw dapat ito ang kaso, ayon kay Dr. Tami M. Prince, isang OB GYN.
“Kung nakakaramdam ng sakit, dapat ipaalam ito sa inyong doktor,” aniya. “Hindi dapat tinitiis ang sakit.”
Hindi dapat na ipinapagsawalang bahala na lang ang mga karamdaman na ganito dahil baka mamaya, may mas malalim na ugat pala kung bakit nakakaramdam ng masakit na sex imbis na pleasure.
Heto ang mga posibleng dahilan, ayon sa Women’s Health magazine:
1. May problema sa kalusugan
Kadalasan sintomas ng ibang problema sa kalusugan kapag nakakaranas ng sakit habang nagtatalik. Ang mga karaniwang sakit ay ang vaginitis o ang pamamaga sa vagina dahil sa yeast infection o ‘di kaya’y sexually transmitted disease (STD). Maaari ring may sakit na endometriosis, impeksiyon sa bladder, cyst sa obaryo o di kaya’y uterine fibroids.
Mayroon ding ibang kababaihan na sadyang hindi maganda ang pagka-porma ng kanilang reproductive system. Ayon kay Dr. Prince, may iba na mayroong titled uterus na kinakailangan ng operasyon upang maisaayos.
Importante na kumonsulta sa duktor upang malaman kung may problema ba sa kalusugan.
2. May problema sa hormones
Ayon sa mga doktor, nakakaranas ng vaginal dryness kapag mababa ang estrogen hormones dahil sa stress, epekto ng pag-inom ng gamot o ‘di kaya’y menopause. Importante ang estrogen dahil tinutulungan nito ang mga babae na maging naturally lubricated.
Kapag dry ang vagina, nagkakaroon ng friction kapag ipinapasok ang penis kaya nagiging nakakaramdam ng masakit na sex.
Photo by cottonbro from Pexels
3. Kulang sa lubricant
Kahit na may natural na lubricant na napro-produce ang vagina, minsan hindi ito sapat mas lalo na kung nakakaranas ng vaginal dryness katulad ng nasabi sa itaas. Maaaring gumamit ng lubricant. Siguraduhin lang na hiyang ka dito bago ito gamitin.
4. Hindi kumportableng posisyon
Minsan kaya nagiging masakit ang sex dahil sa posisyon ninyong mag-asawa, ayon kay Dr. Prince. Dagdag pa niya na kung medyo naka-kurba ang penis ni mister, nagiging hindi ito kumportable sa iyo.
Kaya maige na sumubok ng iba’t ibang posisyon para mahanap niyong mag-asawa kung ano ang pinakakumportable sa inyong dalawa.
Ang karaniwan umano na pinakakumportableng posisyon ay ang missionary at ang spooning.
5. Masyadong malaki si mister
Hindi totoo na kapag mas malaki, mas magiging masarap ang pagtatalik. May mga ibang babae na nahihirapan mag-adjust kung masyadong malaki ang penis ng partner nila, ayon kay Dr. Prince.
May mga posisyon na maaaring ninyong subukan upang mas maging kumportable sa penis ni mister—katulad ng reverse cowgirl, seated straddle, at reverse spoon.
6. May naranasan kang trauma
May mga babae na hindi kumportable sa sex matapos ang isang traumatic experience katulad ng sexual assault. Dahil sa trauma na naranasan, nagkakaroon ng involuntary spasm ang vagina muscles tuwing nagtatalik kaya hindi nagiging kumportable ang sex.
Payo ni Dr. Prince, magpa-konsulta sa isang psychiatrist para mabigyan ng kaukulang pansin ang trauma na pinagdaanan.
7. Hindi okay ang relasyon
Woman photo created by jcomp – www.freepik.com
Para sa karamihan ng babae, nagsisimula ang libog sa utak. Kapag hindi masaya ang relasyon ninyong mag-asawa o ‘di kaya’y may problema sa pagsasama, nagiging sanhi ito ng hindi enjoyable na sex. Mabuting ayusin ang kung ano mang problema na maaaring nakaka-apekto sa sex life ninyo.
8. Kapag gumagamit ng maraming feminine products
May mga iba-ibang produkto na ginagamit na maaaring nagiging sanhi ng pagkakaroon ng bacterial vaginosis o ang inflammation na sanhi ng bad bacteria.
May mga produkto kasi na akala natin ay nililinis vagina pero mas nakakasama pala ito. Maige na kumonsulta sa iyong duktor para alamin kung ano ang mga produkto ang puwedeng gamitin.
Mga kondisyon na maaaring mag-dulot ng pananakit ng ari sa mga babae habang nakikipagtalik
Ang masakit na sex o pakikipagtalik sa mga babae ay maaring sintomas na pala ng isang kondisyon na kaniyang nararanasan. Ang mga kondisyon na maiiugnay dito ay ang sumusunod:
9. Vaginismus
Ang vaginismus ay tumutukoy sa involuntary tensing o spasm ng vaginal muscle ng babae. Ito ay maaaring maranasan ng babae habang nakikipagtalik, habang angelology ng tampoons o habang sumasailalim sa pelvic exam.
Para malunasan ang vaginismus at ma-relax ang vaginal muscles, makakatulong ang kegel exercise, vaginal dilators at cognitive-behavioral therapy (CBT).
10. Vaginal infections
Ang vaginal infection ay kilalal rin sa tawag na vaginitis o ang inflammation na nararanasan sa vagina. Ito ay dahil sa pagkakaroon ng imbalance ng yeast at bacteria na naninirahan sa vagina.
Maliban sa pananakit ng vagina habang nakikipagtalik, ang isa pang sintomas nito ay ang pagkakaroon ng mabahong discharge kumpara sa normal.
11. Problema sa cervix o sa opening ng matris
Kung ang cervix ay may problema ay maari ring makaranas ng pananakit sa ari habang nakikipagtalik ang babae. Maaring ang cervix ay may impeksyon kaya nagdudulot ng sakit ang deep penetration.
12. Problema sa uterus o matris.
Photo by Sora Shimazaki from Pexels
Kung ang matris ng isang babae ay may fibroids o mayoma ay maaaring magdulot rin ito ng pananakit habang siya ay nakikipagtalik.
Ang isang babae ay maaaring magkaroon ng isa o higit pang fibroids sa matris. Madalas itong nararanasan ng mga babaeng edad 30-anyos kung kailan nagsisimula na ang pagmemenopause.
Maliban sa masakit na sex o pakikipagtalik, ang isang babaeng may fibroids sa matris ay nakakaranas ng masakit at malakas na regla na maaring mauwi sa anemia.
13. Endometriosis.
Ang endometriosis ay isang painful disorder na kung saan ang tissue na dapat ay nakalinya sa loob ng uteros o endometrium ay tumubo sa labas ng uterus.
Ang kondisyon na ito ay maaaring maapektuhan ang ovaries, fallopian tubes at tissue lining ng uterus na maaring kumalat sa pelvic organs.
Maliban sa pananakit habang nakikipagtalik, nakakaranas rin ng sakit sa tuwing umiihi at nireregla ang isang babae na nagtataglay ng kondisyon na ito.
14. Problema sa ovaries tulad ng pagkakaroon ng cyst.
Marami sa mga babae ay mayroong ovarian cyst. Pero madalas ay wala itong ipinapakitang sintomas dahil sa ito naman ay harmless o kusang mawawala ng hindi kailangan ng treatment o gamot.
Pero kung ang ovarian cyst ay pumutok na dito na nagsisimula ang problema. Ang palatandaan na make na ang ovarian cyst ay ang pananakit sa tuwing nakikipagtalik, pelvic pain, fullness o mabigat na tiyan at bloating.
15. Pelvic inflammatory disease (PID).
Ang pelvic inflammatory disease ay tumutukoy sa impeksyon sa female reproductive organs. Ito ay madalas na nangyayari kapag ang sexually transmitted bacteria ay kumalat na mula sa vagina, uterus, fallopian tubes at ovaries.
Madalas ay wala itong ipinapakitang sintomas maliban nalang sa chronic pelvic pain at hirap sa pagbubuntis sa katagalan.
16. Ectopic pregnancy
Ang ectopic pregnancy ay tumutukoy sa pagtubo ng fertilized egg sa labas ng matris ng babae. Maliban sa masakit na sex o pakikipagtalik, makakaramdam rin ng sintomas ng pagbubuntis tulad ng pagduduwal at pagkahilo ang babaeng nakakaranas nito.
17. Menopause
Ang babaeng pa-menopause na ay maari ring makaranas ng pananakit sa pakikipagtalik. Ito ay dahil kapag menopause na ay nababawasan ang normal moisture sa kaniyang ari at ito ay nagiging dry na.
18. Maagang pagtatalik matapos manganak.
Ang maagang pagtatalik matapos manganak ay maari ring magdulot ng sakit sa ari sa mga babae. Ayon sa mga health experts wala namang eksaktong panahon o oras kung kailan maaari ng makipagtalik ang isang babae.
Pero madalas sa unang dalawang linggo matapos manganak sila at risk na makaranas ng komplikasyon o impeksyon. Puwedeng ang pananakit na ito ay dulot rin ng hiwa sa panganganak o episiotomy. Ito ay hiwa sa kalagitnaan ng vagina at anus na nakakatulong para mailabas ang sanggol.
19. Sexually transmitted diseases
Ang sakit sa tuwing pakikipatalik ay maaring palatandaan rin ng sexually transmitted disease tulad ng genital warts at herpes sores. Lalo na kung ito ay sasabayan ng pangangati ng ari at mabahong vaginal discharge.
20. Vulvodynia
Ang vulvodynia ay ang chronic pain na nararanasan sa external sexual organs ng mga babae. Tulad ng labia, clitoris at vaginal opening. Sa ngayon ay hindi pa tukoy ang dahilan nito pero makakatulong ang mga pag-aalaga ng maayos sa sarili at gamot para maibsan ang pananakit na dulot nito.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.