STUDY: Mas nagiging pasaway ang bata kapag pinapalo

Kung ito ang ginagamit mong style ng pagdidisiplina sa iyong anak, mabuting ngayon ay itigil mo na.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Masama bang paluin ang bata? Oo, ang sagot ng mga pag-aaral at narito ang mga paliwanag kung bakit.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Masamang epekto ng pamamalo sa isang bata.
  • Ibang paraan kung paano didisiplinahin ang bata.

Masama bang paluin ang bata?

Ayon sa isang bagong pag-aaral na nailathala sa journal na Lancet, hindi nakakabuti ang pamamalo sa isang bata. Kahit na ito ay para itama lang ang mali niyang ugali o ginawa.

Sapagkat imbis na makatulong ay nakakadagdag pa umano ito sa dahilan para mas tumigas ang ulo niya habang nagdudulot din ito ng masamang epekto sa development niya.

“Parents hit their children because they think doing so will improve their behavior. Unfortunately for parents who hit, our research found clear and compelling evidence that physical punishment does not improve children’s behavior and instead makes it worse.”

Ito ay ayon sa senior author ng pag-aaral na si Elizabeth Gershoff. Si Gershoff ay isang professor ng human development at family sciences mula sa The University of Texas sa Austin, USA.

May negatibong epekto ang pamamalo sa isang bata

People photo created by master1305 – www.freepik.com 

Para malaman ang epekto ng pamamalo sa isang bata ay ni-review ni Gershoff at kaniyang mga kasamahan ang 19 na pag-aaral tungkol sa pamamalo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nasa 13 sa mga pag-aaral ang may parehong natuklasan. Ito ay ang negatibong epekto ng pamamalo na maaring magdulot ng pang-matagalang impact sa buhay at behavior ng isang bata.

Ang mga negatibong epekto ng pamamalo na natukoy ng ginawang pag-aaral ay ang sumusunod:

  • Increased aggression o mas nagiging aggressive ang batang pinapalo.
  • Mas nagiging anti-social ang behavior ng isang bata.
  • Nagiging mas disruptive rin o malala ang pangit na ugaling ipinapakita ng batang pinapalo para madisiplina.
  • Mas nagiging pasaway ang bata lalo na kapag nasa eskuwelahan.
  • Mas kaunti ang cognitive skills na natutunan ng isang batang pinapalo para ma-disiplina kumpara sa mga batang hindi pisikal na pinaparusahan.
  • Habang mas dumadalas ang pamamalo mas lumala ang magiging epekto nito sa behavior at well-being ng isang bata.
  • Mas nagpapakita ng conduct problems at palatandaan ng oppositional defiant disorder ang isang bata. Ang mga palatandaan nito ay temper tantrums at pagsagot sa magulang o hindi pagsunod sa mga sinasabi sa kaniya. Pagiging matigas ang ulo na maipapakita niya sa paglabag sa mga rules.
  • Naging mapaghiganti rin ang batang pinapalo.
  • Mataas ang tiyansang ang mga batang pinapalo ay makaranas ng severe violence o neglect.

Mahalagang malaman ng mga magulang

School photo created by drobotdean – www.freepik.com 

Mahalagang malaman ng mga magulang na ang mga epektong nabanggit ay dulot lamang ng simpleng pamamalo gamit ang kamay o spanking sa isang bata.

Hindi kabilang sa ginawang pag-aaral ang epekto ng verbal at malalang physical punishments. Tulad ng paghampas sa bata gamit ng object at gamit. Pagsipa sa bata, pananapak at iba pang malalang uri ng pananakit.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dagdag pang findings ng ginawang pag-aaral, kung ang isang bata ay nagkaroon na ng behavior problems dulot ng pamamalo, hindi basta-basta mababawasan ang epekto nito kahit na magbago o maging positive na ang style ng parenting na ipinapakita sa kaniya.

BASAHIN:

6 na pamamaraan sa pagdidisplina sa anak at kalahagahan nito

6 na paraan nang pagdidisiplina ng walang parusa

7 warning signs na kulang sa disiplina ang isang bata

Rekumendasyon ng mga eksperto

Dahil sa naging resulta ng ginawang pag-aaral, ang rekumendasyon ng mga eksperto ay huwag paluin ang mga bata. Sa halip, gumamit ng healthy forms of discipline.

Tulad na lamng ng pagre-reinforce ng tamang pag-uugali, pagse-set ng limits sa kaniyang mga ginagawa at pag-seset ng kaniyang expectations.

Maliban sa pamamalo ay dapat din iwasan umano ang pagsasabi ng mga masasamang salita sa bata, pamamahiya sa kaniya at pagmumura.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Parents should never hit their child and never use verbal insults that would humiliate or shame the child.”

Ito ang pahayag ni Dr. Robert Sege isang child abuse expert mula sa American Academy of Pediatrics.

Pagdidisiplina sa maliliit na bata

Photo by Ketut Subiyanto from Pexels

Dagdag pa ni Sege, dapat mula pagkabata, lalo na sa unang taon ng buhay ng isang sanggol ay puro pagmamahal lang ang maramdaman niya.

Ito rin ang panahon na kung saan matutunan ng isang bata ang pag-iyak at paggawa ng mga gulo sa bahay. Kaya naman mas mabuting turuan siya ng mga positive na pag-uugali sa pamamagitan ng pagbibigay ng atensyon at pagmamahal sa kaniya.

Sa mga toddlers naman o batang edad apat taon pababa, payo ni Sege dapat ay bigyang atensyon ang mga tamang gawi o magagandang bagay na ginagawa ng iyong anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ito ay dapat purihin o tumbasan ng reward para mas gawin pa nila. Sa oras naman na may ginawa silang mali, ay ilagay sila sa time-out at bahagyang alisan sila ng atensyon. Sa ganitong paraan ay nabibigyan sila ng punishment sa mali nilang nagawa.

Habang lumalaki naman ang bata, hayaan siyang matuto sa consequences ng kaniyang mga ginagawa. Tulad na lamang kapag hindi niya niligpit ang mga laruan niya matapos gamitin ang mga ito.

Sabihin sa kaniya na hindi niya na ito muling malalaro pa kung ito ay hindi niya ililigpit at itatabi. Sa ganitong paraan ay mas nagiging responsable siya at lumalaking isang batang may mabuting ugali.

 

Source:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

CNN Edition