Ano ang kahalagahan ng pagkain ng gulay at prutas sa mga bata? Ayon sa pag-aaral nakakatulong ito para makaiwas sila sa mga health problems. Kaya nga mahalagang kumakain ang bata ng masusustansiyang pagkain. Alamin sa artikulong ito ang iba’t ibang benepisyo nito para sa inyong little ones.
Ano ang kahalagahan ng pagkain ng gulay at prutas sa mga bata? Ito ang sagot ng isang pag-aaral
Isang malaking challenge nga naman sa parents kung ang anak nila ay tulad sa mga batang ayaw kumain ng gulay at prutas. Marami sa kids, mas pinipiling kumain na lamang ng junk foods o iba pang pagkain na hindi naman masustansiya.
Ayon sa experts, dapat daw talagang hinihikayat silang maging healthy. Ano nga ba ang kahalagahan ng pagkain ng gulay at prutas para sa mga bata?
Ano ang kahalagahan ng pagkain ng gulay at prutas sa mga bata? Ayon sa experts helpful daw ito para sa kanilang mental health.
Food photo created by jcomp – www.freepik.com
Common na sigurong naisasagot diyan ay para mapalakas pa ang kanilang katawan. Bukod dito, nakatutulong din ito nang lubos sa maraming aspeto ng kanilang growth at development.
Research
Ayon pa nga sa isang pag-aaral hindi lang basta sa physical health ng bata mayroong magandang epekto ang prutas at gulay. Napag-alaman ng experts na ang pagkain ng mga ito ay nakakaapekto rin umano sa pagkakaroon ng maayos na mental well-being ng isang bata.
Kung magiging practice raw kasi ang pagkain nito, maaaring helpful ang masustansyang pagkain na maiwasan ang mental health problems sa oras na sila ay maging adult o magka-edad na. Ito ay nalaman sa isang research na ginagawa ng mga mananaliksik na nagmula pa sa University of East Anglia sa United Kingdom.
Ito umano ang kauna-unahang pag-aaral na nag-iimbestiga ng kaugnayan ng pagkain ng prutas at gulay sa mental well-being ng isang bata. Ganoon din sa kung ano ang pinipinili nilang pagkain sa kanilang agahan at tanghalian.
Nakuha ng mga researcher ang kanilang findings sa Potamogeton ng pag-aanalyze ng data ng halos 9,000 na bata mula sa 50 na paaralan sa Norfolk, East Anglia, England.
Ang kanilang datos ay nakuha sa pamamagitan ng survey questionnaires. Doon ay nakalagay ang mga dietary choices nila. Sila rin ay sumailalim sa mental well-being test na kung saan sinukat ang kanilang cheerfulness, relaxation at pagkakaroon ng good interpersonal relationships.
Findings ng pag-aaral
Nang ma-analyze ang nakalap na data ng mga researcher ay ito ang mga natuklasan nila:
- Ang pagkain ng prutas at gulay ay may kaugnayan sa pagkakaroon ng mas maayos na mental well-being sa mga bata.
- May kaugnayan sa maayos na mental well-being ng bata ang mga pagkaing kinakain niya sa agahan at tanghalian. Ang mga batang kumakain ng traditional breakfast ay may mas maayos na mental well-being kumpara sa mga umiinom lang ng energy drinks. Natuklasan rin ng mga researchers na ang well-being score ng mga batang umiinom ng energy drinks sa agahan ay mas mababa kumpara sa mga batang hindi nakakain ng almusal.
- Ang hindi pagkain ng tanghalian ay nakakaapekto sa physical growth at development ng isang bata. Ganoon din sa academic performance niya sa school.
- Mas malaki ang impact ng good nutrition sa mental well-being ng isang bata kumpara sa mga nakikita niyang violence o pagtatalo sa loob ng kanilang bahay.
Nalaman ng experts kung ano ang kahalagahan ng pagkain ng prutas at gulay sa mga bata dahil sa isang research na kanilang isinagawa.
Photo by Alex Green from Pexels
Rekumendasyon ng pag-aaral
Kaya naman dahil sa resulta ng ginawang pag-aaral, rekumendasyon ng mga researchers ay dapat magkaroon ng mga school policies na magsisiguro na mabibigyan ng good nutrition ang mga bata.
Ito ay dapat kanilang natatamasa bago pumasok at habang nasa eskuwelahan. Ito ay para mapangalagaan ang mental health nila at ma-achieve ng mga bata ang kanilang goals sa buhay.
“Public health strategies and school policies should be developed to ensure that good quality nutrition is available to all children both before and during school in order to optimise mental wellbeing and empower children to fulfil their full potential.”
Ito ang pahayag Prof. Ailsa Welch, ang lead researcher ng ginawang pag-aaral at mula sa UEA’s Norwich Medical School.
Paano mahihikayat ang isang bata na kumain ng gulay at prutas?
Narito ang iba’t ibang paraan ng panghihikayat para mas maencourage ang bata na kumain ng prutas at gulay.
Food photo created by our-team – www.freepik.com
Hindi birong stress ang magpakin sa batang “picky eater” o iyong sobra talagang mapili sa kanilang kinakain. Lalo kung isa ka sa parents na nag-aalala talaga sa health ng iyong kids. Madalas kahit anong pagpapakain mo sa kanila ng healthy foods ay hindi talaga umuubra.
Para matulungan ang parents, narito ang ilang sa mga hakbang na maaaring gawin para naman ma-engganyo pa lalo silang kumain:
Be creative.
Eating is also an art. Maaaring i-try na maging malikhain sa pagpeprepare ng pagkain sa inyong kids. Kadalasan kasi sa mga bata ay nakukuha ang kanilang atensyon kung nakakaaliw o nakatutuwa ang kanilang nakikita.
Maaaring hiwain ang mga prutas o gulay sa mas nakatutuwang hugis. Puwede rin namang mag-combine ng mga colors na tingin mo maka-catch ang kanilang atensyon. Mainam na ito ay pagmukhaing masarap sa kaniyang paningin para ma-enganyo siyang kainin.
Mix and match.
Bukod sa pagiging creative, maaari ring mag-mix and match. I-try na ihalo ang mga pagkaing hindi niya gusto sa mga pagkaing paborito niyang kainin. Sa ganitong paraan kasi hindi niya mamamalayang nahahaluan na pala ng healthy foods ang kanyang kinakain.
Maaari ring namang lutuin ang mga ito na halos kahawig sa kanyang favorite food. Halimbawa na lang kung paborito niya ang burger patty, imbes na gawa sa karne ay gumawa ng kapareho nito na gawa sa gulay gaya ng puso ng saging. Ganun din sa iba pang pagkain.
Involve them.
Gustong-gusto ng bata kapag nalalaman nilang nakakatulong sila sa parents lalo sa gawaing bahay. Kaya nga kung nagbo-volunteer sila na tumulong sa paghahanda ng foods, ay hayaan na silang mag-participate. Sa ganitong way naman nakikita nila ang process ng preparatin at mas encouraged silang kainin ang kanilang hinanda.
Have a conversation.
Communication is the key at halos ito ang maaaring sagot sa maraming suliranin. Importanteng na kausapin ang iyong anak at ipaliwanag sa kanya kung ano nga ba ang kahalagahan ng pagkain ng prutas at gulat.
Iwasang pilitin siya sa pagkain nito sa pamamagitan ng pagpapagalit o pagsindak. Hindi niya rin mae-enjoy ang pagkain at lalong kaaayawan ito hanggang sa kanyang pagtanda.
Mga pagkaing dapat nililimitahan para sa mga bata
Ngayong alam mo na kung ano ang mga pagkaing dapat kinakain ng kids para maging healthy. Narito naman ang mga pagkain dapat nililimitahan para sa kanya:
- Matatamis na biskwit
- Desserts na tulad ng cakes at ice creams
- Processed foods like meats at sausages
- Junk foods o salty snaks
- Chocolates
- Cream at butter
- Mga pagkaing binili sa fast food gaya ng pizza, burger, etc.
- Matatamis na inumin
Karagdagang ulat mula kay Angerica Villanueva
Dito sa theAsianparent Philippines, mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!