Ano ba ang tamang paraan ng pagdidisiplina sa anak? Basahin at alamin ang mga tips ni Mommy Romina.
Mababasa sa artikulong ito:
- Mga suliranin sa pagdidisiplina sa anak ayon sa isang first-time mom
- Paraan ng pagdidisplina sa bata – 6 tips ni Mommy Romina
Bilang isang first time mom, inaamin ko na hindi ako ganoong kabihasa sa pagdidisiplina ng anak o bata. Wala akong anumang karanasan pagdating sa pagdidisiplina ng mga bata.
Pero sa aking sariling paraan, alam kong nadidisiplina ko nang maayos at tama ang aking anak.
Paraan ng pagdidisplina sa bata na walang parusa. | Larawan mula sa author
Suliranin ng pagdidisiplina, ayon sa isang first-time mom
Base na rin sa aking karanasan bilang magulang, hindi talaga madali ang pagiging isang ina, lalo na sa parte ng paraan ng pagdidisiplina sa bata.
Nagsimula akong disiplinahin ang aking anak noong tumungtong siya ng ng 1-taong gulang. Sa kaniyang murang edad, may mga oras na nauubusan pa rin ako ng pasensya, nawawalan ng gana, at na i-stress din ako paminsan- minsan.
Kahit anong pilit kong intindihin at ipaintindi sa anak ko yung tama at maling gawain, hindi talaga nawawala ‘yong factor na mawalan ka ng pasensya at hayaan nalang.
But it takes time, ika nga ng iba. Huwag mong madaliin ang iyong anak sa mga dapat niyang matutunan. Unti-untiin mo lang siya.
6 na paaraan ng pagdidisplina sa bata – ayon kay Mommy Romina
Ito ang aking 6 na paraan kung paano ko dinidisiplina ang aking anak nang walang anumang kasamang parusa.
1. Inuunawa ko siya, base sa edad at kakayahan niya.
Sa edad na 3-taon pababa, mahirap pa ipaintindi sa iyong anak ang mga bagay na gusto mong matutunan nila, kaya naman sa halip na magalit, bigyan na lang sila ng oras at habaan ang iyong pasensya.
Alamin mo kung ano ba yung mga pangangailangan, kagustuhan at hobbies ng iyong anak. Unawain din natin yung mga ayaw nila.
Paraan ng pagdidisplina sa bata na walang parusa. | Larawan mula as author
BASAHIN:
Iba’t ibang paraan ng pagdidisiplina sa bawat edad ng bata
Black sheep nga ba o parati lang nasisisi? 6 signs na hindi patas ang pagdidisiplina sa mga anak
How do you discipline your child? One mom shares her failure and victories approach
2. Lagi ko siyang tinatanong kung ano ang problema.
Marahil madalas dinadaan sa iyak ng mga bata ang mga bagay na hindi nila kayang ipaliwanag. Pero bilang magulang, ugaliin natin silang tanungin kung ano ang problema. Daanin sa maayos na usapan at huwag pagalitan o sabayan ang pagsigaw ng anak.
Para sakin, kung hindi ko talaga makuha sa maayos na usapan, madalas dinadaan ko na lang sa pagpapatawa. Kapag alam kong nakuha ko na ang atensyon niya, tsaka ko siya kakausapin.
3. Binibigyan ko siya ng rules na naaayon sa edad niya.
Sa aming tahanan, nay mga patakaran na kaya niyang sundin at mayroon ring mga bagay na hindi niya pwedeng gawin.
Bigyan sila ng ilang rules upang mas maunawaan nila ang mali at tama. Umpisahan sa mga pagkain ng hindi dapat kainin, mag takda ng oras sa paglalaro at pag-aaral.
Para sa’kin, kapag naging masyado kang maluwag sa bata, maaring magdulot ito ng paggawa ng masama ng anak. Madalas ay ang hindi pag sunod nito sa magulang.
4. Ang pagpalo sa bata ay naaayon sa desisyon ng magulang.
Larawan mula author
Marami ang nagsasabi na ang pamamalo ay isa sa pinakamainam na paraan para madisiplina ang anak. Pero isa rin ito sa dahilan kung bakit sa murang edad ng mga bata ay nakararanas sila ng depression, pagbubulakbol at pagtatanim ng matinding galit.
Kung sa tingin mo naman ay kailangan mo ng paluin ang iyong anak, maaari mo siyang paluin sa kamay lamang. Huwag mo itong samahan ng galit. Bagkus, ipaintindi sa kanila ang maling nagawa.
5. Binibigyan ko siya ng oras para isipin at alalahanin ang mali niyang nagawa.
Ang face the wall o time out para sa 2-taon pataas ay mainam upang mas maintindihan nila na may mali silang nagawa. Isa rin itong paraan para pakalmahin ang bata at makausap sila ng maayos.
Madalas ko itong ginagawa sa aking anak. Sa halip na pagalitan ko siya o paluin, sa tingin ko ay mas epektibo ito sa kanya dahil mas madali niyang nauunawaan yung maling nagawa niya. Gayundin, napapakalma ko muna siya bago ko siya kausapin.
6. Dinidisiplina ko pa rin siya ng may pagmamahal.
Mayroon man tayong kanya-kanyang paraan ng pagdidisiplina sa ating mga anak, huwag natin kalimutan ang pagmamahal natin sa kanila.
Huwag daanin sa pagsigaw, galit o pamamalo ang pagdidisiplina. Sa kaunting pangaral lang nating mga ina, mapapasunod natin sila. Huwag kalimutang magbaon at maglaan ng mahabang pasensya sa ating mga anak.
Lagi nating tatandaan, ang pinapakitang ugali ng bata ay repleksyon ng magulang. Ito ay kung paano natin na disiplina ng maayos ang ating mga anak.
Madali sa ibang tao ang ma-judge ang pagiging magulang. Pero lagi nating tatandaan, we’re all not perfect moms or parents, but we can be the best parents for our child. Tayo lang ang nakakaalam kung ano ang dapat at nakakabuti sa ating mga anak.
TUNGKOL SA AUTHOR
Si Romina Mendoza ay isang stay-at-home mom mula sa Quezon City. Bukod sa pagluluto ng masasarap na pagkain sa kaniyang anak na si Zemirah Beanca, mahilig rin siyang gumawa ng mga content na makakatulong sa ibang mommies.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!