Pangarap ng iba ang magdiwang ng magarang kasal kasama ang maraming mga bisita. Ang iba naman ay nais ng maliit na seremonya na kakaunti lamang ang mga bisita. Sa bagay, kanya kanya tayo ng gusto.
Ngunit may ilan ang naglalakas loob tulad ng online sweethearts mula China. Nagdesisyon kasi silang magtanan sa kabila ng kanilang murang mga edad. Dito makikita ang masamang epekto ng internet.
Kinontak ng babae ang lalaki na may planong makipagtanan | Image source: iStock
Ibinalita ng China Press na ang 12 taong gulang na si Xiao Zhang mula Dazhou, Sichuan ay nagparating ng kagustuhang makipagtanan sa kanyang 15 taong gulang na kasintahang si Xiao Lei mula Taiyuan, Shanxi. Nangyari ito matapos niyang magkaroon ng pakikipagtalo sa kanyang mga magulang.
Matapos nilang pag-isipan ang mga maaaring gawin, nakabuo sila ng plano. Si Xiao Lei ay sasakay ng tren patungong Dazhou para kunin si Xiao Zhang bago bumalik ng Taiyuan nang magkasama.
Plano nilang bumalik sa tirahan ng lalaki kung saan ito hahanap ng trabaho para masuportahan sila | Image source: iStock
Nadiskubre ng ama ng babaw ang pakikipag-tanan ng kanyang anak. Naka-alis na ang babae nang malaman niyang sumama ito sa isang lalaki na nakilala online. Tinawagan ng ama ang railway police nuong ika-26 ng Nobyembre, ayon sa The Shanghaiist.
Nuong ika-12 ng Disyembre ay naglabas ang Jilin Railway Public Security ng isang video. Makikita dito ang mga nagtanan na naglalakbay nang sila lang, ayon sa The Beijing News.
Ipinaliwanag ni Xiao Lei na nagkakilala sila ni Xiao Zhang sa isang video game ilang buwan nang nakaraan. Simula nuon ay magkasintahan na sila online.
Sabi ni Xiao Zhang, dahil sa pakikipagtalo sa mga magulang, ayaw na niyang mamalagi sa bahay ng mga ito. Dahil dito, nagdesisyon siyang hanapin si Xiao Lei sa Taiyuan. Babalik lamang raw siya sa kanyang mga magulang kapag makahanap na siya ng trabaho.
Pinilit kumbinsihin ni Xiao Lei ang mga pulis na nagagawa niyang suportahan silang dalawa. Ayon sa kanya ay kumikit siya ng nasa 1,800 Yuan (P13,000) kada buwan. May plani na rin daw siyang umupa ng matutuluyan nila habang mananatili sa bahay si Xiao Zhang para maglaro sa kanyang phone.
Nagpatulong ang mga pulis na kumbisihin ang mga bata na bumalik sa kanilang mga magulang | Image source: AsiaOne
Kung hindi ito maging epektibo, dadalhin daw ni Xiao Lei ang babae abroad. Siya ay tiwala na makakayanan niyang suportahan sila kapag sila ay nasa ibang bansa na.
Ang mga pulis ay nagpatulong sa ilang mga pasahero na kausapin ang mga bata para bumalik sa kanilang mga magulang.
Ayon sa China Press, kinontak ng mga pulis sa Dazhou ang mg magulang ni Xiao Zhang matapos ito. Ligtas siyang naihatid pabalik sa kanyang mga magulang.
Ang article na ito ay unang nai-publish ng AsiaOne at ini-republish sa theAsianparent nang may pahintulot.
Basahin: Yaya nakunan ng CCTV na inaabuso ang kaniyang alaga
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!