8 na paraan upang maprotektahan ang mental health mula sa social media

Lumabas sa isang pag-aaral na may masamang epekto ang social media, alamin kung paano maiiwasan ang paggamit ng social media.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nakakaramdam ka ba minsan ng kalungkutan, pagkadismaya o inggit sa tuwing binubuksan ang iyong personal account sa Facebook, Instagram, at iba pang social media accounts? Hindi ka nag-iisa. Alam mo rin bang maaari ring narararanasan ito ng iyong anak sa kaniyang paggamit ng social media?

Mababasa sa artikulong ito:

  • Masamang epekto ng social media sa mental health
  • Mga paraan upang maprotektahan ang mental health

Lumabas sa isang pag-aaral mula sa Journal of Social and Clinical Psychology na nakakaapekto sa mental health ng mga tao ang masamang epekto ng social media.

6 masamang epekto ng social media sa mental health

Ang mga tao ay may kakayahang gumaya sa mga nakikita nila sa kanilang paligid at kapwa kaya hindi nakakapagtaka na ang mga tao ay may tendensiya ring makaramdam ng inggit at ikinukumpara ang sarili sa iba.

Dahil dito, naapektuhan ng pagkukumpara ng sarili ang mental health sa atin, at maaari ring maapektuhan nito ang ating mga anak.

Mabilis silang nakakaramdam ng lungkot, pagkamuhi, inggit at iba pang negatibong pag-iisip. Nagbubunsod din ito sa pagkakaroon ng depression para sa iba.

Ayon kay Dr. Melissa Hunt, psychologist at may-akda ng pag-aaral.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“When you look at other people’s lives, particularly on Instagram, it’s easy to conclude that everyone else’s life is cooler or better than yours.”

Ipinapayo ng mga eksperto ang social media detox o ang pagtigil sa paggamit ng anumang social media accounts, pansamantala o pangmatagalan depende sa tindi ng epekto ng social media sa mental health ng isang tao. Ito ay upang makapagpahinga ang kaisipan ng tao at magkaroon ito ng kapanatagan sa sarili.

1. Ang paggamit ng social media ay nakakapag dulot ng depression

Tunay ngang ang social media ay ginagamit upang mapalapit ang mga tao sa isa’t isa ngunit sa kabilang banda, maaari itong magkaroon ng kabaligtaran na epekto, lalo na kung may hindi pagkakasundo na mangyayari online. 

Ang social media ay konektado sa depression, anxiety, at kalungkutan. Maaaring maiparanas nito sa tao na nag-iisa siya sa mundo. 

Ayon sa isang pag-aaral ang mga taong gumagamit ng social ng mahigit sa dalawang oras kada araw ay may mas mahinang mental health kaysa sa mga taong hindi gumagamit ng social media.

Kung ang iyong anak ang gumagamit na ng social media maaari rin maranasan niya ito lalo na kung mas mahaba pa ang ginugugol niya na oras sa social media.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

2. Nakakapagpababa ng self-esteem

Ang social media ay maaaring magdulot ng feelings of inadequacy o pakiramdam ng kakulangan tungkol sa buhay o sariling itsura.

Kahit na alam natin na ang mga litrato na nakikita natin online ay minamanipula o hindi totoo, maaari pa rin itong maging sanhi ng insecurity, pagkainggit at kawalan ng kasiyahan.

3. Maaaring magdulot ang labis na paggamit ng social media ng FOMO o ‘Fear of Missing Out’

Isa pa sa mga problema sa mental health na kaugnay ng social media ay ang tinatawag na FOMO o ang ‘Fear of Missing Out’. Ang mga social media sites tulad ng Facebook at Instagram ay maaaring magdulot ng tako na baka napag-iiwanan ka na.

Itinatak nito sa isipan ng tao, na ang iaba ay mas namumuhay ng masagana kaysa sa buhay na mayroon ka ngayon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

4. Sanhi rin ang social media ng self-centeredness o self-absorption

Ang pagpo-post o pagbabahagi ng selfie at mga iniisip sa social media ay maaaring magresulta sa self centeredness. Madalas nabubuhos dito ang atensyon ng isang tao imbis na makihalubilo sa mga kaibigan o kapamilya. 

Ang pagnanais na magkaroon ng magandang impresyon sa ibang tao ay maaaring magdulot ng mga negatibong epekto lalo na kung ang validation na iyong hinihingi mula sa iba ay hindi natatanggap. Ito ay posibleng magresulta sa pagdududa sa sariling kakayahan o pagkamuhi sa sarili.

5. Ang paggamit ng social media ay maaaring maglayo sa iyo sa mga mahal mo sa buhay

Ang sobrang paggamit ng social media ay maaaring maglayo sa iyo sa reyalidad. Imbis na magkaroon ng bonding time kasama ang pamilya ay mas nauubos ang iyong oras sa social media.

Kapag nagtuloy-tuloy maaari itong magresulta sa pakiramdam ng pag-iisa. Nababawasan din nito ang kakayahan na mag-focus ng isang tao.  

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Shutterstock

6. Maaaring ginagamit ang social media bilang hindi malusog na paraan sa pagharap sa mga problema

Marami sa mga tao ngayon ay ginagamit ang social media upang malibang at maiwasan ang mga intindihin. Ang iba naman ay ibinubuhos ang kanilang emosyon habang ginagamit ito, halimbawa na lamang ang pag po-post ng nararamdaman.

May mga pagkakataon pa na kapag problemado ang isang tao ay makakakita siya ng mga post na mas lalong magpapalala ng kanyang nararamdaman.

Kaya naman minsan imbi na makatulong ay mas napapalala pa ng paggamit ng social media ang sitwasyon. 

BASAHIN:

Why your Child’s mental health is important as their physical. Here’s why you should take it more seriously

Gustong maiwasan ang mental health problems sa bata? Ito ang dapat kinakain niya, ayon sa study

10 parenting mistakes na nakakaapekto sa mental health ng bata

8 na paraan kung paano maiiwasan ang paggamit ng social media upang maprotektahan ang mental health

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

1. Subaybayan ang paggamit ng social media

Ang unang hakbang upang maprotektahan ang mental health ay ang subaybayan ang paggamit nito.

“Keep track of your social media use and mood, with particular focus on feelings of self-esteem, eight or 12 times per day,” sabi ni Sonja Lyubomirsky, psychology professor sa UC Riverside at may-akda ng librong The Myth of Happiness.

Sa paraang ito nababantayan ang oras ng paggamit ng social media at mga bagay na nakikita sa newsfeed at wall ng personal account.

2. Limitahan ang oras ng paggamit ng social media 

Ayon sa pag-aaral ang mga taong gumagamit ng social media sa mas maikling oras ay mas nagkakaroon ng masayang mood. Maaari rin itong i-apply sa iyong mga anak kahit na teenager siya. Limitihan ang kaniyang screentime para makaiwas siya sa masamang epekto ng social media. 

3. I-follow lamang ang mga tao o pages na nakapagpapasaya sa iyo

Bukod sa pagbabawas ng oras sa social media, maaari mo ring i-follow na lamang ang mga mga pages o tao na nakakapagpasaya sa iyo. Ayos lamang na i-block o i-mute ang mga bagay na nagdudulot ng kalungkutan oat stress sa iyo. 

4. Iwasan ang paggamit ng social media bago matulog

Ang blue light na nagmula sa cellphone at computer ay may negatibong epekto sa ating pagtulog. Kung ikaw ay nakakaranas ng hirap sa pagtulog ay maaaring sanhi ito ng labis na paggamit ng social media.

Siguraduhin na 1 oras bago matulog ay nailog-out mo na lahat ng iyong social media accounts at at nakapatay na ang iyong screen. Sa ganitong paraan mas magiging maayos ang iyong pagtulog.

5. Sanayin ang pagkamahinahon

Mabisang pamamaraan ang pagkamahinahon sa paggamit ng social media. Nakakatulong ito upang maiwasan ang pagkaramdam ng mga negative vibes mula sa iba’t-ibang balita at post na nakikita sa newsfeed ng iyong personal account.

Mindfulness is a great technique for putting things into perspective and helping us counteract the negative effects of social media,”sabi ni Erin Vogel, postdoctoral fellow sa Department of Psychiatry ng University of California.

Subukang obserbahan ang iyong sarili sa tuwing nakakakita ng mga post na tumatalakay sa iba’t-ibang balita. Nakakaramdam ka ba ng inis? Nalulungkot ka ba? Natutuwa? Sa pamamagitan ng pagkilala sa iyong iba’t-ibang reaksyon, madedetermina mo ang mga bagay na maaaring makaapekto sa iyong mental health.

6. Subukang mag-reality check

Larawan mula sa Shutterstock

Ang mga tao sa social media ay madalas na ibinabahagi ang anumang nangyayari sa kanilang buhay araw-araw, at maging tayo ay ginagawa din ito.

“People tend to present the ‘highlights’ of their lives. So, when we compare ourselves to others on social media, it’s not a fair comparison,” sabi ni Vogel.

Upang maiwasan ang pagkaramdam ng inggit, subukang mag-reality check sa iyong sarili.

Ang mga post mo ba ay sumasalamin sa tunay mong buhay? Kung nagpo-post ka ng mga bagay na hindi sumasalamin sa tunay na nangyayari sa buhay mo para lamang makasabay sa uso, baka kailangan mong magmuni-muni muna.

“If your posts don’t represent a completely accurate picture of your own struggles, odds are other people’s feeds don’t either.”

Dagdag pa niya,

“Remembering that we all curate our social media with personal highlight reels — not our bloopers or blunders — may help give you perspective when you’re feeling subpar next to someone else’s seemingly fabulous life.”

7. Baguhin ang pananaw sa buhay

Isa rin sa masamang epekto ng social media ay ang unti-unting pagbago ng pananaw ng mga tao. Ginagamit din ang social media sa pagpapalaganap ng iba’t ibang propaganda at fake news. Kaya kadalasang nagkakaroon ng mga pagtatalo at hindi pag-uunawaan ang mga tao sa bawat post at balita na nakikita nila.

“For instance, if you’re feeling bad that your toddler is throwing non-stop tantrums when everyone else’s kid seems angelic on social media, you can cognitively reframe how you feel about it by recognizing that it’s developmentally appropriate for your toddler to assert their independence,” sabi ni Vogel.

Palawakin ang kamalayan at subukang baguhin ang pananaw sa buhay upang maiwasan ang panghuhusga sa kapwa at makita ang ibang side sa bawat isyu o usapin na nakikita natin sa social media. Paganahin din ang critical thinking upang makilala ang pagkakaiba ng reyalidad sa peke.

8. Mag-focus sa mabubuting bagay sa iyong buhay

Mainam na laging isaisip ang lahat ng mabubuting bagay na nangyayari sa iyong buhay at iwasan ang mainggit sa lahat ng nakikita sa social media.

Sa katunayan, isang pag-aaral noong 2017 ang nagpatunay na malaki ang nagagawa ng gratitude sa pagbawas ng stress at depression ng tao. Sa ganitong paraan naiiwasan ang masamang epekto ng social media at napapataas naman nito ang motivation at well-being natin.

Tulad ng nasa kasabihan, “count your blessings and appreciate everything what you have in life” upang hindi maapektuhan ng mga negatibong bagay ang iyong pag-iisip at buhay.

Mahalaga parents na ituro rin natin ito sa ating mga anak at gabayan sila sa paggamit ng social media para sila rin ay protektado sa masamang epekto ng social media. Ituro sa kanila kung paano maiiwasan ang paggamit ng social media upang makabuti sa kanilang mental health.

Karagdagang ulat mula kay Joyce Vitug

Source:

Livestrong, Journal of Social and Clinical Psychology