Hindi patas na pagdidisiplina sa anak o pagiging scapegoat. Ito ay kapag puro paninisi at pagbabatikos sa bata ang nangyayari kahit hindi naman nila kasalanan.
Mababasa sa artikulong ito:
- Ang scapegoated child
- 6 signs na hindi patas ang pagdidisiplina sa mga anak
Paano nga ba malalaman na isa ka sa mga magulang na ito at ano ang maaaring maging epekto sa mga bata?
6 signs na hindi patas ang pagdidisiplina sa mga anak | Image from Shutterstock
Scapegoated child
Hindi natin napapansin ngunit ang batang inilalarawan ng usaping ito ay nakakaranas ng emosyonal na pang-aabuso. Isa itong uri ng berbal na pang-aabuso na siyang nagdudulot ng pangmatagalang epekto sa mentalidad ng bata. Pwedeng makaapekto ito sa kanilang pang araw-araw na gawain at maaaring madala rin hanggang sa lumaki.
Ang mga scapegoated child ay nakakatanggap ng masasakit na salita ng paninisi kahit hindi naman nila ito kasalanan. Ang kaniyang kinabibilangan na pamilya ay mahilig din magkontrol.
BASAHIN:
7 signs na kulang sa focus at concentration ang anak mo
6 healthy tips kung paano disiplinahin ang batang mainitin ang ulo
Paano disiplinahin ang anak nang hindi sinisigawan o pinapalo?
6 signs na hindi patas ang pagdidisiplina sa mga anak
Parents, pay attention! Bawat magulang ay may kaniya-kaniyang paraan ng pagdidisiplina sa kanilang anak. Ngunit paano nga ba malalaman na you are crossing the line at hindi na patas ang pagdidisiplina mo sa iyong anak?
1. Malayo ang loob sa’yo ng anak mo
Upang makaiwas sa maaaring matanggap na negatibong salita, ang mga batang berbal na naaabuso ay tuluyang lumalayo ang loob sa mga magulang. Maaaring hindi ito sumasabay kumain, laging nakakulong sa kwarto o nakakaramdam ng pag-iisa.
Hindi maiiwasang maging sensitibo ang mga anak na ganito dahil nasanay silang hindi pinapakinggan ng mga magulang. Kung sakaling magsalita man sila ng katotohanan, hindi pa rin sila papakinggan at patuloy na ipapagsawalang bahala ang kaniyang mga salita.
2. Sinisisi mo ang anak mo sa bagay na hindi naman niya kasalanan
Ito ang tunay na depinisyon ng scapegoat child. Malaki ang damage nito sa batang inilalarawan nito hanggang sa paglaki. Nangyayari ito kapag ang isang magulang ay sinisi ang nakatatandang kapatid kahit kamalian ito ng isa pa niyang anak. Lahat ng batikos at paninisi ay nasa panganay.
Ang mga batang lumaki sa ganitong pag-uugali ay nagkakaroon ng habangbuhay na epekto sa kanila at imposible nang matanggal pa.
3. Isang tao agad ang naiisip kapag may maling nangyari
Sa ganitong klase ng pagdidisiplina, may mga partikular na tao sa isang pamilya ang nagiging “scapegoated”, kung may mangyaring mali, sila agad ang sisisihin.
Katulad na lamang kapag ang isang nanay ay sobrang abala sa gawaing bahay at nakalimutan ang appointment ni baby sa doktor, imbes na aminin ang kamalian ang kaniyang scapegoated na anak ang agad na sisisihin.
4. Hindi nakakatanggap ng papuri ang iyong anak
Normal na sa isang pamilya ang purihin o bigyan ng positive words ang kanilang mga anak kapag nakakagawa ng mabuti. Ngunit kapag ang isang bata ay nasa pamilyang ganito ang pagdidisiplina, bigo silang makakuha ng papuri sa bawat achievement na natatanggap.
Kumbaga mas nakikita nila ang pagkakamali na isinisisi sa mga anak na ito imbes na positibong bagay.
6 signs na hindi patas ang pagdidisiplina sa mga anak | Image from Shutterstock
5. Ang “punching” bag ng pamilya
Ang uri ng set-up na ito ay hindi nalalayo sa bullying. Pang-aabusong berbal na nangyayari sa loob ng bahay at pamilya. Bukod sa panininisi, ang mga batang scapegoated ay pinagkakatuwaan din.
Maaaring sa iba ay wala lang ito ngunit para sa batang nakakaranas nito ay hindi maganda ang epekto sa kanilang mentalidad.
6. Mababa ang self-confidence
Dahil nga nasanay na ang isang bata na siya ang sinisisi sa halos lahat ng bagay, habang tumatagal, nabubuo sa kaniyang isip na may mali talaga sa kaniya.
Maaaring maapektuhan ang kaniyang pang araw-araw na gawain, performace sa paaralan o kaya naman kung paano siya makihalubilo sa mga kaibigan. Bumababa ang kanilang tiwala sa sarili dahil nabuo na sa kanilang isip na sila ang mali at walang magagawang tama.
Source:
Psychology Today
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!