“Focus! 5 minutes na lang ang natitira at makakapaglaro kana rin!” Dumating kana rin ba sa puntong ito na hirap maka-concentrate ang iyong anak? Pansin mo ba kung paano kontrolin ang attention span nila? Well, hindi ka nag-iisa!
Mababasa sa artikulong ito:
- Child attention span chart
- 6 paaan para mapabuti ang attention span ng bata
- 7 signs na kulang sa focus at concentration ang anak mo
Hindi natin maikakaila na ang mga bata ay mayroong maiksing attention span. Ngayon, kung nais mong mapabuti ang haba ng atensyon ng iyong anak, magandang pagsasanay kung gagamitin mo ang span chat para rito. Makikita ang pagkakaiba ng attention span sa bawat edad ng tao.
Attention span ng mga bata | Image from iStock
Child attention span chart
Ang attention span ay ang oras kung hanggang saan itatagal ng iyong concentration na hindi nawawalan ng focus. Ayon sa mga eksperto, ang attention span ng isang bata ay tumatagal ng tatlong minuto kada taon.
Narito ang itsura ng attention span ng mga bata:
- 2-years-old: four to six minutes
- 4-years-old: eight to 12 minutes
- 6-years-old: 12 to 18 minutes
- 8-years-old: 16 to 24 minutes
- 10-years-old: 20 to 30 minutes
- 12-years-old: 24 to 36 minutes
- 14 years old: 28 to 42 minutes
- 16 years old: 32 to 48 minutes
Ang chart na ito ay makakatulong biglang gabay sa ‘yo ngunit tatandaan na ito at general markers. Maraming mga dahilan na umuugnay sa attention span ng bata kapag naglalaro.
Halimbawa, gaano kagutom o kapagod ang iyong anak sa isang aktibidad, kasama na ang pagkakaroon ng interes niya rito. Gayunpaman, kung ang attention span ng iyong anak ay mas maikli sa average, kinakailangang bigyan agad ito ng pansin.
BASAHIN:
8 signs na hindi na healthy ang pagiging mahigpit mo sa anak mo
10 paraan kung paano baguhin ang ugali ng bata
4 na masamang epekto sa mata ng bata sa sobrang pagbababad sa gadget
6 paaan para mapabuti ang attention span ng bata
Narito ang aniim na paraan para ma-improve ang attention span ng iyong anak.
1. Maging creative
Maging creative para ganahan ang iyong anak sa isang gawain. Halimbawa, hindi mahilig sa math ang iyong anak. Ang solusyon? Hayaan siyang mag-solve ng math gamit ang finger paint. Kadalasan, hindi tinatapos ng mga bata ang isang gawain kapag ayaw nila nito.
2. Gawing komportable
Kung alam mong nahihirapan ang iyong anak sa isang gawain, lagi silang tignan at gabayan. Madali silang ma-distract kapag nalilito sila sa isang bagay.
Bilang panimula ng iyong paggabay, ipakita sa kaniya ang isang problem at i-solve ito habang sinasabi kung paano solusyunan. Saka ipagawa na ang susunod na problem.
Attention span ng mga bata | Image from iStock
3. Purihin ang effort ng iyong anak
Lagi nating pinupuri ang kinalabasan ng gawain pero hindi ang effort ng bata. Importanteng ipakita sa kanila kung gaano sila kagaling. Makakatulong ito para mapabuti ang kanilang confidence at lakas na sumubok ng bagong bagay.
4. Isa-isahin ang gawain
Para matulungan siya, ipaliwanag ang bawat instruction ng dahan-dahan. Mas mapapadali ang gawain kumapara sa pagbibigay ng mahahabang instruction o paninigaw.
Halimbawa, nakita mong marumi ang kaniyang kwarto, imbes na sabihan ito ng “Linisin mo ang kwarto mo ngayon!” Maaaring sabihin na, “Iligpit mo ang mga laruan mo sa kuwarto. Babalik ako pagkatapos ng 30 minutes para tignan ulit ang kuwarto mo.” At pagkabalik mo, sundan ito ng pangalawang instruction na, “Linisin mo rin ang lamesa mo.”
5. Bigyan sila ng atensyon
Para kay Neal Rojas, M.D., isang developmental-behavioural paediatrician sa UCSF Benioff Children’s Hospital sa San Fracisco, kinakailangang bigyan ng atensyon ang mga bata para bigyan ka rin niya ng atensyon.
“It’s easy for a parent to get stuck in a rut. Our attention is often scattered. But if our attention is scattered, and we can’t bring ourselves back to the moment, we can’t expect a child to be able to do so.”
Para maintindihan ka nila ng maayos, lapitan sila at tignan diretso sa mata habang nagtuturo.
6. Paglaban sa gutom at pagod
Kung pagod o gutom ang iyong anak, paniguradong hirap silang makapag-focus sa isang gawain. Kapag naman sila ay may sakit, hayaan lang silang magpahinga.
Para malabanan ang gutom, maaaring bigyan sila ng snack bago ang isang gawain. Siguraduhin namang ito ay masustansya at hindi naglalaman ng fat at asukal.
Attention span ng mga bata | Image from iStock
7 signs na kulang sa focus at concentration ang anak mo
Makakatulong ang attention span chart bilang gabay sa ‘yo. Subalit kung pansin mong kakaiba na ang kanilang kondisyon, maaaring konektado ito sa ibang dahilan.
Maaaring ito ay isang seryosong mental health condition o learning disorder. Kaya naman magandang pag-aralan ang attention span ng iyong anak at kung pasok ba ito sa average chart.
Oo, iba-iba ang mga bata subalit nandiyan pa rin ang mga red flag na kailangang bantayan na hindi mo dapat ipagsawalang bahala. Kung napansin mo ito sa iyong anak, ipatingin agad sila sa espesyalista.
1. Hindi makontrol ang emosyon
Kung sakaling napansin mong hindi makontrol ng iyong anak ang kaniyang emosyon o pagkagusto sa isang bagay, maaring ito ay senyales ng Impulse-control disorder (ICD). Kung saan hirap silang labanan ang mga isang temptasyon.
2. Mababang marka
Apektado ang pag-aaral ng mga batang may maiksing attention span. Ito ay kapag consistent ang pagkakaroon nila ng mababang marka sa paaralan o hindi nakakatagal sa isang gawin.
3. Kinakailangan na tutukan pa sila ng atensyon
Ito ay kapag gagalaw o tatapusin lang nila ang isang gawain kapag nandiyan ka sa paligid. Pasok din dito kapag hirap maintindihan ng iyong anak ang simpleng instruction na ibinigay sa kaniya.
4. Hindi makatagal sa isang gawain
Lagi ring bantayan ang ganitong klase ng red flag. Malalaman mong maiksi ang kaniyang attention span kapag hindi siya makatagal sa isang gawain at agad na lumilipat ito nang hindi natatapos ang nauna.
5. Maraming dahilan
Kapag siya ay may ginagawang isang gawain, hindi niya ito matapos-tapos dahil sa maraming dahilan na kaniyang ibinibigay. Maaaring sinasabi ng iyong anak na gutom siya, masakit ang ulo o pagod na.
6. Mood imbalance
Ito ay kapag ang tantrums ng iyong anak ay alam mong hindi na normal katulad ng dati. May kaugnayan ito sa ‘mood disorder‘ ng mga bata.
7. Inattentive
Nangyayari ito kapag hindi makapag-focus ang isang bata. Hirap nilang sundan ang isang gawain at matandaan ang isang bagay. Senyales din ito ng Attention Deficit Hyperactivity Disorder (ADHD) sa mga bata.
Laging tatandaan na ang attention span ng mga bata ay iba-iba. Maaaring gamitin ang attention span chart bilang gabay sa kanila at kung pasok pa sila sa normal curve. Happy parenting!
Translated with permission from theAsianparent Singapore
Isinalin sa wikang Filipino ni Mach Marciano
Source: Brain Balance, TOI